CHAPTER TWO: Crush That Feeling!

134 7 1
                                    

Wednesday, 7:38 AM. Still early for my 8:00 AM class. For the first time in years, maaga akong pumasok kasi hinatid ako ni Mama kanina. Sinasabay ako ni Mama sa kotse kapag may pupuntahan siya. At ano itong nakikita ko? Pinaglalaruan ba ako ng paningin ko? Pinisil ko ang pisngi ko at hindi nga ako nananaginip. Dahan-dahan akong naglakad. Pinilit kong lumakad nang walang anumang kaluskos na maririnig. Sinundan ko ang lalaking nagninining sa aking paningin. Ang lalaking nagpapaabot sa heart rate ko ng 130 beats per minute.

Suot niya yung favorite shoes niya na converse, royal blue ang kulay. Paano ko nalamang favorite niya? Siyempre alam ko, crush ko eh. Lagi niya kaya suot tapos pinupunasan niya lagi kapag nadudumihan. In short, favorite niya yun obviously. Naka-black skinny jeans din siya tapos white v-neck shirt. Tapos naka-cap siya na bagong bili. Paano ko nalaman? Halata naman kasi may tag price pa. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Napatigil na lang ako sa paglakad dahil may nakatayo sa harap ko. Laking gulat ko na lang na si Jason pala iyon.

"Kanina mo pa ba ako sinusundan?", tanong niya.

Agad naman ako nag-deny. "Hindi ah. Feeling mo naman. Asumero!"

Inunahan ko siya sa pag-lalakad pero sandali lang ay naabutan niya na ako. Habang nakangisi kinausap niya ako. "Ang aga mo naman ngayon, ano b...."

"Bakit bawal bang maaga pumasok? Kayo lang ba pwede pumasok ng maaga?!", pinutol ko kaagad yung sinasabi niya. At teka bakit bigla niya na lang ako kinakausap? What is he up to?

"Napaka-defensive mo naman? Tinatanong ka lang naman", sabi ni Jason sa akin.

"Siguro kanina mo pa talaga ako sinusundan. Stalker kita no?". Tumatawa siya at halatang nag-eejoy na inisin ako. "Aminin mo na kasi, hindi naman ako magagalit", sabay tawa na naman niya.

Para naman umakyat sa ulo ko lahat ng dugo ko sa pang-iinis na ginagawa niya. Kaya bago pa ako mamula sa sobrang inis at kilig, napatawa na lang ako ng malakas. Sa sobrang katatawa ko, natahimik na lang siya, tumingin sa akin at sinabing, "Oh bakit ka tawa ng tawa?"

"Ahahahahaha. Yung cap mo may price tag pa. Nakakaloka!", sabi ko kay Jason habang umuubo pa sa katatawa. Nice one Anya! Ganda ng segway mo na yun.

Agad agad ako pumasok na sa room namin at iniwan si Jason na tinatanggal ang price tag sa cap niya. Umagang-umaga pinagpawisan na agad ako. Shems!

"So may M.U. na pala kayo ni Jason?"

"Hay naku Toni, ano na naman? Umagang-umaga! Anong M.U.?", tanong ko sa kanya.

"M.U. bes! M.U. as in Malanding Ugnayan", agad naman sagot ni Toni.

"Sus. Ene be yeng senesebe me. Nakakahiya. Pere keng sera. Ahahahaha", maarte kong sagot sa pang-uuyam ni Toni.

"Alam mo yan bes", kinikilig na sagot ni Toni at ayun mag-papaload lang pala, ang dami pang sinasabi.

Lumipas ang mga oras na walang masyado nangyari. Umupo lang ako sa lecture ng Planning namin nang walang kahit ano mang naintindihan. Dumating na yung kaklase kong lagi ring late pumasok katulad ko, nagpa-seat work na si Sir na kinopya lang din namin yung sagot dun sa example niya last meeting, nalait-lait na ni Toni yung fashion style ko, nagpunta na ako sa comfort room, at nakabbili na rin ako ng meryenda sa canteen namin. After 3 hours of pretending este listening, ayun natapos din yung klase at yes uwian na. Sana lang masarap yung ulam namin dahil gutom na gutom na ako kahit nagmeryenda na ako.

Madilim na rin pagkauwi ko sa bahay namin, hinanap ko agad si Mama para tanungin kung anong ulam. Sabi niya tortang tuna daw ang ulam namin. Though mas nag-expect ako, masarap din naman yung tortang tuna. Century tuna yun na inalis yung sabaw tapos iginisa sa sibuyas at bawang. Tapos lalagyan ng itlog na binate with pepper and magic sarap. Tapos, voila! May ulam na kami.

Habang kumakain kami tatlo nila Mama at ng kapatid ko. Kinulit ko na naman si Mama kung bakit napapadalas ang di pag-uwi sa amin ni Papa. "Mama, pinadala na naman ba si Papa ng company sa kung saan?"

"Oo anak, sa Bukidnon ulit. Dun sa branch nila doon", sagot ni Mama sa akin.

"Hay naku! Wala bang magaling-galing na employee ang branch nila dun? Every month na lang yata pinapadala si Papa dun. Di na lang nila gawin Branch Head si Papa dun para may salary increase din siya", rant ko habang kumukuha ng second batch of rice at ulam ko.

"Kung magiging Branch head si Papa dun, baka kailangan lumipat na rin tayo sa Bukidnon. But the question is..., kaya mo bang lumipat sa Bukidnon?", sagot ni naman ni Erika na mukhang nanunubok.

Sumagot naman ako with a bit hesitation, "Oo naman, ba-bakit naman di ko kakayanin? Besides maganda naman daw sa Bukidnon".

"Kakayanin ba ng puso mo na malayo sa Papa Ja...", sinipa ko agad si Erika bago niya pa maituloy ang sinasabi niya.

"Naku, tumigil na kayo. Kumain kayo nang kumain at lumalamig ang pagkain", pananaway samin ni Mama. At nung matapos na kumain si Mama, tumingin siya sa akin mukhang may sasabihin. "Anya, hindi naman sa pinagbabawalan kitang makipag-boyfriend. Pero unahin mo ang pag-aaral mo anak, at mag-focus ka. Makapaghihintay yang boyfriend-boyfriend na yan. Pagka-graduate mo, sige go! Pero sa ngayon, aral muna at last year mo na'to."

"Okay, Mama", matipid kong sagot. "Yun eh kung makaka-graduate si Ate on time", hirit ng kapatid kong dalahira.

Hindi na ako nakapagpigil at agad kong hinila buhok ni Erika at tumakbo naman siya. "Mama, si ate oh! Ahhhhh. Masakit! Gaga ka!"

"Ligpitin niyo muna itong pinagkainan bago kayo magharutan dyan!", sigaw at naiiritang utos ni Mama.

"Oo Ma, sasabunutan ko lang itong babae na'to", "Erika, huwag ka papahabol sa akin at kakalbuhin kita!"



■■■



Kinabukasan pagkagising ko ay agad kong inabot yung phone ko para mag-check ng messages. Walang messages. Pagkatapos kong magtanggal ng muta saka ko lang napansin ang oras. 7:30AM na! 8:00AM ang klase ko. Patay ako kay Ma'am Claire na galit na galit sa mga nale-late.

Hindi na ako nag-umagahan at naligo na ako kaagad. Nung naka-ayos na ako, takbo na ako agad sa sakayan at baka sakaling umabot pa ako. Malapit lang bahay namin sa sakayan ng jeep, as in walking distance lang talaga kaya advantage ko yun sa mga kasabayan kong late din pumasok. Doon ako sa harap ng jeep sumakay para di na ako mastress kakaabot ng bayad ng mga pasahero. Matapos ang 5 minutes hindi pa rin kami nakaka-kalahati sa biyahe dahil lahat ng kanto na madadaanan namin ay hinihintuan ni Manong Driver para kumuha ng pasahero na isisiksik sa 9-seater niyang jeep kahit wala naman na talagang space and more importantly malapit nang mag-alas otso. Naiinis kong kinausap ang driver.

"Manong, wala ka na bang ibibilis. Saka tara na po. Wala na pong sasakay sa inyo at puno na 'tong jeep niyo".

"Meron pa yan Miss. 'Bat ba madaling madali ka?", paguusisa pa ng driver.

"Eh manong late na po ako! Please lang tara na po."

"Eh di sana maaga kang gumising. Hindi yung nang-aabala ka ng nagtatrabaho!", naiinis na buwelta sa akin ng driver. 

"Eh tanghali na nga pong nagising! Hindi naman ako magmamadali kung maaga akong nagising", hirit ko uli sa bwisit na driver. Nagtinginan kaming dalawa hanggang sa inapakan niya na ang accelerator at umusad na ulit ang jeep.

Pagkababa ko sa gate, tumakbo agad ako. At biglang tumunog ang phone ko. Binasa ko ang text at sabi sa text ay malelate si Ma'am pero darating daw siya. Hintayin daw namin siya. Haaayyyyy! Buti na lang late si Ma'am kung hindi pagagalitan na naman ako 'nun. 

Hinabol ko muna ang hininga kong maubos-ubos na sa pagtakbo ko kanina kakamadali. Naglakad-lakad muna ako ng mabagal kasi di pa ako late.

Pagdating ko sa harap ng classroom. Bigla na lang maybumagsak at natulala ako. Napatingin sa akin si Jason at ang isang babae nanakita kong hinalikan siya sa pisngi. Para akong naging istatwa eh kiss sacheeks lang naman yun. Lumapit yung babae sakin at may pinulot siya.    

Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now