63: Worth

1.8K 55 10
                                    

--

Tulala akung nag lalakad sa daan, pilit na pinoproseso ang lahat na nangyari. Hindi ko maiwasang mapaiyak uli nang maalala ko ang pag tataboy ni Ramson sa akin. Bakit ganun sya? Bakit galit sya sa akin? Hindi nya ba alam na labis akung nag aalala sa kalagayan nya? Hindi nya ba alam na ang sakit sakit na?

Despite sa karamdaman nya para parin s'yang tigre kung magalit.

Kung titigan talaga sya para wala s'yang sakit eh. Napangiti ako ng mapakla, bakit ko pa kasi nagustuhan ang taong 'yon? Ginayuma ba nya ako? Tss! Mukha bang makukulam ang lalaking iyon? Napa buntong hininga nalang ako dahil sa sitwasyon ko.

Napa upo ako sa isang bakanteng bench sa park. Ayaw ko pang umuwi. Ayaw kung mag aalala sila mama sa akin. Atsaka pa nakakasawa narin mag pretend na okay ka kahit hindi naman talaga. Nangingilid nanaman ang luha ko. Parang isang tulak nalang talaga hindi na ako makakaahon dahil sa problemang ito.

Nagulat ako ng may nag abot sa akin ice cream, napalingon ako at nakita ko si Zazu. Ngumiti sya at umupo sa tabi ko. Wala akung nagawa kundi kunin ang ice cream sa kanya. Ngumiti ako ng malungkot.

"Ang sabi nila the best daw nyan kainin kapag stress at depressed ka." Sabi nya sa akin. Tiningnan ko s'yang kumakain ng ice cream habang nakatitig ito sa malayo. Nagulat ako ng bigla s'yang lumingon, mabilis naman akung napaiwas ng titig sa kanya.

"When life gets harder just pray, he will help you." Seryosong tugon nya. Nagulat ako sa sinabi nya. Natawa ako ng konti. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Akala ko ang mga mayayaman na tulad nila ay hindi na pinaniniwalaan ang diyos dahil nga marami na silang pera. Hindi na nila iisipin pa ang diyos dahil nga busy sila kakagawa ng ikakayaman nila.

"I'm damn serious, you know." Utas nito. Hindi nalang ako nag salita. Kinain ko nalang ang ice cream binigay nya. Somehow naka wala sya ng konti sa stress ko.

Tahimik kaming kumakain ng ice cream ng bigla s'yang mag salita. "Pasensyahan muna si Jett, mukhang ayaw ka nya atang masaktan nang sobra kaya ganun sya sa'yo." Napatigil ako sa pagkain ng ice cream. Bigla nanaman namuo ang luha sa mga mata ko.

"Kahit sabihin nya kanina na ayaw ka n'yang makita, I know his dying to see you. Jett is Jett he is the best in hiding his true feelings." Pangpalubag loob pa nya. Ngumiti ako ng malungkot. Hindi ko napigilan ang pag patak ng luha ko. Masyado na kasing masakit kaya hindi kuna napigilan.

"Bakit ganun sya? Hindi nya ba alam sa ginagawa nya mas lalo akung nasasaktan?" Wala sa sariling sabi ko sa kanya. May dinukot sya sa bulsa nya at nakita kung panyo ito. Nagulat ako ng punasan nya ang pisngi ko.

"Everything will be okay. Pag subok lang 'yan sa buhay mo. Don't lose hope, Leia. I know you can through this all. Sabi nga nila diba walang permaninte sa mundo. Lahat ng sakit lilipas rin, lahat ng luha matutuyo rin." Tapos ngumiti sya sa akin.

"Just cry, until the pain stop." Mas lalo akung naluha. Napayakap ako sa kanya. "Payakap muna, ha? Masyado na kasing masakit." Sabi ko. Hindi na sya nag salita instead niyakap nalang din nya ako.

Sa pagkakataon na iyon binuhos ko lahat kay Zazu ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Sana pagkatapos nito makakabangon parin ako. Sana pagkatapos nito happy naman. Nakakasawa narin laging luha ang ipinakita ko sa sarili ko.

Nang matapos akung umiyak nagyaya si Zazu pumunta sa ibang lugar. Tinatanong ko sya kung saan kami pupunta pero hindi nya ako sinagot. Nagulat nalang ako ng nasa tapat na kami ng amusement park. Hapon na at malapit ng gumabi kaya kita ko na ang kulay kahel sa kalangitan.

"Anong gagawin natin dito, Zazu?" Tanong ko. Ngumiti lang sya tapos hinila nya ako pero tumigil rin sya sa paglalakad. Tinitigan nya ako sa mata.

"Before we enter I have a favor to ask you." Marahang sabi nya. Dahan dahan nag salubong ang kilay ko.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon