13: Ang hina ko

3.7K 92 1
                                    

--

Isang buwan narin ang nakalipas simula ng mag away kami ni Ramson. Naging tahimik ang buhay ko ng wala sya. Hindi nya ako kinikibuan o tingnan man lang. Ganun narin ang ginawa ko.  Naging tunay na stranger na ang turingan namin sa isa't isa. Naging payapa narin ang pag aaral ko ng hindi na sya umaligid sa akin.

Kahit ang iba ay nangdidiri parin sa akin okay lang ang mahalaga naman sa akin ay hindi na nila ako saktan physically. Si Timon ganun parin sya. Kada break pupunta sya sa akin at mangungulit. Kahit ayaw ko s'yang pansinin ay lapit parin sya ng lapit sa akin. Ewan ko ba sa lalaking to ang kulit eh.

Papauwi na ako ng bahay habang nag lalakad ng may biglang humila sa akin. Bigla akung kinabahan at nanlamig ang tyan ko. "Don't move nor don't shout, just keep your mouth shut." Malamig na saad nya pa. Sa boses pa lang alam kuna kung sino ito.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ba't nya ba ako hinila? Ano bang trip nya? "Ano? Nakita mo na sila Herdenson?" Anang ng isang lalaki sa di kalayuan sa bahay namin. Nanlaki ang mata ko.

"Sabi mung nandito sila? Ba't wala dito? Niloloko mo ba kami?" Anang naman nung isang lalaki. Biglang tumigil ang hininga ko. Ba't hinahanap sila Ramson? Anong pakay nila?

"Nakita ko si Jett kanina dito." Bahagya akung napalingon kay Ramson at bahagya pa akung nagulat ng makita ko s'yang sugatan. What the hell? Saang gyera ba sya pumunta? Ba't ganito ang itsura nya? "Nakatakas na siguro! Tara, baka nandito lang sila sa paligid. Hanapin natin." Tapos umalis ang tatlong lalaking hinahanap sila Jett Ramson.

Inis akung bumaling sa kanya ng tingin. Hinang hina sya at parang kanina pa sumabak sa gyera ang taong to. "Jett, umalis na sila. Tara baka maabutan nila tayo dito." Napalingon ako at nakita ko si Naveen na halos pareho lang ang itsura nila ni Ramson.

Teka? Ano bang nangyayari sa kanila? "Leia umalis kana baka mapahamak ka dito." Sabi pa ni Naveen. Naguguluhan naman ako.

"Wait, ano bang nangyari? Ba't puro kayo sugatan?"

"Jett, Naveen!" Mahinang sigaw pa ng isang lalaki, napalingon kami sa kanya. Namilog ang mata ko ng makita ko si Zamuel na halos pareho lang ng itsura kila Ramson at Naveen.

"Saan sila Timon, Zazu at Eric?" Tanong ni Naveen.

"We're here!" Sunod sunod namang nag sipag lingunan sila Naveen at Zamuel. Hanggang ngayon dito ko parin alam kung anong nangyayari sa kanila. Puro sila may pasa sa mukha at may iibang galos sa katawan. Para silang nakikipag bakbakan sa mga masasamang tao. "Bestfriend? Ba't ka nandito?" Nagulat pa si Timon ng makita nya ako. Sila Eric, Zazu ay ganun rin ang reaction.

"Uuwi na sana ako kaya lang hinila ako ng walang hiyang to!" Sabay turo ko Ramson na ngayon ay seryoso lang naka tingin sa akin at may malalim ang inisip. "Maraming kinuhang tao si Scar. Inaabangan na nila tayo kanina pa sa Prince Anderson." Saad pa ni Zamuel. Nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni Jett Ramson.

"Kaya naman natin iyon mga ungo na iyon kaya lang marumi silang makipag laban. Kinuha nila si Shy, Jett." Nakita kung nanglaki ang mata ni Jett Ramson. Nakita ko kung paano nag tiim ang bagang nya. Nakita ko kaagad ang galit sa mga mata nya. Teka sinong Shy?

"What the fuck? Kinuha nila si Shy? Saan nila dinala si Shy?" Galit ang nahihimigan ko sa tono ng boses ni Naveen. Hindi ko alam kung sino si Shy pero pamilyar ang pangalan nya sa akin. "Putangina talaga ang Scar na 'yan! Hindi talaga patas lumaban eh!"

"Fuck! Hindi! Pupuntahan ko si Shy! Baka ano pa ang mangyari sa kanya." Galit na saad ni Naveen saka mabilis na umalis. Hinabol kaagad sya ng mga kaibigan nya. "Naveen, teka! Planuhin muna natin ang pag punta sa lungga ni Scar baka mapahamak tayo pag nag padalos dalos tayo." Mahinahong sabi pa ni Zazu kay Naveen.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon