15: His other side

4K 95 4
                                    

--

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng mga oras na iyon. Para akung aatakihin sa kanyang sinabi. Simple lang naman iyon pero bakit sobrang laki ng impak nun sa akin? Ilang minuto pa s'yang nakaroon sa kwarto ko at agad naring umalis para bumalik uli sa CUMC hospital.

"Good night, baby." Malambing na saad nya pa sabay kindat saka lumukso sa bintaha na parang ninja. What the hell? Hokage moves, bess? Nang gabing iyon hindi ako maka tulog dahil kay Ramson. Bwesit! Kina umagahan para akung zombie patungo sa school.

Nagulat pa ako kasi nag kakagulo sa field. Doon ako dumaan sa gilid kasi pupunta pa akung library para sana gumawa ng assignment ko sa Humanities kaya lang mukha hindi ata ako makakaraan dahil sa sobrang dami ng tao.

"KYAAAA! PALO BATTER! SEXY BATTER!"

"GO SEXY BATTER! HOME RUN MO YAN."

Kung maka sigaw naman ang mga babaeng to kala mo mamatay na ngayon! Bwesit nakakarindi ang mga puta! Ang lalandi! Lalaki lang yan! Wag pa halatang attract masyado 'no? Sadyang may ibang babae talagang walang class! Tss!

"Play ball!" Narinig kung sigaw ng umpire. Mukhang may larong baseball ata sa field. Dumungaw naman ako kasi na curious ako. Ang rami kasing tao. Sino bang nasa batter's box?

"HOME RUN! HOME RUN!"

"GO SEXY BATTER! GO JETT! WE LOVE YOU!" What the fuck?! Nakita ko si Jett Ramson na ngayon ay naka focus na sa bola ng pitcher. Nag bend agad sya para ipalo na ang bola. Parang bumilis ang tibok ng puso ko ng pag pitch na ng pitcher ay agad nya iyong naipalo sa isang pitch lang.

"Kyaaaa!" Sigawan ng mga babae. Agad naman tumakbo si Ramson sa first base. Nakita ko si Eric na tumatakbo patungo sa third base habag si Timon naman ay sa second base. At dahil nga malakas ang naging pag palo nya ng bola ay silang dalawa Timon at Eric ay naka home!

"Ang galing galing talaga ng baby boy ko! Kyaaa!

"WE LOVE YOU SEXY BATTER!!!"

Nakita kung paano nag slide si Jett patungo sa home base. "SAFE!" anunsyo ng umpire. Wow! Naka home run nga sya! Malakas kasi ang pag palo nya kaya ayun para ng mababaliw ang mga baabeng nandito!

"KYAAAA! SEXY BATTER JETT RAMSON! SEXY BATTER JETT RAMSON! SEXY BATTER JETT RAMSON!! KYAAA! WE LOVE YOU!" tili at sigawan pa nila! Nakita ko naman may banner pa sya. Napa buga ako ng hangin! Hanep! Uso rin pala ang fan girls dito. Nakipag aperan naman agad sya sa mga kaibigan nya.

"Inspired masyado sa laro ah?" Rinig ko pang tukso ni Zazu sa kanya sabay halakhak. Ngumisi lamang sya bilang sagot. Walang kwenta! Ayoko ng manuod walang thrill. "Bestfriend!" Napahinto naman ako sa pag lalakad ng matawagin ako ni Timon. Letse, pahamak talaga, oh!

Inis akung bumaling sa kanya. Nag tama kaagad ang mata namin ni Jett Ramson na ngayon ay naka ngisi na sa akin. Uminit ang pisngi at agad akung umiwas.

"Nanuod ka ng game namin? Diba ang galing ko? Hahaha! Naka home ako bestfriend!" Masayang sabi pa nya. Ngiwian ko lang sya. Para s'yang batang nag kwe.kwento sa akin. "Hindi ako nanuod sa game nyo. Napadaan lang ako. 'Wag kang assuming." Mataray na sabi ko pa. Natigilan naman sya sa sinabi ko.

"Aray naman bestfriend. May last inning pa kami. Manuod ka ha? Pag nanalo kami mag di.date tayo, okay?" Sabi nya sabay kindat. "Hoy ungas! Anong date ang pinag sasabi mo?" Angal pa ni Jett Ramson.

"Hey, Jett lower down your voice. Baka may makarinig sa'yo, alam mo namang marami kang fan girls dito baka saktan nanaman nila si Leia. Malilintikan ka nanaman sa kanya. Sige ka." Banta nya pa. Umangat ang sulok ng labi ko.

"Subukan lang nilang saktan si Liea. Ipatitikim ko sa kanila kung paano mamuhay sa imperno!" Asik pa ni Ramson.

Nag uusap pa sila habang hinihila ni Timon si Jett Ramson. Umiling nalang ako sa kabaliwan ng mag kaibigan. Bakit ganun? Nag papangit na nga ako diba? Pero bakit may lalaki paring umaaligid sa akin? This is useless bullshit!

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon