74: I'm Sorry

2.2K 56 17
                                    

NP: Running into Breakup
BY: BTOB

--

Naka ngiti kaming dalawa ni Ramson habang binabaybay namin ang dagat. Dapit hapon na at masyadong maganda ang pag lubog nang araw para sa amin. Naka ngiti sya habang pinag mamasdan ako. Ayaw kung bitawan ang kamay nya. Natatakot akung dito ko sya maiwan. Ayoko pa kasi. Ayaw ko pa muna.

Tatlong araw nalang, tatlong araw nalang para makasama ko sya. Tatlong araw nalang na mahahawakan ko ang kamay nya nang ganito. Tatlong araw nalang para makita ko kung gaano sya ka gwapo sa paningin ko. Tatlong araw nalang para maramdaman kung gaano kasarap mabuhay nang kasama sya.

Tatlong araw nalang.. at pagkatapos nang tatlong araw aalis na ako at iiwan sya..

Masyadong mabilis ang araw, parang kailan lang magkasama pa kami. Ngayon parang bibilangin nalang ang oras. Dalawang linggo na kaming magksama nang ganito. Oo, dalawang linggo, hiningi ko kay papa na e.extend pa namin ang pananatili dito. Sobra akung nag makaawa sa kanya para payagan ako.

Walang nagawa si papa kundi pag bigyan ako sa gusto ko kahit na hindi sya sang ayon sa bagay na ito. Ang saya saya ko nun habang sinasabi n'yang pinayagan nya ako.

"Pero anak, kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang, huh? Nandito lang ako." Aniya. Napangiti ako.

"Oo pa, thank you." Sobrang nag papasalamat ako kay papa dahil nariyan sya lage sa tabi ko. Hinalikan ko sya sa pisngi saka nag paalam na aalis muna para makita si Ramson.

Marami na kaming pinuntahang beach ni Ramson pero ito na ata ang pinaka maganda sa lahat. Ito 'yong private resort nila sa Camiguin. Masyado kasing maaliwas ang paligid, tahimik at masyadong nakaka relax. Kung pwede nga dito nalang ako forever. Tatlong araw na kaming nandito kasama ang pamilya at kaibigan nya.

Nag yaya kasi si Tita Dusty na mag bonding since gusto nya mag bakasyon at dito ang napili nya. Gusto nya raw sana sa ibang bansa kaya lang kakapusin sila sa oras. Pinasama ni Tita Dusty ang buong kaibigan ni Ramson pati narin si Shy kaya naman masaya ang nag daang araw na nandito ako kasama sila.

Kada maiisip kung iiwan ko sila Timon parang pinipiga ang puso ko. Mahirap atang iwan ang ganitong klaseng mga tao. Marami na kasi kaming pinag samahan at masasabi ko talagang mababait silang lahat sa akin. They took care of me and love me as their own friend. Nag papasalamat ako sa kanila dahil nakilala ko sila.

Sana lang mapatawad nila ako sa pag alis ko.

Nasa kalagitnaan kami nang paglalakad namin ni Ramson sa dalampasigan ng bigla akung nakaramdam nang hilo. Napatigil ako sa paglalakad. Mabilis na napalingon si Ramson sa akin dahil sa pag hinto ko.

"Hey, what's wrong?" He asked in a concern voice. Pinikit ko ang mata ko baka sakaling mawala ang hilo ko pero nang ibuka ko ang mata ko mas lalong nag alon ang paningin ko. Dahan dahan gumapang ang kaba sa dibdib ko.

Shit, di pwedeng dito sa harap ni Ramson. Makakahalata sya. Nag tubig bigla ang sulok nang mata ko.

"Breanna, hey, are you okay?" I forced a smile to hide my situation.

"Ram," nanuyo ang lalamunan ko.

"Yes, baby? What' wrong? Are you okay?" Pabalik balik na tanong nya. Pagod akung tumango. Parang nag doble ang paningin ko kaya mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko.

"B-Balik na tayo, R-Ram pagod na ako. Masakit na ang p-paa ko." Nanginig na ang boses ko. Parang any minute babagsak na ako. Napakapit ako nang husto sa braso nya. Nakita ko pa ang pag salubong nang kilay ni Ramson nang makitang mahigpit ang kapit ko sa kanya.

"You look pale. Are you sick? Wait, I lift you up." Hindi na ako nag protesta nang kargahin nya ako. Nang hihina na ako. Hindi ko na kayang mag salita. Masyado nang umaalon ang paningin ko.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon