46: Zazu's Feelings

2.5K 66 3
                                    

--

"Don't worry I'll send you home after this." Hindi ako kumibo dahil feeling ko lalagnatin ako. Masakit ang lalamunan ko at masakit ang ulo ko. Lihim akung napabuga ng hangin para maibsan ang sakit ng lalamunan ko. Mainit narin ang hininga ko. Parang any minute bubuga ako ng apoy.

Lumingon sa gawi ko si Ramson. "Are you okay?" Tanong nya. Tumango lang ako bilang sagot. Ayaw kung mag salita baka kasi maramdaman nya ang init ng hininga ko.

Patungo kami sa Apple green builiding kung saan ang condo nya. Mag papalit raw kami ng damit doon at para narin magamot ang sugat ni Ramson. Sa totoo lang mas nag aalala ako ngayon kay Ramson at sa iba pang nag mamalasakit na protektahan ako kaysa sa sarili ko. Ako kasi ang dahilan kung bakit nag kaka ganito sila. Nakaka guilty at nakaka iyak. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay nato sa akin.

Sa passed life ko ba naging masama ako at pinaparusahan ako ng ganito?

Lord, Bakit ganito?

Nang makarating kami ng building ay agad kung binuksan ang pinto ng sports car nya para hindi nya maramdaman na nilalagnat ako. Pilit kung maging matibay. Ayaw ko kasi s'yang mag alala. As much as possible ayaw kung dumapo ang balat ko sa balat nya. Lumalayo ako ng konti at pilit 'wag ipahalata na dumedistasya ako sa kanya.

Nilalamig ako dahil basa kami pareho. Sumakay kami ng elevator at pinundor 34 floor. Tahimik kaming pareho sa loob. Ilang saglit lang biglang bumukas ang pinto at may dalawang lalaki ang pumasok. Kaagad dumapo ang mata nila patungo sa akin.

Mukhang ang isang lalaki nasa mid 40's, ang isa naman parang pareho lang ng edad namin ni Ramson. Napayuko ako. Ramdam ko talaga ang titig nila sa akin.

"Hi miss," bati sa akin nung ka edad lang namin na lalaki sa akin. Pilit na ngiti ang ginawad ko sa kanya. Nakita kung dumapo ang tingin nila sa dibdib ko na naka bukas ang butones.

Kaagad ko iyong tinakpan. Leche! Pervert! "Are you alone? Want to join us?" Tiningnan ko si Ramson bakas sa mukha nya ang pagka kalmado at pikit pa ang mata nya. My gosh! Mukhang hindi nya ata nakikita na I'm in trouble here! "Miss, don't be so timid. We're a nice guy." Anang naman ng nasa mid 40's na lalaki. Waa! Nice guy n'yang mukha nya!

I feel jitter right now. Can someone help me?

"Ano miss-" hindi na tapos nung lalaki ang sasabihin nya ng bigla nalang hablutin ang kwelyo nito ni Ramson. My eyes widened when I saw his blazing eyes. Waaa! Nakakatakot ang mata ni Ramson!

"That is my wife you perverted asshole don't you dare talk to her or I will cut off your head right now!" Waaa! Nakakatakot sya! Napahawak ako sa leeg ko. Feeling ko ako ang sinabihan nya ng ganun! My gosh!

Parang naman silang natakot sa banta ni Ramson at wala pa sa alas kwartong lumabas sila ng elevator ng bumukas ito. Para akung nabunutan ng tinik dahil wala na ang mga bwesit na iyon. Pwe!

Tumingin ako kay Ramson naka pikit na sya ngayon habang naka crossed arms. "You're always cheating whenever I get lost sight on you." Ano daw cheating? Saan banda?

Gusto kung umapila sa sinabi nya pero hindi ko magawa dahil masakit ang lalamunan ko at masyado akung nang hihina. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad na uuna si Ramson sa pag labas. Napa hawak ako sa pinto ng elevator ng makaramdam ako ng hilo.

Pinilig ko ang ulo ko at sumunod kay Ramson na ngayon ay nasa tapat na sya ng pinto ng condo unit nya. Kaagad s'yang napatingin sa akin at bahagyan kumunot ang noo nya.

Kinabahan ako kaagad ng makita mabilis ang hakbang nya at dumapo ang kamay nya sa noo ko. "Damn, I already knew you have a fever. Tinatago mo pa." Malumay na aniya.

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon