CHAPTER TWENTY-ONE

1.8K 39 1
                                    

Chapter 21

Mood

"Pumasok kana sa loob, gabi na" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Carlos sa harapan ko. Naka squat diya sa harapan ko habang hawak niya ang baso ng gatas na wala ng laman. Ngumiti nalang ako at tumango. Hiniling ko na sana sasaya na ako ngayon, kami ng Carlos, ang magiging anak namin. Naabutan ko sina Quirroz at Wendy na nagtititigan habang nasa kusina sila.

"Umuwi kana" gigil na sabi ni Wendy kay Quirroz. Napabuntong hininga nalang si Quirroz at lumapit kay Wendy. Napataas ako ng isang kilay ng hinalikan niya si Wendy. Wow, once in a blue moon ko lang makita di Wendy na ganito, ang alam ko ay hopeless romantic siya. How come ang bilis niyang pumasok sa isang relasyon. I trust them both naman pero nakakapanibago lang.

"Janelle, Bro una na ako" paalam niya at hinatid na siya ni Wendy sa labas. Nagkatinginan lang kami ni C. Tinaas niya ang isang kilay niya habang nakangisi. Ngumuso lang ako, pilit itinatago ang nagbabadyang ngiti. How can he be this cute and hot at the same time? Inirapan ko nalang siya at pumunta na sa kusina para makakuha na ng plato namin, hindi nalang pinagdinner ni Wendy dito si Quirroz.

Natapos na kaming magdinner nang biglaang tumunog ang phone ni C. Tumingin siya sa akin at ngitian ko naman siya, ayoko namang maging maramot baka importante ang sasabihin ng tumatawag. Pinindot niya ang answer button pero hindi siya umalis sa harapan ko.

"Hello... Tell her to go home, Coreen" kumunot ng sabay ang noo naming dalawa, sakanya ay pagkairita ang akin naman ay pagkakuryoso. Sino ang pinapauwi niya? Naalala ko bigla si Jill, she's still pursuing Carlos' heart.

"I will never go home kung diyan siya pinapatira ni Dad... No! Coreen, tell dad na hindi ako uuwi. I don't want to be rude pero ayoko, I'm not favor with the wedding" sabi niya sabay baba sa tawag. Parang may humaplos na isang mainit na palad sa puso ko. I appreciated his efforts, para lang makasama ako. At alam kong mahalaga ang bawat segundo na magkasama kami dahil baka bigla nanamang mawala siya sa akin, alam kong kahit gaano katatag ang hawak ko sakanya ay alam kong lulusot parin siya sa hawak ko. Hindi dahil ayaw niya sa akin pero dahil sa tatay niya, he's against us.

Pagkatapos kong maglinis ng mga pinggan ay pumasok na ako sa kwarto. Naabutan kong nakatutok sa laptop ang atensyon ni C pero nang namataan niya ako ay sinara niya ang laptop niya. Ngumiti siya sa akin.

"Diba check-up niyo ni baby bukas? Matulog kana para maaga tayo" sabi niya. Tumango nalang ako at nahiga na sa tabi niya. We're actually sleeping at the same bed, no malice, wala naman kaming ginagawa. We're just cuddling that's all. Binalot ko ang kalahati ng katawan ko ng comforter and let my self sleep.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Akala ko ay nauna ng magising sa akin si C pero naabutan ko pa siyang mahimbing ang tulog. Hinaplos ko ng marahan ang pisngi niya. Everything feels unreal, parang panaginip lang ang presensya niya sa buhay ko. Sakanya ko lang nakita ang tunay na saya, ramdam ko, ang worth ko kapag nasa tabi ko siya. Actually, he's too perfect for me, sa hitsura palang. I suddenly remembered the Royal Wedding about Prince Harry and Diana. She found her own prince charming, sana ako din.

Tumayo na ako ng tuluyan sa higaan at dumiretso na sa bathroom. Habang nasa loob ako ay nakaramdam ako ng pagkahilo, kailan ba matatapos ang morning sickness na to? Naduwal ako pero walang lumalabas, narinig ko bigla ang pagkalabog ng pinto ng bathroom.

"Janelle? Baby, are you okay?" natatarantang sigaw ni Carlos mula sa labas. Napatawa ako ng mahina, ilang beses ko ng ipinaliwanag sakanya na normal lang ito pero kapag naduduwal ako ay nababaliw nanaman siya.

"I'm fine here. I told you, normal lang 'to" hindi na siya sumagot. Nagpatuloy na ako sa pagligo. Nang matapos ako ay pumasok ako sa walk-in-closet. Nagsuot ako ng baby pink na dress na may lace sa hem. Tinernohan ko ito ng beige sandals at lumabas na para mablow-dry ang buhok ko. Paglabas ko ay naabutan kobg natapis lang ng tuwalya si C, take note ang kalahati lang ng katawan! My eyes travelled down from his iron clad chest, from his abdomen down to his V line. Damn, so musculine. Uminit ang dalawang pisngi ko at ang mapangasar lang niyang tawa ang naramdaman ko. Tumalikod na ako sakanya at binlow dry na ang buhok ko.

"Wendy, may check up ako ngayon. Babalik din kami kaagad" paalam ko kay Wendy. Tumango siya at lumabas na kaming dalawa. Nang makarating kami sa basement parking at pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat.

Habang nasa daan kaming dalawa ay naririnig ko siyang nagh-hum ng isang nursery rhyme. Parang may humaplos nanaman sa puso ko. Iniisip ko kung paano magiging daddy si C kay baby. I think he'll be a good, sweet and responsible father, in short he's perfect. Nakarating kami ng maaga sa clinic ng ob ko. Nadatnan namin ang isang nurse na may isinusulat sa log book. Inangat niya ang tingin niya sa amin at nakita ko kung paano siya namula nang dumako ang tingin niya kay C.

"Hello sir, any appointment for doctora today?" nakay Carlos lahat ang atensyon niya. Hello! Ako ang magpapacheck-up hindi siya, kung makipag-usap naman siya sa kasama ko feeling close e. Tusukin ko eyeballs mo! Nagkunwari ako ng ubo, napadako agad ang tingin nung nurse sa akin at pagkatapos ay tinaasan ko naman siya ng kilay.

"My wife has an appointment today," sabi ni Carlos. My heart skipped a bit dahil sa narinig kong salita mula sakanya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiting nagbabadya. How does it feel ba to be his wife? Umiwas ng tingin ang nurse at may tinignan sa mesa niya. Pagkatapos ay inakay niya kami papunta kay Doc.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos kaagad kami. Naalala ko bigla ang mukha ni Carlos habang nakikipag-usap kami sa doctor. He's all focused, hindi ko man lang nakita siyang nawala sa huwisyo dahil sa pakikinig sa mga payo ni doc. Naalala ko bigla, I'm craving for palabok. Ngumuso naman akong tumingin kay C.

"You want to buy some food? Name it" sabi ni C habang nakatingin sa akin.

"Gusto ko ng palabok, yung may leche flan sa taas" pagkasabi ko ay kumunot ang noo niya.

"Baby, walang gano'n"

Sa sinabi niya. Parang nainis ako, tinatanong niya kung ano ang gusto ko tapos sinasabi niya wala?

"Huwag mo akong kausapin," inis kong sigaw sakanya. Napapikit siya pero nakikita ko ang pagnguso niya para pigilan ang ngiti.

"Charot lang po. Let's find that food" sabi niya and he let out his throaty laugh. Umiwas ako ng tingin at ngumiti ng patago. At last! Makakakain na ako.

"My wife is so grumpy" narinig kong bulong niya. Tumingin ako sakanya at nakita ko kung paano siya ngumiti.

"Iniinis mo pa ako? Bababa na ako, itigil mo 'tong lintek mong sasakyan, Carlos!" nanggagalaiti kong sigaw. Wala ako sa mood ngayon.

"Mood swing sucks!" he let out a deep sigh.

"What?!" inis kong sigaw.

"I'm just kidding, I love you"

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon