Chapter Thirty Six
[Enna's POV]
" PALANGGA, natatakot ako. Maybe they will do the same thing again kagaya ng ginawa nila noon. Baka madamay ang mga kids," I breathed out while Mikho was squeezing my trembling hand. It wasn't easy to ignore the trauma that my family had left sa puso at isip ko. Kapag nakikita ko itong bahay, lahat ng mga masasakit na pagpapahirap nila sa'min ni Mikho ang naiisip ko. Natatakot akong baka mangyari muli iyon. I know na ini-expect na ni Papa na nandito kami. I just pray and hope na sana maging okay ang lahat. Sa totoo lang, mas nangingibabaw parin iyong takot ko kaysa sa pag-aalala ko sa kalagayan ni Papa. Mabuti nalang at behave lang ang mga kids na sinabihan na ni Mikho na dadalawin namin ang lolo nila. Sana lang hindi nila maranasan na mapagtabuyan or ang hindi ma welcome ng family ko. They were too young at puro pagmamahal lang ang natanggap nila mula sa family ni Mikho.
"Wala tayo ngayon dito kundi ito pahintulot ng Diyos. Hindi kita dadalhin dito at ang mga anak natin kung alam kong mapapahamak kayo. Hindi na muli mangyayari ang nangyari noon, " he kissed my head.
"Pero pa'no--"
Mikho cut off by squeezing my hand again. "Alam kong alam mo, palangga, na may alam na ako sa pamilya mo noon pa pero ayaw mo silang pag-usapan. Ayaw kong ipilit iyon sa iyo dahil ayaw kong lalong makasama iyon sa kalagayan mo. Pero malala na ang lagay ng Papa mo. This is your chance na makita at mapatawad siya. Natatandaan mo ba ang sinabi mo kanina sa'kin? You want to live in peace kasama ng mga magiging anak pa natin. I want to give you that life kaya tayo nandito ngayon."
I breathed out at tumango ako.
Mang Fred opened our windows at lumapit naman agad iyong nagbabantay na guard at nakilala agad kami. He greeted us and without asking, agad niyang binuksan ang gate at pinapasok ang mga sasakyan namin. Lalong lumakas ang kaba ko nang makita ko na ang bahay namin. It was the same as before pero parang wala na iyong buhay. I don't know what had happened to them after we left for LA. Mikho had attempted several times na mabuksan ang topic tungkol sa kanila but I always tell him na ayoko na silang pag usapan. Hindi ko din naman ginustong makita o makamusta sila pagkatapos ng ginawa nila.
Mikho didn't let go of my hand nang makababa na kami sa garage. Hawak niya sa kabilang kamay si Sari, habang hawak ko naman si Uri.
"Sir Mikho, sasamahan pa po ba namin kayo sa loob?" asked Mang Fred.
" Hindi na kailangan. Dito na kayo Mang Fred."
Tumango si Manong then I saw a familiar face na lumabas sa front door. It was Merced!
"Naku, Ma'am Enna, Sir, mabuti po at nandito na kayo!" sabi agad niya at napasugod sa'min. "Salamat po talaga Ma'am at pinagbigyan niyo na ang kahilingan ng Papa niyo. Hindi na kasi kaya ng katawan niya ang lumabas. Pabalik balik na po siya sa ospital pero mas gusto niya pong dito nalang sa mansiyon," bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kambal na parang naiiyak. " Ito na ba ang mga baby niyo, Ma'am? Hello! Ang gaganda niyo, kamukha niyo pareho ang mommy at daddy niyo. Sino ang mas matanda sa inyo?" she greeted the kids.
"Hello din po. I'm Sariah Mikhaela Montero and he's my twin brother Uriah Adrian Montero!" bibong sagot ni Sari. Todo smile naman si Uri na tumingin kay Merced.
"Kambal pala kayo? Nakakatuwa naman," sabi niya at tumingin sa'min ni Mikho pagkatapos at agad na kaming sinamahan papasok sa bahay. Halos hindi na ako makahinga but Mikho was keep on squeezing my hand. Nakakabingi iyong silence ng buong bahay. Not like before na maraming househelp at bodyguards ang bubungad sa'yo. Napansin ko rin na iyon parin iyong mga furnitures noon at hindi pa napapalitan. I know how extravagant when it comes to wealth my family is. Yearly silang nagpapalit ng mga furniture. Even sa garage namin there was just that one old SUV na service lang ng mga bodyguards ni Papa noon. I refused to ask Lina what had happened before she left the house at hindi din siya nag kwento.
BINABASA MO ANG
Sinner's Confessions (Montero Series # 2)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Jared Mikholai Montero's Story) Will you turn away from your calling in exchange for a very tempting sin? I do not own the photo. Credits to the rightful owner.
