CHAPTER FOURTEEN

2.2K 45 5
                                    

Chapter 14

Rude

Mag aalas diyes na pero hindi parin ako makatulog. Hindi mawala sa isipan ko yung halik niya, nalasahan ko nanaman ang mga labi niya. Nangiti akong hinahaplos ang tiyan ko. Kailangan ko na palang magpahinga, di pwede ma stress.

Pinikit ko ang mga mata ko at agad naman akong hinila ng antok.

Nagising ako nang makaramdaman ako ng sobrang gutom. Gusto ko ng dragon fruit! Tinignan ko ang oras at alas dos na! Lumabas ako sa kwarto ko at kinatok ang kwarto ni Wendy. Binuksan niya ang pinto habang naka ngiwi, kinukusot niya ang mga mata niya na namumula. Sorry frenny, hahaha.

"Ano?" sabi niya.

"Gusto ko ng prutas ng dragon" sabi ko. Natigil siya sa pagkusot ng mata at hinawakan niya ang leeg ko, sunod ang noo.

"Wala ka namang lagnat, ah? Para kang naglilihi! Alas dos ng madaling araw, Janelle! Natutulog yung tao e" sabi niya sabay kuha ng phone niya sa kwarto niya.

"Tao ka ba?" tanong ko. Ngumuso siya at umupo nalang siya sa sofa dito sa sala. May dinial siya sa kanyang phone.

"Miss, may dragon fruit ba kayo diyan?" tanong niya habang umiikab. Siguro yung sa front desk yun. Tinignan ko siyang bagsak ang balikat na nagpasalamat at binaba ang tawag.

"Wala daw! Ano bang pumasok sa kokote mo at ginising mo pa ako para kumain lang ng dragon fruit? May pa prutas ng dragon kapa diyan, ano yon? Medieval?" aniya. Ngumuso akong lumapit sakanya at nilambing siya. Ayoko munang sabihin ang kay baby, gusto ko sabay kami ni C. She fliched a bit when I hugged her.

"Oo na! Ako na gagawa ng paraan" sabi niya sabay dial nanaman sa phone niya. Itinapat niya ito sa tenga niya.

"Hello, si Wendy 'to gago. Nasaan ka?" tanong niya sa katawagan niya. Tumango siya na para bang nakikita siya nito.

"Labas ka sandale diyan sa palasyo mo! Gusto ng dragon fruit nitong si Janelle! Oo! Dalian mo!" sabi niya sabay baba sa tawag. Narinig ko ang salitang palasyo at sigurado akong si Carlos yun! Hindi ko naisip yun ah? Pero nakakahiya naman sakanya.

--

Nakaupo ako sa sofa dito sa sala. Nasa tabi ko si Wendy habang naglalaro siya ng ewan ko anong laro yun, yung pusang babae na puti. Narinig kong tumunog ang doorbell. Bumilis ang tibok ng puso ko, sa tingin ko ay si Carlos na to! Agad akong tumayo at napamura naman sa gulat si Wendy sa gulat. Binuksan ko ang pinto, at nang makita ko siya ay agad ko siyang niyakap.

Tinignan ko ang mukha niya at napansing namumula ang mga mata niya, magulo din ang buhok niya. Nakaramdaman ako ng awa.

"Sorry kung naabala kita sa tulog mo, ginugutom kasi bigla si baby e" sabi ko habang nakatungo.

"Okay lang yon, basta para sainyo ni baby" sabi niya sa husky niyang boses. Lalong bumilis ang pagpintig ng puso ko. Ang sexy!

Pinapasok ko siya sa loob, dala ang naka ziplock na lalagyan ng dragon fruit. Nakita kong anim yung nabili niya kaya okay na 'yon sakin.

"Oy Carlos! Anong ginawa mo sa babaitang 'yan. Baka naglilihi yan ha, tatamaan ka sakin" sabi niya habang sinusuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang kamay. I heard him chuckled.

"Naglilihi talaga siya. Ginugutom ang baby namin" aniya sabay haplos na belly ko. Tinignan ko ang itsura niya. Her jaw dropped ng dahil sa narinig niya.

"A-ano? Oh my god! Akala kong negative noong nang PT kit ka?" aniya.

"Mayroon talagang inaccurate na mga pt" sabat ni C habang binabalatan niya ang nakakapaglaway na dragon fruit. Nanlalaki ang matang lumapit sakin si Wendy at nyakapa ako ng mahigpit!

"Gratsy Freny! Grabe, magkakaroon na tayong ng isang makulit niyan dito sa bahay" sabi niya. Masaya ako dahil hindi pa lumalabas ang baby ko sa mundo ay marami ng nagmamahal sakanya.

"Pero ang tanong, alam na ba ni tito at tita yan? I know tito Alfonso is protective as hell" sabi niya habang naiiling na tinignan ni Carlos na busy lang sa pagbabalat ng dragon fruit.

"Humanda na siya, I know your dad will be furious. Pero atleast! Nandito lang ako para sayo at ng baby" sabi niya at niyakap ulit ako. Ilang sandali lang ay natapos na si C at nilagay sa isang malalim ang dragon fruit na naka slice. Agad ko itong kinuha at kinain. Grabe! Ang sarap.

Alas kwatro na ng napagdesisyonan ko ng matulog. Hinatid ko hanggang pinto si C pagkatapos ay dumiretso na sa kwarto ko. Hindi ko maiwasan ang biglang iba ng trato sakin ni C, he's becoming more protective, palagi niya akong pinagsisilbihan ngunit pagdating sa kanilang palasyo ay siya na ang pinagsisilbihan. Yes, I love him at ayokong mapalapit lang siya sakin dahil sa anak namin, kundi dahil sa nararamdamn niya para sakin.

I continued my sleep.

I woke up around 8:30 para maligo. I gathered all my things at pumasok na sa bathroom. Saktong papasok na ako sa bathroom nang maramdaman kong biglang bumaliktad ang sikmura ko. My door opened violently at nakita kong pumasok si Carlos. Agad niya akong dinaluhan at hinagod ang likuran ko.

"Napano ka? Sandali lang tatawagan ko ang ob mo" sabi niya sabay labas ng phone niya, at the same time hinahagod niya ang likuran ko.

"Huwag na, normal lang daw to e" sabi ko. Inangat ko ang tingin ko sabay punas sa bibig ko. Ibinaba niya ang phone niya at dumapo naman ang kamay niya sa tiyan ko.

"Akala ko napano na kayo ni baby" sabi niya. Ngumiti ako sakanya. Sinabi din niyang nagpa sched siya kahapon kay Doctora Shyla na magpapacheck-up kami ngayon kaya pinalabas ko na siya sa kwarto ko at ng makaligo na ako.

Wearing a white skort, yung shorts na may patong na skirt, isang loose cami top at isang sandals ay lumabas na ako sa kwarto ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko. Carlos is wearing a simple v neck shirt, faded jeans at nakasuot siya ng combat boots?

Nagpaalam na kami kay Wendy at sabay kaming lumabas sa condo namin. Sumakay kami ng elevator at bumaba sa basement parking para kunin ang sasakyan niya.

"Janelle, aalis ako mamaya. Pinapapunta ako ni Dad sa isang farm namin sa Ilo-ilo, I will comeback tomorrow, ikaw ang una kung pupuntahan" sabi niya habang hawak ang stirring wheel, sumulyap siya ng tingin sa akin.

"Mag-iingat ka" sabi ko. Kaya pala naka suot siya ng combat boots, baka maputik doon. Nakarating kami sa clinic ni Shyla. Inultrasound niya ako at pagkatapos ay niresetahan na niya ako ng gatas na iinumin ko at mga vitamins.

Pag-alis namin sa clinic ay dumiretso kami sa isang supermarket para bumili ng mga vitamins ko at gatas. Habang nasa byahe kami ay bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. I felt the crazy butterflies flattering on my stomach. Just a simple gesture that made my heart beats faster.

We arrived at the condominium building at eleven thirty. Walang imik niya akong pinagbuksan at pumasok sa loob. Agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin nito sa building. I heard a phone call, tinignan ko ang phone ko at wala naman. Lumingon ako sa kasama ko at nakita kong inilagay niya ang kanyang phone sa kanyang tenga.

"Hello, yes Dad. May ihahatid lang ako.. tss, it's none of your business" sabi niya sabay baba sa tawag.

"You're rude" kunot ang noo ko habang sinasabihan siya. "Baka mamana ng anak ko yan at maging ganyan sakin" sabi ko sabay ismid sakanya.

He let out a deep growl. Hindi ko nalang siya pinansin. Manigas ka sa kakatawa bwisit!

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon