Chapter Twenty

15K 475 95
                                        

Chapter Twenty

This chapter is for @adelide_  😍

[ Enna's POV]

I MADE up  an excuse kay Kuya Jaguar na may kukunin lang ako dito sa kwarto. Good thing, pinatawag siya ni Mama sa baba. My family's downstairs at ganoon din si Ashton na abala sa pakikipag usap sa mga bisita. Hinanap ko sa cupboard  ng bathroom ko yung mga nakatagong mga emergency medicines at agad ko namang nakita yung hinahanap kong sodium bicarbonate. Mikey taught me how to use it before sa drama club na sinalihan ko.

I stirred the pill with a little water hanggang sa naging foamy ito.  Then I brought it with me palabas.  I knew anytime Ate will call me dahil magsisimula na ang engagement kaya kailangan ko na itong inumin.  I went through the right wing again, careful na hindi nila ako makita at pumasok sa isa sa mga guest room's doon pero bigla akong natigilan nang namataan ko si Papa at si Tito Vince sa living area ng guest room. I thought they were downstairs already.

Natunugan ko ang bahagyang pagtaas ng boses ni Tito Vince kaya kaagad akong pumasok sa nakaawang na pinto at nagtago. 

"Inaasahan ko kaagad ang kasal pagkatapos ng engagement,  Fernando. Tandaan mo,  hindi ka makakabayad sa utang mo sa'kin hangga't hindi nakakasal ang anak mo sa anak ko at hindi ka nanalong gobernador sa bayang 'to.  Malaki ang atraso mo sa akin. Muntik mo pa akong ipahiya ng hinayaan mo ang anak mong makasama ang lalaking iyon. Oras na sumuway ulit iyang anak mo sa mga plano ko,  alam mo na ang mangyayari. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Nakaawang na sa bibig ko iyong baso pero nanghihinang naibaba ko ito.

"Nangangako akong tutupad sa usapan, Vicente.  Pero nakikiusap akong sana ay hindi malaman ng anak ko ang tungkol dito. Bata pa si Adrienna, hindi niya pa ito masyadong naiintindihan ngayon.  Ako na ang bahala sa anak ko."

"Aasahan ko iyan.  Dahil sa oras na bumagsak at magkabulilyaso itong negosyo ko.  Ikaw at ang pamilya mo ang mananagot.  Lalo na iyang anak mo, " banta ni Tito Vince.

Bago pa sila makalabas ay nakapagtago na ako sa likod ng isang malaking kabinet sa gilid ng pinto. Pakiramdam ko nawala ang buong lakas ko. Nakalabas na sila Papa pero hindi ko makuhang magawa ang plano ko kanina.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Anong ibig sabihin ni Tito Vince sa mga banta niya kay Papa?  Paano na kami ngayon ni Mikho? Paano na ang baby namin?  Kagabi pa ako nag iisip ng paraan kung pa'no ako makakatakas dito.  Halos mabaliw na nga ako sa kakaisip kung ano ng nangyari sa hubby ko. Tapos malalaman ko pa ito?

"Adrienna anong ginagawa mo diyan?! Kanina pa kita hinahanap the engagement party is going to--" biglang bungad ni Ate sa harap ko at natigilan ng makita ang baso sa kamay ko. Bigla siyang yumuko at hinablot iyon sa'kin. "Ano 'to?! Ano 'to ha?!  Plano mo na naman bang ipahiya tayo sa mga Chiu?!" Bigla niya akong hinablot at kinaladkad papasok sa katabing banyo. Tinulak niya ako saka niya tinapon sa sink yung baso.

Then I felt a hard slap on my face. Akala ko  hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong sakit, nung sinampal ako ng sobrang lakas ni Papa at pinagtabuyan niya kami ni Mikho. Sobrang sakit I just feel numb all over.

"I will give you two options, Adrienna. Magpapakasal ka kay Ashton at kakalimutan mo na ang asawa mo kapalit ng kaligtasan niya. O ipapahiya mo muli tayo sa mga Chiu ngayon kapalit ang buhay ng asawa mo. Mamili ka," Iyon lang at lumabas na si Ate.

Nanginginig kong pinagmasdan ng mukha ko sa salamin habang tumutulo ang luha ko. Ayaw kong piliin ang una pero ayaw kong mapahamak si Mikho. 

Sinner's Confessions (Montero Series # 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon