Chapter Nineteen
Dedicated to dovenezz 😘😘😘
[Mikho's POV]
"BAWAL po ang dalaw sa kanya, Ma'am. Iyon po ang bilin sa amin. Malalagot po ako 'pag nalaman nila na pinalabas ko siya," sagot ng jail guard matapos makiusap ni Tita France na gusto niya akong makausap. She came in with Shakira, who was also negotiating the guard to let me go. I don't know how they'd found out that I was here. Sobrang bigat ng pakiramdam ko pero kahit pa'no ay nagpapasalamat akong nandito sila.
"Sige naman po, Sir. Kilala po namin siya. Yung mukha bang iyan ang adik at rapist? Eh mas mukha pa nga po kayong kriminal kesa sa kanya!" Shakira scowled at the jail guard.
"Shakira ano ba!" Saway ni Tita."Sir, nakikiusap po kami. Narito lang naman kami para dalawin si Mikho. Kailangan ko ring maibigay itong mga personal na gamit na kakailanganin niya sa loob," pakiusap muli ni Tita then I saw her simply handed a five hundred peso bill to the jail guard. He immediately took the money and pocketed it right away.
Napalunok ako at nahihiyang napatitig kay Tita France. She slightly nodded her head, reassuring me that it was okay.
Sige, pero bilisan niyo," he said and went on the cell gate to open for me. "Tumayo kana diyan, Montero. May dalaw ka."
"Me labs pa'no ako?" I heard the asshole ask while I was struggling to get on my feet. Pinilit kong tumayo at paika-ikang naglakad sa gate.
"Magtanda ka diyan! Me labs mo mukha mo pagkatapos mo akong huthutan ng pera na ipinang i-itchus mo lang diyan sa bisyo mo?!"
"Ako namang nag timbre sa'yo na na dito si--" natigilan niyang sabi ng mapatingin sa'kin"Idol. Hahaha..." biglang tawa niya.
Napatiim bagang na nakuyom ko ang mga kamay ko. I was almost tempted to charge at him. I have already calmed myself but hearing him talk makes me want to kill him again. Hindi naibsan ang galit ko kahit nalaman kong siya ang dahilan kung bakit nalaman nila Tita France na nandito ako.
"Buti nalang tinawagan mo ako at buti nalang sinagot ko ang tawag mo kahit wala akong planong tubusin ka ulit! Salamat sa'yo nalaman naming nandito si Mikho!" Shakira barked at him.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga, sinubukang kinalma ang sarili at hindi na siya pinansin habang palabas ng selda. I was immediately handcuffed and brought to a table nearby. Sumunod rin doon si Tita at Shakira.
"Diyos ko, Mikho? Anong nangyari sa'yo?Ang dami dami mong sugat! Alam ba ito ng mga magulang mo? Ano bang nangyari sa inyo ni Enna? Bakit ganito ang ginawa nila sa inyo?" Tita France gently framed my face, puno ng pag-aalala ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Umupo kami at may kinuha siyang medicine kit sa bag na dala nila. Hinanda niya iyon bago sinimulang nilinisan ang mga sugat ko sa mukha.
"Naku grabe naman ang ginawa nila sayo, Mikho. Mabuti nalang hindi nabali ang ilong mo. Hindi deserve ng pogi mong mukha ang magkaroon ng pasa at sugat. Yung mga ginaganito dapat ay iyong mga totoong adik kagaya ni Ringo. Pa'no kaba na involved sa drugs at rape? Sa pogi mong iyan kahit sino naman mag-papa rape sa'yo. Kaloka!" sabi ni Shakira.Nagbaba ako ng tingin at naluluhang nakuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I don't mind having all these. Ang mag-ina ko ang sobrang inaalala ko. Enna was hysterical when they force dragged her inside their house last night. Natatakot akong baka nakasama iyon sa kanila ng anak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/92926944-288-k244071.jpg)
BINABASA MO ANG
Sinner's Confessions (Montero Series # 2)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Jared Mikholai Montero's Story) Will you turn away from your calling in exchange for a very tempting sin? I do not own the photo. Credits to the rightful owner.