CHAPTER TWENTY-FIVE

1.8K 34 1
                                    

Chapter 25

Text

"Is my grandson already asleep?" tanong ni papa nang maabutan ko siyang umiinom ng kape sa tanggapan. Ngumiti ako at tumango. Lumapit ako sakanya at tumabi sakanya. Kahit na tatay lang ang meron ako sa ngayon, kuntento na ako dahil sobra-sobra ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, samahan pa si tita Genieva, my stepmom na buong puso na niya akong tinaggap sa pamilya nila.

"Pa? Naisip mo ba na isa akong maling pagkakamali?" I leaned to him. Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.

"Actually, no. Hindi pa kasi kami nagkaka-anak ni Genieva noon. I don't know kung anong nangyari then you came, I was happy but Genieva was so devastated. I love Genieva so much na kaya kitang balewalain kay Genevive pero, mahal na mahal kita, hindi ka pa man nasisilang sa mundo" he said. Pumiyok ng kaunti ang boses niya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang tumutulo na parang gripo ang mga luha ko.

"I only wants the best for you, anak" he said at pagkatapos ay hinalikan ang noo ko. I can feel my heart screaming the she's overwhelmed.

After that ay umakyat na kami sa taas para makapag pahinga na. I kissed my papa as we bid our goodnights. Dumiretso ako sa kwarto namin ni Chasty. Naabutan kong mahimbing parin ang tulog niya habang, nakanganga. Napatawa ako ng mahina, he sleeps like an old man. Tumabi ako sakanya sabay halik sa kanyang noo.

Napatingin ako sa kamay ko. Nandoon parin ang simbolo ng pagmamahal niya sa akin. Hindi ko kailanman tinanggal iyon dahil ito na lamang ang natitira niyang alaala sa akin. Funny how I want to forget him pero, ako ang gumagawa talaga ng paraan para manatili siya sa puso ko. So stupid, Janelle.

Napangiti ako ng maliit. Sana ganoon na lamang kadaling makalimot. Hinaplos ko ang singsing na ibinigay niya sa akin noon. Nanubig ang mga mata ko. Wala na ba talagang ibang paraan para bumalik ang nakaraan? Wala na bang paraan para mabuo kami, ulit? At ngayon, engaged na siya sa babaeng mahal niya at nandito ako ngayon, napapaisip kung bakit mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon.

"Happy Birthday Chasteon!" bati ko kay Chasty pagkagising niya sa umaga ng birthday niya. Time really flies so fast, apat na taong gulang na siya at ang bilis niyang lumaki. His hair is a bit disheveled nang bumangon siya sa kama namin para mayakap ako.

"Thank you po, 'mmy" sabi niya habang nakayakap siya ng mahigpit sa akin.

"You're welcome, my big dinosaur! Anong gusto mo ngayong birthday mo?" sabi ko sa malambing na boses.

"I want my daddy po. Nasaan po siya?" kumabog ang puso na ko na parang gusto nitong kumawala sa dibdib ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataong itanong niya sa akin ang tungkol sa daddy niya. I'm speechless, hindi ko kayang ipaliwanag sa anak ko ang katotohanan ng hindi siya nasasaktan.

"Uh... h-he's not h-here, baby. N-nasa ibang l-lugar siya" napapikit ako sa kasinungalingang iyon. Please forgive mommy, Chasteon.

"Pero I want him po for my birthday. Lolo told me po his name" sagot niya sa akin habang nakatungo siya. Oh my god?! Papa told him about Carlos?

Iniba ko ang topic namin na nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi na muling nagtanong ulit si Chasty doon. Bago kami lumabas sa kwarto namin ay pinaliguan ko muna siya at sumunod na rin ako. We're getting ready for his birthday party.

Nag-suot ako ng isang simpleng kulay puting romper with matching beige gladiators. I blowdry my hair and put a litte bit of make up on my face. Paglabas ko ng pintuan ng kwarto ay kaagad kong hinanap si Chasty na alam kong pawis na pawis na ngayon dahil nandito ang mga pinsang niyang makulit. Naglakad ako papunta sa staircase at naka salubong ko si papa.

"I told Chasteon about his father" iyon ang pambungad niya sa akin. Paano ko ipapaliwanag kay Chasty ang totoo?

"Papa naman, bakit naman po? Alam mo naman e" I sighed.

"Kailangan niyang malaman ang totoo. Lumalaki na siya and he's entering school next week. Lalo siyang magtataka kung bakit wala siyang ama na nasisilayan" paliwanag niya. I half heartedly nodded.

Eh, paano ko naman ipapakilala si Chasty kay Carlos. I'm lost of words, goddamnit!!

We sang a birthday song for Chasteon.

"Make a wish" sabi ko. He looked at me.

"Mommy, I want daddy po" he said, almost begging. Tumango ako at nakita ko kung paano nagliwanag ang mga mata niya. Hinipan na niya ang mga kandila at nagsimula na kaming kumain.

"Basta tandaan mo Janelle. Piliin mo kung saan masaya ang anak mo dahil iyon din ang magpapasaya sayo" bulong ni tita Genieva sa akin. I smiled at at at tumango ako.

Pinagmasdan ko si Chasteon na nakikipag habulan sa mga pinsan niya. Suddenly, naalala ko ang wish niya. He really wants to see his father.

Natapos ang kaarawan niya at ilang araw na ang lumipas. Hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami papasok sa school niya. I've decided to get his documents.

"Mom, punta po ko doon sa playground. My friends are there poh!" he said. Pinayagan ko siya at tumakbo siya papunta doon sa mga kaibigan niya. He'll surely missed his best friends.

"Careful, Chasty!" sigaw ko. Itinaas niya nalang ang isang kamay niya habang naka thumbs up. So bossy!

Nagdaan ang kalahating minuto ay natapos na agad. Last week ko pa kasi inumpisahan ang mga documents niya. Tinawag ko na siya and he bid his goodbye to his friends.

Habang pabalik na kami kung saan ang kotseng sasakyan namin ay may nahagip akong tao na nagtatago sa likod ng isang halaman. Kumunot ang noo ko at mas lalong itinutok doon ang paningin ko.

"Mommy, I want to pee na po" hinila ni Chasty ang hem ng tee shirt ko. Natuon sakanya ang pansin ko at binuksan ko na ang pintuan ng passenger's seat. Pinaupo ko siya ng maayos at inayos ang kanyang seatbelt. I suddenly felt an urge to turn my head kung saan ko nakita ang ing bulto ng tao. Ang there he is!

Shit! Hindi niya kami pwedeng makita and damn, bakit siya nandito?

Pinaharurot ko ang sasakyan at tumingin sa rear mirror. Baka sundan niya kami. Habang nagmamaneho ako ay tumunog ang phone ko, hudyat na may nagtext! Binilisan ko ng kaunti ang takbo ng sasakyan hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Sinulyapan ko ang anak ko na mahimbing na ang tulog. Binuhat ko siya papasok sa bahay at pinahiga na sa kwarto namin. Kinapa ko ang phone ko at tinignan kung sino ang nagtext kanina.

Unknown:

Ang laki na niya. He looks like me when I was a kid.

Oh shit!!!

Kinontak ko ang sekretarya ni Papa.

"Kindly book a ticket for me ang Chasteon. San Francisco to Philippines. Tomorrow or the day after tomorrow, Glenda. Thank you"

He's here and, hindi ko alam ang gagawin ko.

-----

Last Five Chapters.

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon