60: Last Dance, Last Goodbye

2.2K 71 15
                                    

--

Tulala akung naka upo sa harap ng salamin. Mag dadalawang oras na ata akung naka tunganga sa harap ng repleksyon ko ngunit ayaw naman gumalaw ng mga kamay ko para ayusan ang sarili ko. Wala akung gana, wala na talaga akung gana. Parang gusto ko nalang matulog at ayaw ko ng magising.

Parang mas gugustohin ko nalang matulog kaysa pumunta sa event ngayon sa school. Ayoko na talagang ipakita sa mga tao na nasasaktan ako. Ayaw ko na talagang ipakita sa mga tao na mahina talaga ako. I'm done enough. I'm so tired of this situation. Pwede stop muna ako sakit? Pwede kahit isang araw lang? Pwede bang time out muna?

Nagpapadyang tutulo ang luha ko, kaya naman napasinghap ako. Ayoko ng umiyak, ayoko na talaga. Nakakasawa na. Tama na. Malalim na buntong hininga ang ginawad ko saka tumitig sa mga make up na naka latag sa harap ko.

Christmas ball ngayon, at lahat ng estudyanteng third year at forth year college ay required na umattend sa event na iyon. Hindi ko feel ang umattend ngayon gabi ngunit no choice talaga ako.

Bahagya akung nagulat ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko at bumukas iyon.

"Ate, si kuya Alyx nasa baba na, hinihintay kana." Sabi ni Aya saka dahan dahan tumungo sa kinaroroonan ko. Nagulat sya dahil wala pa ako sa tamang ayos. "Hala, ate ba't di ka pa nag aayos? Malilate na kayo ni kuya n'yan." Sabi pa nya. Nag buntong hininga ako.

"Aya, hindi ko talaga feel ang pumunta. Aish!" Inis na sabi ko. Napangiwi sya.

"Nako, di pwede 'yan ate diba sabi mo kapag di kayo pupunta ibabagsak kayo sa isang subject?" Anang nya. Napangiwi ako. Oo nga pala, naalala ko 'yong sinabi ni Miss Mendez ang Chairman ng event na iyon, na kapag di ka pupunta ibabagsak ka nila. Tsk! Takot akung mabagsak. Scholar pa naman ako. Ngayon pa ba ako mag mamatigas eh wala na talagang susuporta sa pag aaral ko ngayon maliban kay mama. Hay, buhay.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko para ayusan ang sarili ko. May isang oras pa ako para ayusin ang sarili ko.

"Nga pala ate, ba't si kuya Alyx ang partner mo at hindi si kuya Jett?" Curious na tanong ng kapatid ko. Sa gulat ko ay biglang sumakit ang dibdib ko. Kaswal nalang akung ngumiti kay Aya.

"Wala na kami, Aya." Pormal na sagot ko. Nakita ko ang bahagyang pagka gulat nya.

"Ano? Kailan pa? Teka, bakit naman?" Napangiti ako ng mapakla.

"Sabihin nalang nating pinag tagpo kami pero hindi itinadhana." Mapait kung sinabi saka pilit na inayosan ang sarili ko. Nakita ko ang malungkot na tingin ni Aya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero pilit lang iyon.

Hindi na sya kumibo, mukhang malalim ang kanyang iniisip. Ako naman inaayosan ko ng mabuti ang sarili ko. Tatakpan ko ng make up ang lahat ng sugat at sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Ipapakita ko sa kanila na kahit basag na ako, maganda parin ako. I can do this battle without any help from other people.

We live only once, we need to enjoy this journey even if your journey ahead of you is slowly dying apart.

Nang matapos ako sa pag aayos ng sarili ko ay parang hindi ko na maiwasang mamangha sa sarili ko. Parang hindi na ako 'yong babaeng iniwan at pinag palit sa iba. Para na ako 'yong babae na matatag at maganda.

"Ate, ang ganda mo." Manghang tugon ng kapatid ko. Ngumiti ako. Hindi na pilit na ngiti kundi totoong ngiti na talaga.

"Thank you, Aya." Nang matapos akung mag ayos at mag bihis sa sarili ko ay bumaba na ako para puntahan si Alyx. Nakakahiya na kasi pinag hintay ko sya ng matagal. Pa puri ang narinig ko kay mama ng makakababa ako. Masyadong maganda ang gown na suot ko at sexy. Kulay pula ito, at kumikinang ang ganda ng mga sequins at beads. Masyadong magarbo pero kiri lang.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon