35: Broken family

2.7K 62 0
                                    

--

Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Iyak lang ako ng iyak na para bang katapusan na ng mundo mamaya. Kinabukasan para akung zombie. Ang laki ng eyebags ko, isama mo pa 'yong mugto kung mata. Para akung tanga habang nakatingin sa salamin.

Ayaw ko sanang pumasok ngayong araw kaya lang nanghihinayang ako. Ang rami ko ng na miss na lesson. Next week midterm na at kapag hindi ako papasok baka bumagsak ako pati scholarship ko mawawala sa akin. Kaya naman naligo na ako kahit masyado ng late. Babaliwalain ko nalang ang lahat ng naririnig ko sa school.

Dali dali akung nag bihis at nilagyan ko ng concealer ang mata ko para matabunan ang eyebags ko. Pagbaba ko nakita ko si mama na umiyak. Biglang kumirot ang puso ko.

"Ma, anong nangyari?" Kaagad pinunasan ni mama ang luha nya. Lumuwa naman sa kusina si Aya na may dalang basong tubig at umiiyak din. "Aya, anong nangyari sa inyo? Ba't umiyak kayo? May nangyari ba?" I asked them worriedly.

"Si papa ate," kinabahan ako bigla sa sinabi nya. Anong nangyari kay papa? Narinig kung humagulhol ng iyak si mama kaya naman lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Ma, anong nangyari kay papa?" Bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Ate, may ibang pamilya na si papa sa amerika." Parang gumunaw ag mundo ko dahil sa narinig ko. Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay mama at kita ko ang sakit at pait sa mga mata nya habang sunod sunod ang luha nya sa mga mata.

What?

"Totoo ba ma? Saan n'yo nakuha ang balitang 'yan? Baka may nag prank call lang sa inyo." Nanginginig kung usal. Umiling lang si mama.

"Ate may nag sent ng picture kay mama sa messenger. Si papa may kasamang babae habang may karga s'yang maliit na batang babae." Parang ayaw kung maniwala kaya naman kinuha ko ang cellphone ni mama at agad tinungo ang messeger at nag scan.

Parang nanlamig ang buo kung katawan ng makita ko ang picture na tinutukoy ni Aya. "Kaya pala hindi na sya tumatawag sa atin dahil may iba na s'yang pinagkakaabalahan! Bakit nagawa ito ng papa nyo sa atin." Hinanakit ni mama.

"M-ma baka hindi po to si papa. Baka edited lang 'yan. Haha! Hindi magagawa ni papa mangtaksil sa inyo. Mahal na mahal kayo nun diba?"

Hindi nag salita si mama. Patuloy parin ang pag agas ng luha nya pati narin kay Aya na ngayon ay nakayakap na sa akin. "Ate, paano na ang pangarap natin makapunta ng amerika." Natulala ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Parang 'yong mga pangarap namin biglang gumuho sa isang iglap lang. "Iniwan na tayo ng papa nyo mga anak. Ano nalang ang gagawin natin?"

"Ma 'wag kayong mag alala tatawagan ko si papa mamaya."

"Ate, tinawagan nanamin si papa ng ilang beses pero hindi sya sumasagot. Nag message na kami pero hindi parin nya sinasagot. Mukhang kinalimutan na nya tayo." Malungkot na aniya.

"Tatawagan ko parin sya kahit hindi sya sumasagot. 'Wag kayong mag aalala makakausap uli natin si papa."

Hindi na ako pumasok sa araw na iyon pati narin si Aya. Sinamahan namin si mama dahil alam namin kailangan nya ng makakasama ngayon. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na pinagpalit kami ni papa sa ibang pamilya.

Sabi pa naman nya na pag graduate namin ni Aya doon na kami maninirahan sa amerika para magkakasamang na kaming apat pero lahat lang pala ng 'yon ay pawang salita lamang.

Mukhang pati kay papa ay naiinis na ako. Lahat ba ng lalaki paasa? Kung ganon hindi na ako uli mag titiwala sa kanila. Pareho lang sila ni Jett Ramson! That jerk! Ba't ko sya naiisip sa kalagitnaan ng problema namin ngayon? He's not worth for my mind to think.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon