7: Deny

4.2K 95 5
                                    

--

"Nanaman, ate?" pang bungad nanaman ni Aya ng makauwi ako ng bahay. Umupo ako sa sala at pinahinga ang aking sarili. I'm really exausted and tired this day. Parang lahat ng energy ko sa katawan kinuha ngayong araw. Tumabi sa akin si Aya at sinuri ang aking tuhod. "Pangalawa nayan ate, ha? Hindi ka ba napapagod kaka bully sa'yo ng mga estudyante d'on?" she exclaimed. I sighed at pagod na tiningnan sya,

"Hinaan mo ang boses mo Aya, ha? Baka marinig ka ni mama." saway ko pero di nya ako pinakinggan. Humalikipkip lang ito at tiningnan ako. "Hindi pa si mama naka uwi ng bahay." sagot nito. Kinuha nya ang isang magazine na naka patong sa maliit na lamesa sa aming harapan at sinimulan aliwin ang sarili. Tumayo na ako para maka pag bihis at makapag luto ng haponan namin. 

"Ate, mag transfer ka nalang kaya? Mukhang hindi maganda ang sitwasyon sa paaralan na pinapasukan mo ngayon ako ang nababahala sa'yo eh." napahinto ako at sumulyap sa kanya. Alam kung nag aalala lang sya sa akin kaya nya sinasabi ito. Tipid akung ngumiti sa kanya. "Kaya ko pa. Don't worry about me little sister." I assured here.

"Kung sabagay ikaw naman si Shan Cai. Kayang kaya mung tiisin ang paaralan na iyon at makita si Dao ming si at ang mga tropa n'yang flower four." heto nanaman sya. Nag iiba nanaman ng topic. Hindi ko nalang sya pinansin at umakyat na ako sa akin kwarto. Binagsak ko ang aking sarili sa aking malambot na kama at tumingala sa kisami. Sa totoo lang gusto kung mag transfer sa ibang paaralan. 'Yung tahimik lang at walang manglalait sa itsura mo. Iyong bang tanggap ka kung ano man ang itsura at katangian mo sa buhay.

People always judge your looks and appearance. They always judge your outside itself  at hindi iyon nasa loob looban ng puso mo. Ganyan naman lage, diba? Lage nalang iyong itsura ang nakikita nila hindi iyong tunay na ikaw. Ba't kaya ganun ang mga tao? Pareho pareho lang naman tayong ginawa ng diyos pero bakit may mga taong ganun? Napabuga nalang ako ng hangin. Marami akung naiisip sa mga oras na iyon bago ako unti unting naka tulog. Nagising lang ako ng tawagin ako ni Aya para kumain ng haponan. Nakalimutan ko pang mag luto dahil naka  tulog ako. Malamang si mama nanaman ang nag luto ng haponan namin ngayon. 

Matapos akung mag bihis ay agad akung lumabas ng aking silid at bumama para kumain. Nasa dining na sila mama at Aya. Sumulyap pa si mama sa akin  at napako ang titig nya sa akin tuhod. Agad akung kinabahan dahil alam kung itatanong nya kung anong nangyari sa akin. Nung una kasi ay hindi nya nakita ngayon ito na talaga.

"Anong nangyari sa tuhod mo, Leia?" my mom asked me. Napa kagat ako sa aking labi at walang atubiling sinagot ko sya. "Nadapa po ako, ma." I lied. Yes, I'm always good at lying. Tumaas ang kilay nya dahil sa sagot ko. "Saan ka nadapa?" para s'yang pulis na nag tatanong ngayon. Tumingin sa akin si Aya pero tahimik lamang sya sabay inum ng tubig sa baso. Alam nya ang nangyayari sa akin kaya sana ay hindi sya mag salita ngayon. Ayaw kung mag alala si mama sa akin. 

"Jan po sa gate natin. Hindi ko po kasi namalayan na may malaking bato palang nakaharang." I answered. My mom sighed.

"Mag ingat ka naman anak, sayang ang tuhod mo baka mag kapiklat ka. Baka layuan ka na ng boyfriend mo n'yan." umikot ang mata ko dahil sa sinabi nya. Hinila ko ang bangko at umupo. Kaharap ko ngayon si Aya habang nasa gitna naman namin si mama. "Ma, how many times do I have to tell you that guy earlier is not my boyfriend. Daa? Ang pangit kaya ng palakang iyon." inis na saad ko saka kumuha ng kanin at ulam sa akin pinggan at sinumulan nguyain. Halos kiligin naman sila mama at Aya sa sagot ko.

"Ang sabi ko naman sa'yo, Leia ay okay lang mag boyfriend ka basta iyon batang si ano nga pangalan ng gwapong binata na iyon?" nag iisip pa si mama kung sino iyong nakita n'yang lalaki kaninang umaga ng umintirap si Aya. 

"Si Dao ming si po iyon, ma." nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa pangalan na ibinigay ni Aya kay mama. Bakit ba pinag uusapan namin ang palakang si Ramson? Hay! "Dao ming si? Aba'y kagandang pangalan naman. Unique, ha?" puri pa ni mama. Hindi nya alam si Dao ming si kasi di naman sya mahilig sa korean o taiwan series sa ibang bansa. Nakita ko naman natawa habang kinikilig si Aya kaya sinamaan ko ito ng tingin pero ang bruha hindi naman natinag. Napa iling nalang ako

His Love For Her (Herdenson Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon