Matapos namin maikot yung Makban: Aboitiz Geothermal Powerplant ay dumiretso kami agad sa IRRI Museum (International Rice Research Institute) na nasa UP Los Baños, Laguna. May mga kasama kasi yata kaming Agricultural Engineering students kaya nasama ang IRRI sa aming itineraries. Upon entering the university premises napahanga na lang ako sa mga naglalakihang buildings at mga facilities nila. Talagang angat yung UP campuses compare sa mga ibang campus. At ang nakakaloka may mga jeep sa loob ng campus! Shocks! Ganun ba talaga kalaki ang loob nito kaya may mga jeep?!
Bago pumunta ng IRRI Museum ay inikot muna kami sa buong campus para makita namin ang kabuuan nito pero hindi kami bumaba ng bus. Sabi ni Sir Marco, we will be following the "Kanan to Kaliwa" route sa pag-ikot namin sa loob. So galing kami ng UPLB Gate at pumunta kami sa Academic Core Zone kung saan andun lahat ng mga magaganda at malalaking buildings sa campus. Sobrang lamig din sa mata ng mostly green na kulay ng palagid. Ang daming puno sa palagid. Merong mga acacia, molave, narra at royal palm. I'm not sure kung kapok yung isang puno na nakita ko pero very cozy talaga dito. Matapos sa Academic Core Zone ay pumakanan na kami going up to the upper campus makikita ang more classrooms, parks, statues at may Japanese-Filipino Friendship Arc pa.
Meron din silang UPLB Citibowl, kung saaan pwede kang mag-unwind dahil may bowling, billiards at table tennis facilities. From there bumaba na kami sa left side of the campus passing Agriculture and Life Sciences Complex at umikot na naman to finally go to IIRI Museum.
So ayun pumunta kami ng Rice Gallery, nag-ikot-ikot sa mga display while assigned personnels ay nagdidiscuss about how their rice research aims to help poor people succeed through farming. Marami rin kami natutunan at pagkatapos sa Rice Museum ay dumiretso na kami agad sa Caliraya Resort sa Lumban, Laguna para makapagpahinga na.
At sino ba ng mag-aakala na sa halagang 3K ay makakapag-Caliraya Resort pa kami. Balita namin best friend ni Sir Marco ang may-ari nito kaya sobrang laki nung discount kaya naman bongga ang tutulugan namin for 2 nights. Kaya lang off limits kami sa mga rides dito pero okay na rin, magrereklamo pa ba kami sa sobrang gandang resort na tutulugan for 2 nights?!
After the assembly ay kumain na kaming lahat at binigay na ang aming room designations. Karamihan after mailagay ang mga dalang gamit sa kanilang mga room ay agad nang nagsilabas at nag-explore sa resort. Siyempre this is an opportunity para makapag-unwind at magkapag-picture!
Ako naman mas pinili kong maligo at maglinis muna ng katawan bago mag-explore sa resort. Anyway, 9PM pa lang naman. 11PM pa ang curfew kaya makakaparelax pa ako at makakapag-explore later.
Pagkatapos ko makaligo at makapag-ayos ay lumabas na ako ng room namin na nasa second floor. Pagkababa ko ay nakasalubong ko sila Tina, Cassie at Sophie.
"Oh ngayon ka lang natapos maligo?", tanong ni Sophie.
"Oo eh, init na init ako. Kaya naligo na ako", sagot ko sa kanya.
"Di ka tuloy nakasama naglibot kami sa pool side kasama yung boys", sabi naman ni Cassie.
"Ay. Hindi niyo ako hinintay, grabe!", sabi ko naman.
"Hinahanap ka namin. Ikaw pala yung nasa banyo. Aba malay ba namin!", sabi ni Tina sabay tawa pagkatapos niyang magsalita.
"Samahan niyo naman ako. Libot ulit kayo", I ask them while doing my puppy eyes.
"Hay naku Anya! Lubayan mo yang puppy eyes na yan at kami naman ang maliligo", sagot ni Cassie.
"Ano yun, ikaw lang ang mabango?", banat naman ni Sophie at nagtawanan nila.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...