75: Change

2.2K 56 19
                                    

Zamuel's Point of View
--

"Hoy, brader talo kana ba't ka paba naglalaro, huh? Ako na nga muna! Kanina pa kaayo jan, eh!" Iritang sabi ko kay Eric sabay tulak sa kanya. Inis nya akung binalingan nang tingin. "Teka nga lang, hindi ko pa natatalo itong virgin na to, eh! Relax ka lang muna jan, brader. Kapag natalo ko sya bigyan kita nang isa sa mga chiks ko galing Brazil." Aniya sabay pokus sa laro. Nag panting ang tainga ko sa sinabi nya.

Mukhang maganda ata ang offer nya. Lumawak ang ngisi ko. "Talaga? Kailan naman?" Excited na tanong ko sa kanya sabay upo sa harap nya. Masyado s'yang tutuk sa screen kaya matagal s'yang naka sagot.

"I think next week daw sabi nung kaibigan kung head designer sa isang clothing line. May fashion show raw kasi sila at inimbitan nya ako. Sasama kita.." sabi pa nito.

Kumuha ako nang chips sa mesa at saka pinakpak. Mukhang marami nanaman ata akung babae next week. Napangisi ako. This is more exciting. Ilan kaya ang yayain ko sa kanila? Dalawa, tatlo? Anim? Hmmm..

"Bwesit!" Binato ni Eric ang joystick sa mesa nang matalo nanaman sya ni Timon sa laro. Nakita kung ngumisi si Timon habang naka titig kay Eric.

"Tang! Dalawang oras na tayong naglalaro pero talo ka parin! Walang challenge! Weak ka!" Panunuya pa ni Timon sabay halakhak. Napasimangot si Eric at sinamaan nya ito nang tingin

"Nang dadaya ka siguro, no?" Paratang pa nito. Nakita kung napangiwi si Timon sa sinabi nito.

"Tss! Sabihin mo masyado kang weak at hindi ka marunong mag laro! Hay! Nag sasayang talaga ako nang oras kapag ikaw ang kalaban ko, eh!" Singhal nito sabay tayo.

"Aba't hambog ka! Naka tsamba kalang, tss!" Natawa ako.

"Naka tsamba ba ang ilang beses nang nanalo? Psh! Maiwan na nga kita. Wala kang kwentang kausap. Weak!" Ani pa ni Timon sabay labas sa game room. Humalakhak ako. Sumunod ako kay Timon at lumabas narin.

Iniwan namin si Eric na naka simangot at busangot ang mukha sa loob. "Matatalo rin kita!" Rinig kung sigaw ni Eric sa loob. Napailing nalang kami ni Timon habang bumaba.

Nakita kung naka salpak si Zazu sa couch habang tulog at may headset sa tainga nya. Nakita ko rin si Naveen na may kausap sa phone nya habang naka ngiti. Naknang! Si Shy nanaman ata ang kausap. Ganito talaga kapag in love eh! Nakakabaliw.

Mukhang si Jett ngayon nababaliw rin dahil kasama nya ngayon si Leia. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na ang dalawang 'yon. Masyado talaga silang in love sa isa't isa. Hay.

Kumuha ako nang beer sa ref at binuksan iyon. Nasa TBHO pala kami ngayon, wala kasi kaming magawa sa bahay kaya nandito kami. Mukhang si Jett lang ata ang may lakad sa amin kaya sya ang MIA (Missing in Action) ngayon.

"Mas mahal kita, babe!" Rinig kung sabi ni Naveen habang kausap si Shy.

"Naa! I miss you," rinig ko pa uli. Napangiwi ako. So corny! Ganito ba talaga kapag in love ang isang tao nagiging kadiri at corny? Tss! If that's love, then I don't want to fall in love. It makes you crazy and stupid. Psh!

"Wala na tayong balita sa Supreme, huh? Namatay na ba sila?" Tanong ko kay Timon habang nasa bar
counter kami. Nakita kung nagkibit balikat lang ito. "Hindi ko alam, himala nga at hindi sila umaataki ngayon sa atin at hindi narin nila ginugulo si Leia. Si Piklat rin hindi na nagparamdam. Baka siguro sinundo na ni Satanas." Natawa ako sa sinabi nya.

I wonder kung ano ang binabalak nila ngayon. Sa pagkakaalam ko babalik sila. Hindi dahil kay Leia kundi para grupo namin. Malaki ang galit nila sa amin kaya hindi malabong aataki sila nang palihim.

"Sa tingin mo si Satanas talaga ang susundo kay Scar?" Natatawang tanong ko kay Timon. Lumagok sya nang whisky sa baso saka nag salita.

"Alangan naman si Lord ang susundo sa kanya, diba? Si Satanas talaga. Tss! Sa rami ba naman nang kasalanan nun? Nakapatay nga raw iyon ng tao." Aniya. Napailing ako at lumagok uli ng beer sa can.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon