17: Jealous

3.7K 95 1
                                    

--

"Kailan tayo mag start ng practice ng rumba?" Tanong sa akin ni Zazu ng matapos ang klase namin ng umagang iyon. "Mamayang hapon pwede na." Sabi ko habang inaayos ko ang gamit ko sa bag. Hindi parin ako maka paniwala na kasali ako sa ballroom. Hanggang ngayon kinikilabotan parin ako.

Sasayaw ako sa maraming tao tapos makikita nila ang itsura ko! Anak ng tipaklong naman oh! Kahit anong angal ko kay Dean hindi nya talaga ako pinag bigyan. Waaa! I am doomed!

"Okay this afternoon. Saan ba tayo? Pwede tayo sa bahay namin. Or ikaw saan mo ba gusto?"

Ito wala akung choice! Pag di daw ako sumali sa competition mababawasan ang points ko sa exam. Pag nangyari 'yon mawawala ang scholarship ko. Hindi pwede!

"Kahit saan wala naman problema sa akin. Pero Zazu pwede umatras? Di talaga ako sang ayon sa ballroom na to eh! Huhu, di ako marunong sumayaw." I exclaimed. Natawa naman sya sa reaction ko. Siguro para akung tangatanga sa harap nya. "Don't worry, ako bahala sa'yo." Tapos ngumiti sya sa akin ng pamatay! Dang! Uminit ata ang pisngi ko.

Bakit ang gwapo nya? Ehh? Leai! Stop it! "Zazu, Leia!" Napalingon kami nakita namin silang lima kabilang na si Naveen. Nanlaki ang mata ko ng makitang ayos na sya! Napangiti sya sa akin habang papalapit sa gawi namin ni Zazu.

"Okay kana?" Tanong ko. Tumango naman sya. "Yes, thank you.." nagulat ako. "Thank you? Para saan?" Sabi ko.

"For saving me.." nagulat ako sa sinabi nya. Napangiti ako. Napapahiya na iwan. "Wala akung nagawa sa'yo kaya 'wag kang mag pasalamat." Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko.

"Thank you parin." Sabi nya uli.

"AHEM!" nabaling ang atensyon namin ng umeksina si Ramson. Tiningnan ko sya. May ubo ba sya? "You okay, bro?" Tanong ni Zamuel.

"Mukha ba akung di okay?" May himig iritasyon sa kanyang boses. Tumingin sya sa akin at tumaas ang kilay nya. I just rolled my eyes sabay irap. Papansin talaga sya.

"Zazu saan kayo mag pra.practice ni Leia ng ballroom?" Tanong ni Timon. "Sa bahay namin." Sagot nito.

"Ayos sama kami!" Anito.

"Sure!" Pag sang ayon pa ni Zazu.

"Wag mo nalang kaya silang isama?" Bulong ko kay Zazu. Nakita ko kung paano ako tingnan ni Ramson. "Why?" Tanong nya pa.

"I'm not comportable with it. Nahihiya kasi ako. Baka kantsawan lang ako ng lalaking nasa gilid mo." Tumingin naman sya sa gilid nito. Nakita nya si Ramson na kanina pa naka tingin sa amin. "Don't mind him, Leia. Naiingit lang 'yan kasi ikaw iyon ka partner ko." He whispered. Bahagya naman kumunot ang noo ko. Ba't naman sya maiingit?

"Jett, may announcement na may practice daw kayo sa pageant. Di ka makakasama sa amin mamaya sa bahay ni Zazu." Anang ni Eric.

"Ba't ba updated ka masyado sa pang baklang pageant na 'yan? Siguro type mo rin sumali no?" Panunuya pa ni Ramson. Natawa naman si Eric. "Di bro gusto ko lang malaman kasi ayokong matalo sa pusta namin ni Timon at Zamuel. Ikaw pa naman ang bet kung manalo kaya alam ko. Malaki kasi ang pusta ko sa'yo sayang naman kung matatalo ka."

"Ah, so pinag pustahan nyo ako? Baka gusto nyo hindi na ako sumipot at pag bugbugin ko kayong tatlo?! Ano, ha?" Tsk! Heto nanaman po sila.

"Hindi naman kasi, alam mo na, Jett maganda kasi may pustahan eh para may thrilling."

"Thrilling pala ha? Hali ka nga dito. Patitikim ko sa'yo kung anong thrilling sa'yo."

"Uy! Uy! Ba't ako lang? Timon, Zamuel!"

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon