1: First fight

9.7K 143 22
                                    

2 days ago..

--

"Akin na nga 'yan bag ko! Ano ba!" Pagalit na sigaw ko sa lalaki. Ngumiti lang sya ng nakakaloko at mas lalo nya pang tinaas ang bag ko at dahan dahan n'yang inilabas ang mga gamit ko at itinapon sa kung saan. Namilog ang mata ko dahil sa ginawa nya! What the hell?!

Narinig ko naman ang tawanan ng iba pang nandito sa court. Damn! Bakit sa araw nato ako pa talaga ang pinag tripan ng mga pangit nato?

"Hahaha, kawawa naman ang nerd nato. Pangit kasi." Nang aasar na saad ng lalaki.

"Ano ba! Wala ba kayong magawa sa buhay?!" Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. Kahit ano pa ang sabihin ko ngayon walang nakikinig sa akin.

Isa isa na n'yang hinahagis ang mga notebook papel at kung ano ano pang mahalaga sa pag aaral ko ang tinapon nya. Puta! Kanina pa sila ng tri.trip sa akin. Kulang ata to sa pansin ang mga ito eh. Leche lang!

"Ano bang kasalanan ko sa inyong hayop kayo! Ano ba akin na ang bag ko." Kung nakakamatay lang sana ang tingin malamang pinag lamayan na ang mga ungas na mga lalaking ito. "Tapang ah? Kala mo ang ganda! Pangit mo!" Napa buga ako ng hangin! Bwesit! I'm not a freaking ugly as you think you are bastard!

Nerd lang ako hindi ako pangit! Gosh! I really hate men to death! Oo! Ayoko sa mga lalaki. Ayokong umaaligid sila sa akin. Pag nakita nila ang tunay kung anyo baka mapanganga sila sa alindog ko! Marami nanaman mag hahabol at wala nanaman akung kakampi sa buhay. Lahat nanaman iiwan ako dahil sa inggit! Bwesit na inggit yan!

They ruined my life kaya lahat ng mga lalaki kinaiinisan ko. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw ko rin sa mga lalaki.

Una, kasi ang iba paasa mahal ka daw pero marami naman pala kayo! Leche! Dalawa! Ikaw lang daw ang mundo nya pero gumagawa rin pala sya ng ibang mundo nya kasama ang ibang babae! Pwe! Liar!

Ikatatlo, ganda at katawan ko lang ang habol nila! No thanks boys! Mas mabuting maging isang nerd nalang ako kaysa maging maganda pero lolokohin ka lang pala sa huli. Hay!

Nang hindi nakontento iyong lalaki. Bigla n'yang binaliktad ang bag ko para mas lalong mahulog lahat ng gamit ko pero bago pa iyon nangyari may pumigil na sa kanya.

Sa dating palang nya wala ng panama ang lahat ng mga lalaki dito. His bad boy image makes more sick! He looks more dangerous. Ang kanyang itsura ay makikita mo sa mens magazine pero ang ugali nya ay mahahanap mo sa eskwater area! Ang kanyang pilik mata ay mahaba. He has a deep and small eyes. Ang kanyang labi ay namumula sa ganda. Ang kanyang katawan daw ay perpekto ayon sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nag sasalita ako ng magaganda sa lalaking ito! Leche! Sisihin nyo iyon mga babaeng nabubulag sa alindog ng nasa harap ko.

Jett Ramson Benedict H. Herdenson ang leader ng pinaka bully sa lahat ng bully sa school. Ang bad boy sa lahat ng bad boy sa at pinaka sikat sa campus. Ang lalaking kaharap ko ngayon! Literal akung napahinto sa ginawa nya.

Para sya ngayong night in shining armor ko. Damn! What is he doing? Himala ata at pinigilan nya ang lalaking ito.

"Jett? What are you doing? Are you protecting this ugly nerd?" Hindi maka paniwalang anang ng lalaki. Ngumiti lang sya sabay lakas loob n'yang kinuha ang bag ko. Nagitla ako sa ginawa nya. Natahimik ang mga lalaking naroon sa court at pinasadan sya ng tingin hindi malaman kung anong gingawa nya.

"Here," inabot nya sa akin ang bag. Dahan dahan naman akung ngumiti at kukunin ko na sana ang bag ko nga bigla n'yang ihagis na lamang ng malakas sa palabas ng court. Mag jaw drop ko a second dahil sa ginawa nya.

Mistula akung natulala dahil sa ginawa nya. "Loser!" Malamig n'yang sinabi. May kung anong dinikit sya sa noo ko dahilan para tumawa ang mga ungo sa paligid ko. Nag uumapaw ang galit sa kalooban ko! Damn you, Jett Ramson! I cursed him in my mind!

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon