55: Break

1.9K 61 4
                                    

Leia's Point of View
--

Nag liligpit ako ng mga pinamili ko habang wala sa sarili. Feeling ko blangko ako at wala ng ganang mabuhay. Natauhan lang ako ng mabitawan ko ang baso na hawak ko. Dahil nga wala ako sa sarili ay pinulot ko iyon at nasugatan. Agad akung nagsisi sa ginawa.

Blood came and fell. Nag taka ako dahil hindi man lang ako nakaramdam ng pag kirot. Hindi masakit, hindi mahapdi. Tumulo ang luha ko ng walang pasabi saka tinitigan ang rumaragsang dugo sa akin daliri. Tumayo ako at huhugasan ko na sana ang kamay ko ng marinig kung may tao sa labas ng bahay.

Kumunot pa ang noo ko kung sino iyon. Wala akung inaasahang bisita ngayon.

"Leia! Hello, may tao ba dito?" Rinig ko pa sa labas. Bahagyang nag salubong ang kilay ko. Boses iyon ni Timon. Agad ko naman tinungo ang labas saka binuksan ang gate.

Hindi nga ako nag kamali boses nga ni Timon kasama nya si Zamuel at Eric. Nag tatanong ang isip ko kung bakit sila narito.

"Best- what the hell?!" Si Timon na direkta ang titig nya sa daliri ko. Agad akung nahiya at medjo tinago ko ang kamay ko.

"Freaking God, nag laslas kana Leia? Ba't agad-agad?" React pa ni Eric na nilapitan ako. Binatukan sya ni Timon dahil sa sinabi.

"Shut up! Puro ka talaga kalokohan eh." Asik pa nito sa kaibigan.

"Ouch! Ang hard mo talaga sa akin baby virgin." Biro pa nito pero mas lalo lamang nairita si Timon sa kanya at babatukan pa sana nya uli ito pero naka ilag na si Eric. Napailing ako. Ano bang ginagawa nila dito?

"Anong nangyari sa kamay mo, Leia?" Tanong ni Zamuel. Nasa bakuna parin kami ng gate. Mukhang hindi na sila makapag hintay na pumasok kami. Mukhang nag aalala talaga sila kung bakit duguan ang kamay ko.

"'Wala to, nasugatan lang. Don't mind it." I sighed.

"Are you okay? Parang.." si Timon na sinusuri ang kabuoan ko. Ngumiti ako.

"Okay lang ako. Don't worry. Wait, bakit kayo nandito?" Tanong ko. Pinapasok ko na sila. Umupo silang tatlo sa sofa at tinitigan ako ng seryoso. Parang may alam ata sila sa nangyayari sa akin. Huminga ako ng malalim. Mukhang naabala ko ata sila. Mukhang pinuntahan talaga nila ako dahil sa nangyari.

Sinabi na ata ni Zazu ang nakita namin kanina. Namamasa nanaman ang mata ko kaya naman huminga ako ng malalim. I don't want them to see me crying. Baka sabihin nilang nababaliw na talaga ako sa kaibigan nila which is exactly true. Damn it!

Mahal ko nga talaga ang cheater na iyon! Humanda talaga sya pag nagkita kami. Ang tanong makakaya ko kayang harapin sya? Hay!

"May first aid kit ka ba? Gamutin muna natin 'yang sugat mo. Tsk!" Basag pa ni Timon sa pag iisip ko sa kaibigan nya.

"Wag na I can manage. Hindi naman siguro ako mamatay nito." Tumawa ako pero hindi iyon abot sa mata. Napaka hirap mag papanggap na maayos ang lahat pero sa kalooban mo para ka ng mamatay.

"Leia," puno ng pag aalala na sambit nanaman ni Timon. Ngumiti ako at tumayo. Ayokong kaawaan ako ng taong nakapaligid sa akin. Lalo akung hihina kapag nakikita ko iyon. "Teka lang ha? Huhugasan ko lang to tapos gagamutin. Anong gusto nyo? May cookies akung ginawa baka gusto nyo." Alok ko pa.

Hindi nila ako sinagot, tinitimbang nila kung mag sasalita pa ba sila o hindi. Kinagat ko ang labi ko. Saka mabilis na tinalikuran sila. Tumulo bigla ang luha ko habang papasok ako sa kitchen. Hinugasan ko ang sugat ko. Bawat pag hagos ng tubig sa gripo ay ganun rin ang akin mga luha.

Nag tatanong ang isip ko kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Nag tatanong ang isip ko kung bakit sa kabila ng nakita ko kanina ay mahal ko parin si Ramson.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon