CHAPTER TEN

2.4K 42 0
                                    

Chapter 10

Admit

Coreen

Nawala ang malawak kong ngiti dahil sa sinabing kondisyon ni Janelle. But I need to do this para hindi malaman ni kuya C.

"I'm not the real daughter of King Carlos" nakatungo kong sabi.

Naalala ko noon ang mga pinagdadaanan ko sa kamay ni Dad. Palagi niya akong pinapahiya ngunit walang magawa ang Mom ko. Naiinggit ako noon kay kuya C kasi nasakanya lahat ng atensyon. Habang ako, I felt unwanted.

"I'm sorry t-to hear that. I didn't mean to—"

"No it's ok Janelle. Mas ok na to yung may mapagsabihan ako"

I remembered the time nung lumayas ako, pinahanap nila ako pero hindi na ako nagpakita, for almost 4 years namumuhay akong mag-isa. Walang kasama, walang karamay, walang nagmamahal sakin. I'm all alone.

Nagsimula na akong humikbi. Nakita ko siyang tumayo niyakap niya ako. It feels good na may nagcocomfort pala sayo. Being with someone you can talk to isn't bad at all.

"Shhh. Dapag pala hindi ko na sinabi ayan tuloy umiyak pa ang prinsesa! Cheer up, malapit na ang pasko" sabi niya habang hinahagod ang likuran ko.

Ngayon ko lang naalala na noche buena nanaman pala bukas. Magno-noche buena nanamang mag-isa.

"You can come to my place para sabay na tayong magnoche buena" parang nabasa ni Janelle ang isip ko.

"You're not spending noche buena with your family?" nagtataka kong tanong.

"Basta, tayong dalawa ang magnonoche buena bukas ok?" sabi niya sabay hiwalay sa yakap. Pinunasan ko ang mga naglandas na luha mula kanina sa pisngi ko.

Napangiti ako dahil sa tagal ng panahon na nag-iisa ako, nagkaroon narin ako ng kaibigan na masasandalan.



Janelle

Pagkatapos naming mag-usap ni Coreen ay umuwi muna ako at nagpaalam kay Papa na hindi na muna ako mags-spend ng noche buena sakanila.

Nabigla pa nga ako kasi umuwi ng maaga si Wendy.

"Namiss kita! Kaya dito na lang ako magpapasko" sabi niya na ikinabigla ko. Pero dahil hindi naman exposed sa public si Coreen dati kaya pwede siyang makita ni Wendy.

"Namiss din kita. Kinumusta mo na ako kina tita?" tanong ko sakanya.

"Oo naman, kakalimutan ko ba yun! So ano? Kamusta na kayo ng Prinsipe mo! Meron na ba?" she said with a mocking tone.

Nakita ko ang pagangat ng kabila ng labi niya at naniningkit na mga mata.

"Oh my god. Kung pag-uusapan natin yan huwag nalang. Alam mo kasi Wendy, kaibigan ko lang yung tao. Wala ng level up pa, hanggang doon lang" paliwanag ko sakanya.

"Asus. Hindi uubra sakin yang paganyan-ganyan mo. Ikaw? Gusto mo ba?"

Hindi ko alam kung bakit sa tanong niyang iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko.

"H-hindi! Ano kaba" nauutal kong sabi.

"You liar, di mo ako mauuto Janelle. Kilala kita"

"Ugh! Fine, fine. I'm just attracted with him ok? So tapos na" sabi ko and I rolled my eyes to her. Napatawa naman siya ng sobrang lakas.

I must say na may crush ako sakanya. Wala ng itataas pa iyon kasi ayoko. Kung crush lang, crush lang. No falling deep.

"Aamin ka din pala, pinapahirapan mo pa ako! Basta ako, boto kay Prince C. Gwapo na, mayaman, at sa tingin ko mabait siya!" puno ng kumpyasa ang boses niya.

"Alam mo, kung gusto mo siya, sayo nalang siya Wendy"

"Sayo nalang siya. Di ko siya type e" sabi niya sabay tawa. Ang choosy pa, prinsipe na iyon hindi pa type.

"Janelle, may sasabihin ako sayo" sabi niya. Biglang lulamlam ang boses ang ang itsura niya. Tumungo siya at nakita kong tumaas baba ang balikat niya.

"Bakit?" nag-aalala kong tanong sabay lapit sakanya. Niyakap ko siya.

"Nag-away kasi sina Mama at Papa kanina. Bumalik naman yung issue sakanila"

"A-ano?"

"Na nagkaanak si Papa sa ibang babae. Ayokong nakikita silang ganon kaya umuwi na ako ng maaga" pinunasan na niya ang luha niya at tumingin sakin.

Hindi na ako nagtanong sakanya baka lalo pa siyang umiyak kaya tumahimik na ako. Kahit kailan, simula noong makilala ko si Wendy ay ilang beses ko palang siyang umiiyak. Kasi kapag hindi na niya kaya yung sakit, iaasa na niya lang sa mata niya. Doon niya inilalabas yung sakit at pagkatapos ay wala na, she's back from being a crazy little dog.

"Tara bar tayo" bigla niyang sabi sakin.

"Ano nanamang pumasok na ulo mong magbar? Alam mo namang hindi ko hilig y—"

"P-please. Wala lang akong makakasama, ngayon lang naman to" pagmamakaawa niya. I just rolled my eyes at um-oo na sakanya. May choice pa ba ako?

"Ang ingay naman dito!" sabi ko kay Wendy.

"Ano? Hindi kita maintindihan, alam mo inom nalang tayo" sabi niya sabay hila sa akin. Bakit niya dito napiling mag-bar e marami naman diyang iba.

Pagkarating namin sa isang table ay kaagad siyang tumawag ng waitet umorder. Hindi ko narinig ang sinabi niya kaya hindi ko na muna pinansin.

I was surprised nung dumating ang order namin.

"Wendy? Ano to? Tequilla? W-what the hell"

"Minura mo pa ako, kaya natin yan" sabi niya sabay tawa.

"Ayoko, magj-juice nalang ako"

Tinawag ko yung pinaka malapit na waiter. Nakita kong nagserve siya sa apat na lalaki. Nung marinig niya ako ay agad din siyang tumalikod at lumapit sa akin, pero halos hindi na ako makahinga nung makita ko siya.

I saw Carlos, sitting comfortably while kissing a curvy woman wildly.

I tear tickled down to my cheeks. Why am I hurting so bad? I immediately wiped my tears.

"Ma'am n-napano po kayo?" natatarantang sabi ng waiter sa tabi ko.

"Ikuha mo pa ako ng ganun. " sabay turo ko doon sa iniinom na tequilla ni Wendy. Nabigla naman siyang humarap sakin

"I thought your just going to drink j-juice?"

"I've changed my mind. Ayoko ng juice" sabi ko at umiwas na ng tingin.

I admit that I'm jealous, do I like him?

I think it's a yes.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon