CHAPTER TWENTY-EIGHT

2K 49 6
                                    

Chapter 28

Mama

Mabilis ang takbo ng sasakyan ko papunta sa school ni Chasty. Punong-puno na ng kaba ang dibdib ko. Hindi ako mapakali sa balitang natanggap ko. Who the heck took my child?

Kaagad akong bumaba sa sasakyan ko at patakbong tumungo sa kanyang classroom. Paano nangyari 'yon? Bakit mawawala ang anak ko ng ganun-ganun nalang?

Pagpasok ko sa mismong classroom ni Chasty ay nakatayo ang principal, yung teacher niya atsaka yung guard na may kasamang dalawang member ng campus police, mga studyante rin.

"Nasaan si Chasteon, Ma'am?" gumagaralgal ang boses ko. Ayokong umiyak sa harap nilang lahat pero hindi ko kaya, pagdating sa anak ko ay nanghihina ako.

"Huminahon po muna kayo. Gagawin po namin ang aming makakaya, pasen-" I cut her off.

"Paano ako magiging mahinahon? Hinde, magiging panatag lang ang loob ko kapag nandito si Chasteon!" hindi ko na napigilan ang galit sa boses ko.

"Inspector, nacheck na nila yung cctv at nakita na nila yung bata" sabi ng isang member ng campus pulis na kakarating lang. Kaagad akong sumunod sakanila papunta sa cctv room ng school na malapit sa junior and senior building. Bumungad sa akin ang maraming screen at madilim na kwarto.

"As of now, Ms. Collins, may kasamang batang babae ang anak mo noong lumabas siya ng school. At may kasama din silang dalawang matangkad na lalaki na sa tingin ko kasama nung batang babae" sabi ng Inspector na mismong pulis na pinaka head ng campus pulis. Tumango nalang ako. Lumapit ako lalo at pinagmasdan ang sinasabi nilang batang babae.

Wait, she's familiar, her hair...

"I know who she is" nanghihina kong sabi. Hindi ako napanatag, bagkus lalo pang nadagdagan ang kaba ko noong makilala ko ang isang lalaki mula sa labas ng cctv.

"Nakita ko lang kanina yung batang babae, at yung isa sa mga lalaki..."

Nakatingin silang lahat sa akin.

"Ang tatay niya..."

Sabay-sabay kaming lumabas sa cctv room. Patuloy paring humihingi ng tawad ang teacher ni Chasty.

"Pasensya na po talaga Ma'am. Hindi ko po napansin sa kasama pala ni Elayjah si Chasteon po na lumabas" mahinang sabi ng teacher ni Chasty sa akin.

"Pasensya na din kung napagtaasan ko kayo ng boses kanina. Naunahan lang ako ng kaba" hingi ko din ng dispensa sakanila.

Nagpaalam na ako sa kanilang lahat pagkatapos ay tumalikod na ako para makapunta sa parking.

"Mikmik?" napasinghap ako sa gulat nang may tumawag sa akin, sa neneng ko pang pangalan! Humarap ako at nakita ko yung pulis officer na head ng campus police. Ang gwapo niya pag malapitan, matangkad siya, kulay kape ang mga mata niyang singkit, matangos ang ilong at manipis ang pulang labi. Nahiya ako sa balat niya, ang kinis at ang puti!

"Uhh? Sino po sila?" na awkward ako ng kaunti. May naaalala akong tumatawag ng ganyan sa akin noong highschool at college pero alam kong hindi siya, he's way taller and manly than sa taong iyon.

Ngumiti siya at nakita kong lumitaw ang isang maliit na dimple sa ilalim na sulok ng labi niya.

"Jude Sebastian Imperial, highschool and college schoolmate" sabi niya. Kumunot ang noo ko, wala akong naalalang Jude Sebastian Imperial. Ngumuso ako at nag-isip pa.

"Close ba tayo dati? Or something?" I muttered. Tumaas ang kilay niya at pagkatapos ay tumawa, pamilyar ang tawa niya.

"Di mo ba talaga ako kilala, o namumukhaan?" tanong niya ulit. I rolled my eyes. Ang kulit ha? Take note, hahanapin ko pa ang anak ko pero siya naman, ay!

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon