56: Fight

1.7K 52 8
                                    

--

Natulala ako, hindi kayang ma proseso ng utak ko ang kanyang sinabi. Para bang nanaginip lang ako at unti unting gumigising sa katotohanang iiwan nya ako ng ganun na lamang kadali.

Tuloy tuloy ang pag bagsak ng luha ko. Walang humpay, walang tigil. Ni hindi na ako maka hinga at gusto ko nalang i.hikbi ang lahat. Napailing ako. Mahal nya raw ako ngunit ang pag mamahal na ibinibigay nya sa akin ay hindi naging sapat.

Dahil kung mahal nya ako hindi nya ako sasaktan ng ganito, kung mahal nya ako hindi nya ako iiwan ng ganito.

"Ram, b-bawiin mo 'yong s-sinabi mo, please." Pagmamakaawa ko at dahan dahan lumapit sa kanya ngunit bumaksak nanaman ang puso ng humakbang sya papalayo sa akin. Napahikbi na ako.

"Ang sabi mo sa akin mahal mo ako p-pero bakit ganito? B-bakit? I c-can't understand, why are doing this to me.." sumbat ko. "..ang sakit." I whispered. My heart slowly torment and dying. Mahirap pulutin ang mga basag baka masugat ka pa lalo.

Malamig na titig nya lamang ang iginawad sa akin. Ni hindi nya na ako makilala kung sino ako sa kanya. Ni hindi nya na ako makilala na ako ang babaeng minahal nya noon. Blanko at walang emosyon ang kanyang mukha.

"Ram, please bawiin mo. I-I'm begging you. 'Wag mo naman akung iwan ng ganito. O-Okay lang sa akin dalawa kami. O-Okay lang sa akin basta 'wag mo lang akung iwan ng ganito. P-Please." Hinawakan ko ang kamay nya at dahan dahan napaluhod.

Mahigpit ko s'yang hinawakan, sobrang higpit na para bang ayaw ko na s'yang pakawalan. Sobrang higpit na gusto ko nalang manatiling hawakan sya habang buhay. Ayaw ko s'yang pakawalan, ayaw kung iwan nya ako ng ganito. Ayaw ko s'yang mawala sa akin.

Mahal na mahal ko sya. Kaya please, 'wag ganito. Galit ako sa kanya oo pero nawala lahat nang iyon ng sabihin n'yang makikipag kalas na sya sa akin. Di ko kaya. Ayokong tanggapin.

Tanga na kung tanga pero ayoko. Ayoko talaga s'yang mawala sa akin.

"Breanna, I can't stay with you anymore." Parang kutsilyo ang bawat salitang binatawan nya sa akin.

"I'm sorry but I'm so done with you! I don't want a fucking one sided love. I knew you don't love me and I truly understand it that's why I'm fucking free you now. You should be happy by that, right?" Nakita ko kung paano nangilid ang mga luha sa mata ni Ramson. Nakita kung nasasaktan sya. Naramdaman ko kung paano nanginig ang kanyang boses.

Sunod sunod nanaman ang pag tulo ng luha ko. Konti nalang talaga babagsak na ako.

"B-But you said you love me, bakit mo ako iiwan? Dahil sa kanya? Okay nga lang dalawa kami diba? Okag lang talaga, Ram, please 'wag mo lang akung iwan ng ganito." My tears fell again one more time. Tumitig ako sa mata nya.

"Please stop being pathetic, Breanna. Stop being desperate! Damn!" Malamig nanaman n'yang sabi sabay hawi ng kamay nya pero di ko sya binitawan.

"Let go of me!"

"Tell me, mas mahal mo pa ba sya kaysa sa akin?"

"Yes, I-I love her more than I love you." Na estatwa ako. Unti unti nang gumunaw ang mundo ko. Dahan dahan kung nabitawan ang kamay nya. Wala na akung lakas para hawakan pa sya. Parang naputol lahat ng lubid na ginawa ko para higpitan pa lalo ang pag kapit sa kanya ngunit sya na mismo ang pumutol nito at ngayon nahulog na ako. Wasak, sobrang wasak.

"You're lying," tulalang sabi ko pa. Konti pa, Leia konti pa baka pwede pang lumaban. Baka buti pang ibalik

"I'm not," he said matter-factly.

"You're lying," sabi ko uli pero tinalikuran nya na ako. Nanlamig ako. Mabilis akung lumingon sa kanya at papalabas na sya ng infirmary.

"Mahal na mahal kita, Ram," mahinang bulong ko pero hindi nya na iyon narinig kasi lumabas na sya at naiwan akung wasak, duguan at walang buhay. Wala na akung lakas na habulin pa sya. Wala na akung lakas para hawakan pa sya.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon