Chapter Twenty-Six
[Enna's POV]
"MIKHO ano na namang nangyari sa inyo ng asawa mo bakit namamaga iyang pisngi mo?" narinig kong sabi ni Manang Marla. I knew that old woman doesn't like me. Mommy told me na kasama nadaw lahat ng mga anak niya si Manang since they were kids kaya the old woman loves Mommy's children like her very own. I guess she sees me as a horrible wife to my hubby.
"Wala po nay," Mikho said habang may nilalagay siyang vegetable sa niluluto niya. We were supposed to pick up the kids together sa bahay nila mommy but I insisted na ihatid na niya ako dito. I didn't want his family to see us like this. My lips were swelling and he had a swelling cheek. Nanggigil na naman kasi siya. Sa sobrang gigil niya namamaga rin yung mga nipples ko.
The last time we made this he didn't stop when I ask him to stop kaya nasampal ko siya ng malakas and the same happened ulit kanina. I thought kaya ko na pero ang hirap. I want to make love to him and my body wants it but my mind won't let me. I still feel so unworthy of my hubby's touch. I still feel so guilty of everything kahit anong klaseng magagandang salita ang naririnig ko sa hubby ko. I feel even more unworthy of him because of what my family did, because of what I did to our baby. Sana buhay pa iyong baby namin. It was my fault. Kasalanan ko rin kung bakit siya natukso sa Mikaela na yun. I'm a horrible wife. Kundi dahil sa'kin hindi sana nasilang ang kambal na hindi normal. Hindi sana dapat naghirap ang hubby ko ng ganito.
"Wala eh kay maga niyang pisngi mo Mikholai," pangaral ni Manang who took an ice pack inside the ref and handed it to my hubby. "Minsan kahit ayaw kong maramdaman pero hindi ko na mapigilang mainis diyan sa asawa mo. Hindi kana nga naasikaso hindi pa inaalala ang mga anak niyo. Hay ako ang naawa sa mga bata."
"Nay, alam niyo po ang pinagdaraanan ni Enna ngayon," sagot ni Mikho.
"Andiyan na tayo pero lahat ng pagmamahal at pag intindi ginagawa mo na at ng pamilya mo sa kanya. Hindi ko na maintindihan, nak. Akoy napapagod narin sa iyo."
"Mahal na mahal ko po si Enna, Nay."
"Sana makita iyan ng asawa mo, nak. Aba'y sa inyong dalawa ikaw ang sobrang nahirapan sa simula. Nawalan karin ng anak. Naging mabuti nga ang Diyos at biniyaan kayo ng dalawang magagandang kambal. Kahit may kakulangan sila normal naman sila kagaya ng ibang mga bata. Kawawa ang mga bata, kailangan nila ng ina, anak. Hanggang kailan ba matatanggap ng asawa mo mga bata? Hindi naman nila kasalanan na naging ganyan sila. "
I bit my lips to hold my sob. Ang sakit sakit na ng sinabi ni Manang. I was careful na hindi makalikha ng ingay at tumakbo at pumasok ulit sa room namin. I quickly took my phone at tinawagan ko si Liz. Ayokong maabutan ako nila mommy dito.
"Enna napatawag ka?" Liz answered after the second ring.
"Let's go out, please. You know a new place?" I pursed my lips to hold my sob.
"Sorry sweetie pero after midnight pa matatapos 'tong ginawa kong dress. Call Angela. I think she's just shooting another vid for her vlog."
"Can't you finish that bukas?" pakiusap ko. I don't like Angela. She was a flirt. She had once flirted with my hubby in front of me. Pinagtitigaan ko lang naman siya because she's Lizzie's friend.
"Bakit ba? Did you fight with your hubby again? Was it that woman?"
Kinalma ko muna iyong sarili ko and decided na ikwento kay Liz ang nangyari.
"S-sobrang sama ko bang wife?"
She sighed. "Alam mo iyang unworthiness na iniisip mo sa utak mo lang iyan, girl. Do you think your husband will be that desperate to ravish you kung iniisip niyang unworthy ka and you're a trash? You're not helping yourself. You're drawing your husband away. Aware ka naman siguro na pogi ang asawa mo, and desperate girls are everywhere. Huwag mong hintaying mapagod iyan at matukso muli sa iba. I'll chat you when I'm done. I need to drop this call."
BINABASA MO ANG
Sinner's Confessions (Montero Series # 2)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Jared Mikholai Montero's Story) Will you turn away from your calling in exchange for a very tempting sin? I do not own the photo. Credits to the rightful owner.
