14: Speechless

3.8K 92 2
                                    

--

"Ma'am, gamutin ko na po ang sugat nyo. Dumudugo na kasi." Anang ng lalaking nurse. Napatingin naman ako sa braso kung may malaking sugat. Napangiwi pa ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang hapdi nito.

Nasa CUCM hospital kami kung saan namin dinala si Naveen. Naka confined sya ngayon dahil sa nangyari. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa ako baka ano na kasi ang nangyari sa kanya. Kasama ko sila Zazu at Zamuel. Hindi pa nakakarating ang iba pa n'yang kaibigan kaya naman nanatili kami sa labas at nag hihintay sa doctor kung ano na nga ang lagay ni Naveen.

Nasa Emergency room kasi sya at ginagamot na. Isang oras narin kami ditong nag hihintay sa labas. At alam kung mas nag aalala ngayon sila Zazu kay Naveen.

"Ma'am? Dito po tayo sa loob." Tumingin ako kila Zazu at Zamuel na ngayon ay naka tingin na sa akin at ngumiti. "Mag pa gamot kana, Leia. Alam namin kanina mo pa yan iniinda." Saad pa ni Zamuel.

"Gago pala kayo eh, ba't ngayon nyo lang nasipan ipagamot sya?!" Baritong boses ng lalaki. Nagsipaglingon kaming lahat sa kanya at bahagya pang namilog ang mata ko nang makita ko Ransom na ngayon naka tingin ng masama kila Zazu at Zamuel.

Namataan ko naman si Eric kasunod nya si Timon. "Sorry naman 'no? Ngayon pa namin nalaman na may sugat pala sya." Sabi pa ni Zamuel. "Wow, ha? Ngayon nyo pa nalaman eh tingnan nyo ang itsura nya? Pangit na nga sya mas lalo pa s'yang pumangit ngayon." Aba'y walang hiya ang Ramson nato ah! Nanglait pa! Akala ko pa nag aalala ang puta!

"Hoy, Jett hindi pangit ang bestfriend ko! Kung alam mo lang na- faxghsbgas.." tinakpan ko ang bunganga ni Timon dahil sa sinabi nya. Letse! Para talagang armalite ang bibig ng lalaking 'to!

"Ang alam na ano ha, Timon?" Sabi pa nya. Sumulyap naman kaagad si Timon sa akin at sinamaan ko sya ng tingin. "Sige subukan mung magsalita mawawala talaga yang dila mo." Banta ko pa sa kanya. Nag surrender na naman sya na hindi na sya mag sasalita.

Binitiwan ko sya at humalakhak lang ang walangya. "Ma'am gamutin nanatin ang sugat nyo." Kanina pa pala ang lalaking nurse nato kaya naman tumayo na ako at sumama sa kanya. "Wala bang babaeng nurse dito? Ba't lalaki ang mag gagamot sa sugat mo?" Hirit pa ng walang hiyang si Ramson.

"Ako lang po kasing naka duty ngayon sir kaya wala pung babaeng nurse ngayon ang naka assign sa area nato dito." Sagot naman ni Kuyang nurse. Mukhang gwapo pa naman sya saka mabait. "I don't care what you say. I want a girl nurse right now or else I will fire you." Napanganga ako sa sinabi nya. Napaka OA talaga ang lalaking to kala mo kung sino.

"Hoy, walang hiya! Wala kang karapatan i.fire sya! Naiintindihan mo ba ang sinabi nya? Wala daw duty na babaeng nurse dito! 'Wag ka ngang bobo!" Sa inis ko ay sinigawan ko na sya! He give me a death glare and I do the same to him. Nag papatayan na kami ng tingin. Huh! Kala naman nya hari sya dito! Ang kapal lang ng mukha nya.

Napalingon kami ng bumukas ang emergency room at iniluwa ang doctor na ngayon ay naka tingin na sa amin. " Who's the guardian of Mr. Mark Naveen Trinidad?" Anang ng doctor.

"Wala pa po dito doc. Mga kaibigan nya lang po kami. Ano na po ba ang lagay ng kaibigan namin, doc?" Bulalas pa ni Eric. Huminga naman ng malalim ang doctor at nag salita. "Maayos naman sya. Buti nalang at minor lang ang natamo nya. Ililipat nanamin sya ngayon sa private room para bumalik kaagad ang lakas nya at sa mga karagdagang test." Para kaming nabunutan ng tinik ng sabihin iyon ng doctor sa amin.

"Thank you po, doc."

"Walang ano man, excuse me." Anang ng doctor saka sya umalis sa harap namin. Nag sipag upuan naman ang mga kaibigan ni Ramson.

"Ako na ang mag gagamot sa'yo." Saad nya ng nasa harapan ko na sya. "Sir, ako na po ang bahala sa girlfriend nyo. That's my job.." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Kuyang nurse. "Nako po kuyang nurse hindi ko po boyfriend ang lalaking iyan." Pagtatama ko sa sinabi ni kuyang nurse sabay turo kay Jett Ramson.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon