Chapter Thirty-Seven
[ Enna's POV]" JUST like what happened sa amin ni Mikho. Hindi naman naging madali para sa'kin na tanggapin ang lahat ng nangyari sa buhay namin. I know darating din ang time na magiging okay kami ni Ate. Ang importante I get to spend time with Papa until his last days and okay narin kami ni Mama. Nagkausap na kami tungkol sa nangyari noon at sinabi niya sa'kin ang totoo. That she tried to accept me kahit bunga ako ng sekretong relasyon ni Papa sa iba. Though cold siya sa 'kin wala din naman siyang ginawa para saktan ako. At ngayon alam ko na ang totoo, it was more than enough for me. At kahit anupang gawin ko, pamilya ko parin sila." I smiled habang nagkikwento ako kay Ate Cassie.
Few days ago, sinamahan rin ako ng hubby ko na dalawin ang puntod ng totoo kong ina. A part of me wanted to see her. Gusto ko lang talagang makita kung ka mukha ko siya at totoo nga ang sabi ni Papa.
Ngayon masaya na ako. Kahit hindi ko siya nakilala, iyong mga Ala alang naikwento ni Papa tungkol sa kanya ang pinanghahawakan ko.
She smiled at me before she sipped from her caramel frappe. "I'm so proud of you, Enna. Honestly, ini-expect ko na magiging mahirap sa 'yong tanggapin itong nangyari sa pamilya mo. Mikho's been so worried at ayaw ka niyang biglaan. But you took it very well," inabot ni ate ang kamay ko sa ibabaw ng table at pinisil.
"It saddened me na malubha na ang sakit ni Papa at ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa totoo kong Mama and that I wasn't able to see her. Pero sa lahat lahat ng nangyari sa'min ni Mikho, na realized ko na there are situations in our lives na hindi man natin ginugusto pero nangyayari. Na ang buhay pala is very unpredictable at kapag hindi ka handang tanggapin ang pwedeng mangyari you'll end up being miserable. I've always thought from the start that what Mikho and I had was so perfect kahit simple lang ang buhay namin. Masaya kami at sobrang mahal na mahal namin ang isat-isa. Pero hindi ko kasi ini expect ang sumunod na mga nangyari. I was just so thankful dahil maswerte akong si Mikho ang naging asawa ko. I couldn't imagine what could have been my life was without him, Ate. At ngayong nararamdaman kong okay na ako, gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong bumawi sa lahat ng mga naging sakripisyo niya sa'kin at sa mga babies namin."
"Ano ka ba, Enna. Kahit hindi mo na 'to gawin okay lang naman kasi hindi naman ganun si Mikho. You're his wife at mahal na mahal ka lang talaga nun. "
" I' m not doing this because I thought of being unfair to him, Ate. I want to do this because he deserves everything. Wala siyang ibang ginawa kundi ibigay sa'kin ang buhay na naging dream ko noon. Sinabi sa'kin ni Mommy lahat, tapos hindi ko man lang siya natulungan. I just want to make the most sa birthday niya kasi ito ang gusto kong gawin for him."
Napabuntong hininga si Ate.
"Sige na, Ate please..." I begged and squeezed her hand tighter. I called her a week ago kasi gusto kong magpatulong sa kanya. Mom and dad followed us in Cebu few days after dahil daw na mi-miss nila ang mga apo nila and Ate Cassie came few days apart kasama ang mga kids niya since it was school vacation. Para makapag bakasyon din sila.
I've saved a little naman from the clothes that I've designed at mag lo-loan nalang ako kay Ate for some of the expenses since she's an events organizer naman. I'm going to work hard and I'm going to start painting again. Nag start na nga ako last week kasi gusto kong maka save ng money para sa birthday ng hubby ko.
"I don't know if this is a good idea kasi alam kong papakasalan ka talaga ni Mikho sa simbahan at ibibigay niya ang dream wedding mo. Masyado lang talaga kasi siyang naging busy sa maraming bagay lately at I'm sure pinag-ipunan na nun ang wedding ninyo." Sandaling natigilan si Ate then she smiled. "Pero sige na nga! Nai-excite din akong maging accomplice mo. First time kong mai-experience 'to."
![](https://img.wattpad.com/cover/92926944-288-k244071.jpg)
BINABASA MO ANG
Sinner's Confessions (Montero Series # 2)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Jared Mikholai Montero's Story) Will you turn away from your calling in exchange for a very tempting sin? I do not own the photo. Credits to the rightful owner.