CHAPTER THREE: 12:00 Midnight

101 6 1
                                    

"Miss nalaglag na yung bag mo oh. Ang bigat. Laptop pa yata yung laman", sabi nung babae na kasama ni Jason habang iniaabot niya yung bag ko na hindi ko napansin nahulog na pala.

"Ay thank you", pasasalamat ko while I slowly returned to reality.

"Okay ka lang ba? Parang may sakit ka?", pag-uusisa ng babaeng humalik kay Jason. Agad naman akong bumalik na sa katinuan at sumagot sa tanong niya.

"Okay lang ako. Ano ka ba? Okay lang. Hindi lang ako sanay na may nagki-kiss sa school at sa public place."

"Grabe ka naman. 1950's pa ba ngayon?", natatawa niyang sagot sa akin.

"Sige Trish, mauna na ako. Pumasok ka na rin", bigla namang pag-interupt ni Jason sa usapan namin. Umalis na ang babaeng humalik sa pisngi ni Jason na Trish pala ang pangalan. "Bye baby, bye din sa'yo Miss 1950's", sabay smile niya pa sa akin.

Pumasok na ako sa classroom kasabay si Jason. "Girlfriend mo?", tanong ko sa kanya.

"Oo", matipid na sagot niya.

"Maganda siya ah, kaso may pagka-mahadera", pinilit kong itago ang inis ko na hindi naman ako dapat naiinis dahil wala ako dapat ikainis kaso naiinis pa rin ako at hindi ko alam kung bakit. Hindi kumibo si Jason at umupo na kami dahil parating na rin naman si Ma'am Claire anytime.

Binuksan ko yung notebook ko para mag-review dahil mas malamang sa hindi, magpapa-quiz si Ma'am. Pero siyempre idi-distract ko lang yung sarili ko selos na nararamdaman ko kahit wala naman talaga akong karapatan mag-selos. Estimating Materials, volume of cement, gravel. Wala akong maintindihan. Wala. Pero sige babasahin ko 'to para kunwari wala rin ako nararamdaman.

"Anya", tawag sakin ni Jason.

Alam kong si Jason ang tumatawag sakin pero siyempre hindi ko muna pinansin.

"Anya", tinawag niya ako ulit.

Pagharap ko kay Jason ay nakaharap na siya sakin. Nakatitig siya sa mata ko. Itim na itim pala ang mata niya na bagay na bagay sa chinito niyang mata. Para bang I can see through his soul ngayong nakatitig siya sa mata ko, ganun din ako sa kanya.

Sumagot ako na para bang nasa movie kami na parang nag-slow-motion ang buong paligid, "Bakit?"

"Pwedeng pa-load?", bigla niyang sabi sakin.

Bigla rin akong natauhan. Oh ano? Akala mo may sasabihin siya sayo? Anya wake up! Nakakainis. Naiinis ako. Sobra!

"Wala. Wala akong load. Di na ako naglo-load", mabilis kong sagot sa kanya at bumalik na ako sa pag-rereview. Hindi na siya sumagot at halatang nabigla siya sa kinilos ko. Natural magugulat 'yun. Nagpapaload lang naman yung tao tapos bigla ka mag-susungit. Wrong move.

After about five minutes dumating na si Ma'am. Nag-set up na siya ng kanyang dalang laptop at projector. At hindi ako nagkamali dahil walang ano-ano ay nagpaquiz na nga ang Ma'am Claire.

Habang nagsasagot kami ng quiz ay naglalakad pa si Ma'am para bantayan mabuti ang mga estudyanteng nagkokopyahan kaya cheating is not an option in this class. Napansin ko na tumitingin si Jason sa papel ko. Ha! Hindi siya nag-review. Tinakpan ko ang papel ko at tinignan niya ako. Nanlaki ang mga mata niya na para bang sinabi niya sakin: Huwag mo takpan, pakopya ako. Hindi ko siya pinansin at bumalik na ako sa pagsasagot sa papel ko. Nagulat na lang ako ng bigla niyang sinipa yung chair ko. Tinignan ko siya at pinangmulatan ko siya ng mata.

Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now