CHAPTER THREE

4.2K 53 8
                                    

Chapter 3

Friends

Janelle

Nakakainip ang history teacher namin ngayon. Walang magawa sa buhay kung hindi balikan ang past! Past nalang ng past!

"So! Let's talk about the history of the palace of the Chamberton!" sigaw niya.

What the?! Hanggang ngayon ba maalala ko nanaman siya?!

"Mr. Fontanelle! Give me the exact date when they built the palace!" tanong ni Sir kay Kurt.

"January 18, 1842, sir" confident na sabi ni Kurt.

"Very Good! Okay, ang makakasagot nito ay excempted sa next quiz natin!" sabi niya naman kaya ginanahan ako bigla!

"Sino ang mag-asawang Winchester ang namamahala ngayon sa palace of Chamberton?"

"Sir! Hindi pa natin na disscuss yan e!"

"Oo nga po, wala pa sa book"

Sabi ng mga kaklase ko.

Biglang nagflashback sakin yung mga nakita ko noon sa palasyo nina C.

Flashback

Nagtatatakbo ako palabas ng palasyo nung makakita ako ng isang painting.

King Carlos Gabriel Winchester III and Queen Charlotte Isabel Charlestone-Winchester

Sabi ng nakasulat. Di ko na iyon masyado pang pinansin at lumabas na sa maindoor.

End

Nagtaas ako ng kamay.

"Oh! Salamat naman! Okay, stand up Miss. Cole"

"King Carlos Gabriel Winchester III and Queen Charlotte Isabela Charlestone-Winchester" kinakabahan kong sabi.

"Very Good! Ikaw ngayon ang excempted!" sabi niya at napangiti ako.

"Saan mo pala nakuha ang sagot mo Ms. Cole?" tanong sakin ni Sir.

"Sa palace po nila sir" confident kong sabi. Kumunot ang noo nilang lahat kaya nawala ang ngiti ko.

"Paano ka nakapasok ng Palace? Di sila ng nagpapapasok lalo na kung hindi ka galing sa isang royal family" si Sir.

"Ahm. Di ko rin po alam kung paano ako napunta doon e sir" pagsisinungaling ko. Natawa silang lahat.

"Ok, nevermind. Let's calk it a day" sabi na ni Sir at lumabas na ng classroom. Lumapit sakin sina Wendy, Charlene, Justine at Kurt. Ang mga barkada ko.

"Oh my god! Paano ka nakapasok ng palace nila Girl!" sabi ni Charlene sakin. Tinignan ko si Wendy.

"I don't know hahaha. Tara gutom na ako"



Nag-beep biglang ang phone ko habang kumakain kami sa isang resto sa labas ng university.

Dali-dali kong kinuha iyon dahil sa pag-aakalang si Matthew yun.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon