49: Out of town (Part 2)

2.2K 64 1
                                    

--

Nasa barge na kami ngayon para on the way sa sa camiguin. Binubusog ko ang aking mata sa pag tanaw ng malawak na dagat. Napapangiti ako at napapalukso na parang bata ng makakita ako ng dolphin sa baba.

First time kung sumakay sa barge kaya naman nanatili ako sa labas para makita ang maliliit na isla. Wala akung ginawa buong biyahe kundi ngumiti. Pumikit ako ng mariin ng lumanghap ako ng sariwang hangin. Habang ginawa ko 'yon may naramdaman akung pumulupot sa bewang ko. Amo'y palang ng pabango nya bumibilis na kaagad ang tibok ng puso ko.

"Baby," bulong nya sa tenga ko. Iba't ibang elektrisidad kaagad ang bumalot sa katawan ko. Impit ang kilig ko sa mga oras nato. My gosh! Ang landi ko na, waa! Naramdaman ko ang malambot n'yang labi sa shoulder ko. Mariin akung napapikit dahil d'on.

"Wooo! Back off guys may SPG." Rinig kung boses ni Eric sa likuran namin. Kaagad akung napamulat at uminit ang pisngi ko.

"Sa kabila tayo guys mukhang occupied na ng mag asawa ang pwesto nato dito." Rinig ko naman ang boses ni Zamuel. Nakarinig naman ako ng mga yabag hudyat na papalayo sila sa pwesto namin.

"Tss! Their ruining the moment."  Bulong na asik pa ni Ramson. Kumalas sya sa pag kakayakap nya sa akin sa likod at tumabi sa akin. Magkadikit ang balat namin kaya lumayo ako ng konti kanya. He look at me with a solemn expression.

"Bakit?" Takhang tanong ko. Wala s'yang imik at lumapit uli sa akin at magka dikit uli ang balat naming dalawa. Mukhang gusto nya atang magkadikit kami pareho. Lihim nalang akung natawa.

Isang oras rin at gabi na ng makarating kami sa camiguin. Isang oras rin ang binahe namin patungong sa private resort kung saan pag mamayari ng pamilya Herdenson. Muntik na nga akung makatulog buti nalang at nagising kagad ako ng makaramdam na tumigil na ang sasakyan.

Napangiti ako ng marinig ko ang hampas ng alon mula sa tubig dagat. Napapikit ako ng makaramdam ng sariwang simo'y ng hangin.

Masayang bumama sila Timon habang bibit na nila ang mga gamit nila. Halata namang excited ang mga girls ng makita nila ang resort. Kukunin ko na sana ang bag ko kaya lang mabilis na inaagaw iyon ni Ramson dahilan para magulat ako.

"Akin na, kaya ko 'yang dalhin." Anang ko pa. Hindi nya ako pinansin instead panadausdos nalang nya ang kamay nya sa kamay ko. Napasinghap ako ng i.interwind nya kaagad ang mga daliri naming dalawa. First time n'yang hawakan ang kamay ko kaya nakaramdam ako ng kilig. Oh my gosh!

Nakita kung nakaakbay ngayon si Eric sa babae nya habang si Zamuel ay ganun rin. Maging si Shy at Naveen na ngayon ay ang sweet sweet na ay ganun rin. Si Zazu medjo loner dahil sya lang mag isa. Napatingin sya sa akin at binigyan nya ako ng ngiti sa labi.

Tumingin ako sa mga mata nya, may kakaiba akung nakita. Lungkot, halo halo ang emosyon nya. Napangiti naman ako pabalik sa kanya. Gusto ko sana s'yang kausapin kaya lang ay hawak ako sa kamay ni Ramson.

Si Timon, Lisa at Rose ay nag uusap ngayon habang papasok na ng resort. Bahagyang hinila naman ako ni Ramson para maka pasok na kami sa loob.

Napamangha ako sa ganda ng resort. Punong puno ng mga ilaw ang nakikita ko. Maging sa malalaking cottage ay napapamanha ako dahil sa kinang ng ilaw na bumabalot dito. May malawak na U-shape na swimming pool ang nakita ko sa gitna ng resort. Napaka linis parang naakit tuloy akung maligo.

May sumalubong sa aming dalawang lalaki at babae. Nasa mid 50's ang isang lalaki at babae habang ang iba naman ay medjo bata pa.

"Good evening sir Jett ma'am Lisa, maligayang pagbabalik po inyo. Good evening po din sa inyo ma'am sir," Bati nung medjo bata. Napangiti ako. Makikita mo talaga sa mga mata nila na mababait ang mga taga rito. "Good evening din po." Bati naman namin sa kanila.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon