32: Dream

3.2K 87 4
                                    

--

"Zazu," kaagad na bulong ko sa sarili ng makita ko si Zazu na halos hindi na maka kilos pababa ng kanyang fortuner. Nanghihina ako ng makita ko ang duguan n'yang mukha at nanghihina n'yang katawan. Halos ayaw ko s'yang tingnan kasi nasasaktan ako.

Nang dahil sa akin kung bakit sya nagka ganito. Nang dahil sa akin kaya sya nahihirapan. "Damn, ass!" Inis na mura ni Spencer at marahas na lumabas ng kanyang sasakyan.

Nanlaki ang mata ko ng bigla n'yang sinugod si Zazu at sinuntok ng malakas sa mukha dahilan para mapahiga ito sa daan. Nang hindi sya na kuntento ay sinuntok at sinipa nya uli ito na para bang wala na s'yang makialam kung mamatay ba ito o hindi. Halos hindi na makatayo si Zazu dahil sa sunod sunod na pag ataki na binigay nito sa kanya. Napa ubo sya ng dugo at halos hindi na makatayo. Tumulo ang luha ko sa mga mata. Ang sakit masyadong tingnan.

Wala akung maisip ngayon kundi tulungan si Zazu. Lumabas ako ng kotse at agad pumagitna sa kanilang dalawa.
"Tama na Spencer, please maawa ka." Napatigil sa pag amba uli ng suntok si Spencer at mariing tumingin sa akin. Puno ng galit ang mga mata nya bagay na hindi ko nasayanan sa kanya noon.

"Stay away Leia!" Sigaw nya sa akin pero hindi ako nasindak. "Pag di ka umalis jan masasaktan ka sa akin!" Banta nya pa.

"Saktan mo nalang ako 'wag sya!"

"Leia, umalis ka. Madadamay ka lang dito. Patay talaga ako kay Jett nito pag may mangyaring masama sayo." Nahihirapang saad ni Zazu. Tumingin ako sa kanya at piniga ang puso ko ng makita ko s'yang nahihirapan na.

"Wala akung pakialam kung masaktan ako ngayon." Mariing sabi ko. "Sasama ako sa'yo Spencer 'wag mo lang saktan uli si Zazu." Pakiusap ko.

Tumingin ng mariin si Spencer at marahas na kinuha ang kamay ko at pinatayo. Saka mabilis na nag lakad pero bago pa kami maka pasok uli ng sasakyan ay nagulat nalang akung may umataki ng suntok kay Spencer dahilan para mapaatras ito at pumutok ang labi.

Nanlaki ang mata ko ng mag tama ang mata naming dalawa. "Ramson," Bulong ko.

"Wow nga naman! Perfect tyming ka talaga Herdenson, no?" Sabi pa ni Spencer sabay punas ng dugo nito sa labi. "Of course ako pa ba?" Sarkastikong sagot naman ni Jett Ramson saka mabilis na umatake kay Spencer.

Mabilis na naka ilag si Spencer sa suntok ni Ramson saka mabilis rin umatake si Spencer kay Ramson pero hindi nya na suntok si Ramson dahil naka ilag rin ito. Mabilis ang pag atake ni Ramson saka sinipa nya si Spencer sa tyan dahilan para maatras ito ng mabilis. Mabilis uling sinuntok nito si Spencer sa mukha dahilan para di ito maka ganti ng tuluyan.

Nabaling ang atensyon ko ng makita ko ang mga lalaki kanina na na pinalibutan sila Timon. Mabilis naman umatake ang mga lalaki kila Timon. Ngayon ay nakikipag laban na sila sa isa't isa.

Agad akung lumapit kay Zazu na naka higa na ngayon sa daan. Walang katao tao sa lugar nato at dilim lang ang nakikita ko sa buong paligid. Pikit na ang mata ni Zazu kaya mabilis na tumibok ang puso ko.

"Zazu, gumising ka! Zazu!" Sigaw ko sa kanya. Dahan dahan n'yang binuksan ang mga mata nya. "Dadalhin ka namin sa hospital Zazu. Please 'wag ka lang matulog." Sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

"I'm sorry ng dahil sa akin kaya kayo nasasaktan ng ganito. I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko uli. Mas lalong tumulo ang luha ko.

"D-don't be sorry. Nangyari na ito noon pa. 'W-wag mung sisihin ang sarili mo dahil hindi mo to ginusto. We're here to protect you, okay?" Tapos dahan dahan n'yang pinunasan ang mga luha ko kahit hirap na hirap na sya.

"I-l care about you so much, Leia." Hinawakan ko ang kamay nya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Tiningnan ko isa isa sila Naveen, Zamuel, Eric at Timon. Halos nanghihina na sila sa dami ng nakalaban nila ngayong gabi.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon