Chapter Eleven
[Enna'a POV]
HINDI ko alam kung pa'nong nangyari. Ang natatandaan ko marami pa akong mga pangarap at hindi ko kaya ang buhay na ganito. Pero kapag tinitingnan ko ang hubby ko para bang lumipad nalang ang mga 'yon sa kung saan. Masaya akong kasama siya kahit poor lang kami. Natutuwa akong pinagmamasdan lagi ang kilos niya, ang simpleng pagtitig niya sa'kin, ang paggalaw ng lips niya, ang paghinga niya, at ang mga ngiti niya. He seldom smiles pero it's so worth it naman kapag nangyayari iyon.
"Mag-iingat ka," sabi ko while smoothening his pink polo shirt. Kinulit ko siyang suotin 'to today. I think pink was his color. He seems to like this color too because most of his shirts are pink. Hate na hate ko ang color na 'to pero bagay kasi sa kanya kaya like ko narin. "Ayan it's okay na," napangiti ako at napataas ng tingin sa kanya. Ang bigat na naman sa pakiramdam na maiiwan ako dito sa little home namin but he has to work.
"Thanks, Enna. Mag ingat karin dito at kumain kayo ni baby," he put a hand in my tummy. "Tandaan mo yung mga binilin ko sa'yo."
"Okay po," napapout ako at napayakap sa kanya. I gave him a kiss in the chest. I hug and kiss him every chance I get. Hindi naman din siya nagrireklamo. Ang sarap kasi sa pakiramdam na mayakap siya. At ang sarap amoy-amuyin ang natural na amoy niya.
"Aalis na ako," sabi niya.
"I'll walk with you hanggang sa baba." Humiwalay ako sa kanya at inabot ang isa niyang kamay. I played with his fingers.
"Hindi na. Dito kana," tanggi niya at napatingin sa suot ko. I borrowed his shirt kasi it was more comfortable and I wore the pajama bottoms na binili namin sa mall.
Napanguso ako. "Sige na please? Nag suot naman ako ng bra and I just want to greet Tita France and her cute little dogs," paki-usap ko at nagpuppy eyes sa kanya.
He let out a gasp. "Alright. Pero huwag kang magtatagal doon sa baba. Alam mong maraming mga lalaki doon."
"Hindi naman sila yung kakausapin ko eh," rason ko.
"Kahit na, Enna. Huwag matigas ang ulo," sagot niya at napatango nalang ako.
Lumabas kami at bumaba na magkahawak kamay. We stopped by in front Tita France store. Hinapit agad ako ni Mikho nang makita niya yung mga tambay sa kabilang street.
"Hi Ate Enna at Kuya Mikho!" Girly waved at us and I waved back at her. Tumango naman ang hubby ko ng tingnan ko. I guess girly was preparing to go to school kasi naka uniform siya. Katabi ng apartment nila yung store at kainan ni Tita France. Almost three weeks na kaming nakatira dito at kilala na nila kami ng hubby ko. Naipakilala ni Tita yung hubby ko sa kanila nang minsang dumaan kami dito galing sa church.
"Tay, bilisan niyo po malilate na ako sa school!" sigaw ni Girly sa Papa niya at lumapit siya sa'min. Napatingin siya sa hubby ko. "Ate ang pogi pogi po ni Kuya. Bagay na bagay po talaga kayo. Maganda at pogi," kinikilig at naka ngiting sabi niya.
"Thank you, Girly." I smiled at her at idinikit ko yung mukha ko sa dibdib ni Mikho.
Lumabas yung Papa niya na si Manong Isko at binati rin kami. Kinuha niya yung motorcycle nila and Girly hopped in behind Manong Isko at umalis na sila.
Mabuti pa sila. Kahit simple lang ang buhay na meron sila, they are super close. Si Papa laging busy sa mga business niya at simula nung bata pa ako ay minsan ko lang siyang nakakausap. Hindi ko rin na experience na hinahatid niya ako sa school.
Namimiss ko rin naman siya, sila ni Mama. Pero ayaw ko silang guluhin ngayon dahil natatakot ako sa pwede nilang muling gawin kay Mikho. Masaya na ako sa hubby ko.
BINABASA MO ANG
Sinner's Confessions (Montero Series # 2)
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Jared Mikholai Montero's Story) Will you turn away from your calling in exchange for a very tempting sin? I do not own the photo. Credits to the rightful owner.
