77: Win her back

2.4K 62 14
                                    

NP: Love can't lie
BY: Sarah Geronimo

--

Tulalang mag isa si Jett sa car park habang pinoproseso pa nya ang mga narinig nya mula sa kaibigan n'yang si Zazu. Hindi nya sukat akalain na mas malalim papalang pinag dadaanan ngayon si Leia kaysa sa kanya.

Ayaw matanggap nang utak nya ang mga narinig dahil nga galit sya sa dalaga. Ayaw n'yang tanggapin lahat dahil sya mismo ay nasaktan. He's more than hurt than her. Iniwan sya.. Iniwan sya dahil sa walang kwentang rason. Pero bakit tila nag bago ang ikot nang mundo. Bakit pakiramdam nya mas lalong naging mabigat sa kanya ang lahat dahil lamang sa sinabi ni Zazu.

Bakit mas ginulo nito ang sistema nya? Masyado nang malala.

"No, this is can't be happening." He muttered himself while crying inside in his car. He wants to forget everything ngunit nangingibabaw ang pag aalala nya sa dalagang si Leia.

"Magiging patas ang laban natin Jett, kasalukuyang hindi makaalala ngayon si Leia dahil sa sakit nya. Mukhang may pag asa pa ako sa kanya. Pwede ko pang mabago ang ikot nang mundo."

Kumuyom ang kamao nya at nahampas nya ang manibela nang maalala nya ang sinabi ni Zazu sa kanya.

"Fuck! No! Hindi nya ako pwedeng kalimutan! Hindi!" Galit na aniya sa sarili. Mabilis n'yang binuhay ang kanyang sasakyan at nagmadaling umalis sa lugar na iyon. Lasing sya ngunit nawala ata ang kalasingan nya dahil sa nangyari sa kanila ni Zazu.

Alas tres nanang madaling araw nang makauwi sya sa kanilang bahay. Himala at wala na ang mommy nya sa sala para pagalitan sya sa oras na maka uwi ito nang madaling araw. Mukhang sa pagkakataon na ito napagod na ang kanyang ina na bungangaan sya hanggang umaga.

Mahigit apat na buwan na s'yang lageng umuwi nang ganitong oras. Parati s'yang pagod at kung minsan naman pagka uwi nya ay hindi agad sya nakakatulog.

Lage s'yang tulala habang inaalala ang mga bagay na magkasama sila nang dalagang una n'yang minahal. He sighed heavily nang makarating na sya sa kanyang silid.

Parang zombie s'yang nag tungo sa kanyang kama at binagsak ang sarili. Pipikit na sana sya nang maanyagan nya ang singsing sa kanyang harapan.

Singsing iyon na ibinigay nya kay Leia nang mag propose sya. Dahan dahan nya itong dinampot at napangiwi. Bumangon sya at pinag masdan nang mabuti ang mamahaling singsing na ibinili pa nya sa New york nun naroon pa sya sa ibang bansa.

Balak nya talagang pakasalan si Leia kapag naging mabuti na ang pakiramdam nya. Unang kita palang nya sa singsing sa pinag bilihan nya nito ay naalala nya kaagad ang magandang mukha nang dalaga. Titig na titig sya habang inaalala nya si Leia na sinusuotan nya nang singsing. Na iimagine nya na ang naka ngiting si Leia habang pumapayag na itong mag pakasal sa kanya.

"Oy kuya, naka ngiti ka jan? Balak mo na bang itali si Ate Leia sa'yo?" Anang nang kapatid n'yang si Lisa nang mapansin nito ang kakaibang ngiti sa labi nya.

Naputol lahat nang magagandang naimagine nya nang umintirap ang kapatid nya.

"Masyado ka talagang in love, kuya. Well, anyway magpapakahirap ka ba naman uminda nang sakit mo kung di mo mahal ang isang tao." Habol pa nito. Wala sa sariling napangiti sya.

"She's my life.." wala sa sariling aniya habang naka titig sa kumikinang na singsing sa harap nya. Diamond ring ito, at kung titigigan mo talaga masyadong nakakaakit ang ganda nang singsing.

"I see my future when I saw this ring, Lisa. I saw my future in her.." nakangiting aniya nya uli. Lumingon ang kapatid nya sa kanya at nakangiti ito.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon