50: Out of town (Part 3)

2.2K 61 2
                                    

--

Naging masaya ang maikling bakasyon namin sa camiguin. Marami kaming pinuntahan at nag island hopping rin kami sa maliit na isla dito. Nag extent kami ng two days para mas malibot pa namin ang isla.

Nandito kami ngayon sa Ardent hot spring, kasalukuyan kaming naliligo. Marami masyadong tao dahil nga walang pasok at sembreak din ng iilan.

Kasama ko ngayon si Lisa, Rose at Shy sa pool. 'Yong dalawang babae na si Lechell at Mara nandoon sa mga boys nag haharutan. Alam na alam ko talaga ang punipunterya nila kundi si Ramson. Tss! Kakaiba talaga ang harot nila sa katawan. Hindi nalang ako kumibo kasi ayaw ko ng gulo.

Tinuon ko nalang ang pansin ko kila Lisa na ngayon ay nag kwen.kwento sa akin ng iilan bagay kay Xander Samonte ng High Risk. 'Yong sikat na banda sa school namin. Crush na crush daw nya masyado si Xander na napag alaman kung pinsan ni Rose.

"Ate Leia, nakita namin kayo ni Kuya Ramram na naghalikan sa dalampasigan kahapon kinilig nga kami ni Rose eh, hihi!" Kilinig na sabi pa ni Lisa. Nahulog ang panga ko at uminit bigla ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.

What? Nakita nila ang ano d-daw? Ang h-halikan namin? Waaaa! "Ate Leia ang sweet nyo masyado ni Kuya, alam mo? Ngayon ko lang nakita si kuya Ramram na masaya. Lage lang 'yan naka simangot tsaka ang tahimik masydo ngayon parang nag improved na sya dahil sa'yo." Kwento pa ni Lisa sa akin. Mas lalong uminit ang pisngi ko at pinag kakaisahan na nila akung tatlo. Grabi lang.

Napatingin naman ako kay Ramson sa kabilang dako ng cottage namin. Nag tawanan sila ni Timon habang umiinom ng beer. Naningkit ang mata ko ng makita ko ang iilang kababaihan na napapatingin sa cottage namin habang impit ang kilig. Mas lalo silang napapalingon at nakakatutuk ng makita ngumingit at tumatawa si Ramson. Psh!

"Uy selos si ate! Ang raming nagkakacrush kay kuya." Tudyo pa sa akin ni Lisa. Nag tawanan naman sila Shy at Rose. Lihim nalang akung napairap. Nakakainis, ang rami ngang nagkaka crush kay Ramson at hindi ko maiwasang pag initan ng ulo. Hay! Ang hirap talaga pag gwapo ang boyfriend mo. Lapitin masyado ng mga babae.

"Ate Shy, 'yong lalaking nasa kabilang pool lageng pasulyap sulyap sa'yo. Mukhang crush ka ata nun." Usal ni Rose. Napalingon naman kami sa kabilang pool. Tama nga sya naka tingin 'yong lalaki sa deriksyon namin. Most important kay Shy.

May itsura ang lalaki, maputi, matangos ang ilong, bilogan ang mga mata at mapula ang labi. Magulo ang buhok nya pero nakakadagdag iyon sa kagwapohan nya. "Ate Leia ang raming boys sa paligid natin mukhang tayo ang sadya nila." Bulong naman ni Lisa sa akin.

Napapaligiran nga kami ng mga boys! "Guys, lipat tayo ng pwesto baka magkagulo dito. Naka tingin pa naman si Nana sa akin baka sumugod 'yon at bugbugin 'yong lalaking naka tingin sa akin ngayon. Warfreak pa naman ang lalaking 'yon." Tarantang sabi ni Shy. Kaagad naman kaming tumayong apat at dahan dahan kaming nag lakad patungo sa kabilang pool.

Hindi ko na makita ang cottage namin ng lumipat kami sa kabila. "Ngayon lang ba sila nakakita ng magaganda? Bakit ba hindi nila tayo tantanan sa kakatingin?!" Iritang sambit pa ni Shy. Natawa nalang ako. Hindi ko nalang pinansin 'yong mga lalaking halos humabaran na kami ng tingin.

"Hi girls!" Bati pa ni Timon na ngayon nasa harapan na namin. Nakita ko sa likuran sila Naveen, Zamuel, Eric at Ramson. Naka sunod rin sa kanila si Lechell at Mara na ngayon ay nag tatawanan.

Kita ko kagaad ang pag lapit ni Naveen kay Shy at pinulupot kaagad nya ang bewang nito sa girlfriend. Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Shy kaya lihim akung napangiti.

"Baby Lisa, dahan dahan baka madulas ka." Si Timon na ngayon ay inaalalayan si Lisa dahil masyadong slippery sa bandang nilalakaran nya ngayon. Umupo ako ng makakita ng maganda pwesto. Inilunod ko kaagad ang paa ko sa tubig at nilalaro ito.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon