Last Chapter
[Enna's POV]
"Papa!" gulat at sabay sabay na sabi ng mga anak namin. Mikho came in with a bouquet of flower in his hand at may bitbit din siyang cake. Excited na nagtatakbo naman si Natsu sa Papa nito, sa likod nito si Meme na agad ding napatayo para salubungin ang Papa niya.
"Papa!" si Natsu na nagtatalon pa. He must have missed his Papa so much. Kinuha naman ni Meme ang cake sa kamay ng Papa niya saka ito nagmano at humalik sa pisngi ni Mikho. Inabot ni Mikho si Natsu at kinarga na tuwang tuwang ding nagmano. Sunod sunod nang pumila ang mga anak namin para magmano at humalik. I was surprised yet hindi ko mapigilan ang matawa. Ganito kasi lagi ang tagpo kapag ka nandiyan ang Papa nila, para silang pumipila para mag flag ceremony. Ganyan sila ka pormal pagdating sa Papa nila. Ukiyo even once asked me kung pa'no daw kami nagkakasundo ng Papa nila.
"Ma hanggang ngayon I still wonder kung pa'nong naging kayo ni Papa. He is so uptight while you're so cool.Hindi ba boring si Papa?I don't know how you keep up with him."
"Ui masarap kayang kasama ang Papa mo. Atsaka dadami ba kayo ng ganito kung boring ang papa niyo?" sagot ko.
Confused namang napatingin ang anak ko sa'kin habang nagkakamot ng ulo. "Ewan ko sa'yo, Ma."
"I'm here so I guess I have to join the pack of wolves," natatawang sabi ni Blue na nakipila narin.
I stood up narin, pigil ang excitement ko habang palapit sa hubby ko. This time nasa akin na ang attention niya. Isa isang nagsibalikan narin sa table ang mga anak namin.
"Ba't hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka," may tampo kong tanong. Si Natsu naman hawak na ngayon ang bouquet na bitbit ni Mikho kanina.
" Ayokong ma miss ang araw ngayon kaya sinadya kong maunang umuwi sa event," he circled his free hand around my waist bago niya ako hinalikan sa lips. "Happy anniversary, Palangga."
I stomped my foot. Technically, bukas pa naman talaga ang anniv namin pero ako parin dapat ang mauna. "Kainis ka, I was supposed to say that first."
"Pwede kang bumawe mamaya," he whispered, chuckling.
"Mikho!" mahina kong saway sa kanya. Ito ang hindi alam ng mga anak namin. Though Mikho is super caring and sweet sa'kin, discreet na kami ngayon in making love lalo na nang lumalaki ang mga bata. Ayaw naman naming mahuli ng mga anak namin no!
"Big boy, bigay mo na kay Mama and flowers," he said at tumalima naman si Natsu. Then he touched my bulging tummy. "Kamusta kayo ng baby natin? "
"Thank you, palangga. We're good. Masyado na siyang malikot. Na miss yata niya ang boses mo." We walked towards the table at ipinatong ko naman yung kamay ko sa kamay niya na humahaplos sa tummy ko.
"Pa dito kana."
"Salamat, 'nak."
Agad na nahanda ni Meme ang plato ng Papa niya sa tabi ko. Naka slice na rin agad ang cake at naka hain na. Blue moved beside Meme kaya kami na ang magkatabi. Napaka sensitive talaga ng anak kong 'to. No wonder Miko isn't that much tight sa kanya kompara sa iba niyang girls na napagseselosan naman ng iba lalo na si Seme.
Ako narin ang naglagay ng kanin at ulam sa plato niya since Natsu was busy na kinukulit ang Papa niya.
"Kain na palangga. Ilalagay ko lang 'to sa sink. " I meant about the flower and kissed his head.
BINABASA MO ANG
Sinner's Confessions (Montero Series # 2)
RomansaWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Jared Mikholai Montero's Story) Will you turn away from your calling in exchange for a very tempting sin? I do not own the photo. Credits to the rightful owner.
