CHAPTER THIRTY-FIVE

2K 32 4
                                    

Hi! Here is it! Thank you for all the support and for reading the fruit of my imagination. I appreciate your efforts in reading this story. This isn't the final chapter, may Epilogue pa.  Thank you :*****

Chapter 35

Read at you own risk!

"Sabi ko naman sayo, Chasty. Stop running aroud," sermon ko kay Chasty ngayon habang umuubo siya. E paano naman ay naglaro siya sa school buong araw! Hindi ko man lang nadalhan ng towel okaya extra shirt! Ayan tuloy umuubo.

"Sorry na po," he showed me his puppy eyes. Pinikit ko nalang ang mata ko at hinalikan siya pagkatapos. Wala si C ngayon, nasa Castle siya ngayon at naghahanda para sa kasal namin bukas. Matapos lumipas ng tatlong buwan mula nung nagpropose siya sa akin sa Palawan ay hindi na nawala ang ngiti ko sa labi. Para lang akong baliw na ngingiti kapag naaalala siya. Parang teenager pa kung kiligin!

Bibisita ngayon si Papa para sunduin kami dito sa condo because we're having a dinner later. Noong una ay nabigla at hindi pa masyadong tanggap ang mangyayari dahil I'm his baby daw! I already have a baby nga tapos baby pa daw niya ako! Natawa ako ng kaunti. Pinaluguan ko muna si Chasty at matapos ay ako. Sinuoton ko siya ng denim jumper na may puting shirt sa loob at white sneakers. Habang ako naman ay nagsuot lang ng white halter dress at cream strapped sandals. Tumunog na ang doorbell at lumabas na kami. Nagmano si Chasty kay Papa at ako naman ay hinalikan siya sa pisngi.

"I'm with your tita Gen, anak. Hindi makasama ang mga kapatid mo kasi nasa trip, e," paliwanag niya. I'm not really close with my siblings, sa father side pero they're nice. Naalala ko ang Mama ko, I kinda miss her despite of her being cruel to me. Tumunog na ang elevator at lumabas na kami. I saw tita Gen, waiting patiently at the lobby. Nang makita kami ay tumayo siya mula sa pagkakaupo. Yumakap at humalik siya sa akin at kay Chasteon. He's really fond of my son, even though hindi naman niya ito kadugo. Lumabas na kami at kinuha ni Papa sa valet ang susi ng sasakyan.

"Lilipat na ba niyan kayo?" tanong ni Papa habang nagd-drive siya. Nakatingin silang dalawa ni tita Gen sa akin. Sinulyapan ko ang anak kong naglalaro ng dino sa aking tabi.

"I don't know, Pa. Kay Carlos naman ang desisyon," sabi ko. Nagtagal lang kami ng ilang minuto sa daan at nakarating na kami sa restaurant. Nauna akong bumaba at inalalayan ko pagkatapos si Chasty. Ibinigay ni Papa sa valet ang susi at sabay-sabay na kaming pumasok. Tumunog ang phone ko at nakita ang message ni C. I automatically smiled.

Carlos:
I will pick you two up after you dinner. Take care, Baby. See you later.

Binalik ko na ang phone ko sa bulsa at sumunod kami sa crew papunta sa ni-reserve na table ni Papa. Inupo ko mg maayos si Chasty sa aking tabi. Pagkatapos ay kinuha ang table napkin at ginawa itong panangga para hindi madumihan ang damit niya.

Puro seafood ang in-order ni Papa kaya I ordereda different meal for Chasteon. He said he wants Chicago pizza plus I ordered him a fried chicken. Habang kumakain kami ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang isang pamilyar na bulto.

Lumingon ako dito at nakita si Mama. She's looking intently. She's with her husband and Jill. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Parang ang dali namang kalimutan ang galit ko sakanya, sakanila. Pumikit ako ng marahan ang kinalma ang aking sarili.

Nagpatuloy kami sa pagkain nang tinawag ako ni Chasty.

"Mama, I want to pee," bulong niya sa akin. I excused us for a little while at kinarga pababa sa upuan si Chasty. Pumunta kami sa CR ng restaurant.

"Ma, 'wag ka na sumama sa loob, okay? Maraming guys doon," sabi niya sa akin. Napataas ako ng kilay nang umalis na siya sa harapan ko at pumasok na sa loob ng restroom.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon