CHAPTER SIX: Blackout

89 6 2
                                    

"Ano? Bakit di ka makasagot? Bakit di mo ko sagutin?!", galit kong sigaw kay Toni.

"Anya wait. Kumalma ka nakakahiya sa mga tao", sagot ni Toni.

Tumingin ako sa paligid and we are starting to get attention from the nearby customers. So I tried to calm myself a little pero sobra na talaga. Hindi ko na kayang kimkimin at tiisin lahat nang pinagsasabi ni Toni.

"So ano nga? Ano bang problema mo sakin ha? Bakit ka ganyan?", naiiyak kong tanong kay Toni.

"Anya you misunderstood. Assumption lang naman yun. More like biro", said Toni. I looked at her and I can tell she's unsure of what she's saying. Ngayon ko lang siya nakita na ganito.

"Anya calm down. Wag kayo mag-away dito. Let's try to talk this out", sabi naman ni Charmaine na natataranta na habang si Ara ay nakatingin lang at walang imik.

"Hindi. Sobra na. I'm leaving! Pag-sabihan mo yang kaibigan mo na yan!", sabi ko naman kay Charmaine.

"You can't leave", biglang nagsalita si Toni. "Di pa tayo bayad."

At bago pa mag-init lalo ang ulo ko at sumabog. Humugot ako ng 500 pesos sa wallet ko at nilagay sa table.

"Keep the change!", tumayo na ako at bago ako maglakad palayo, tinignan ko sa mata si Toni at sinabing, "Bitch!". I heard them gasping for air in shock and somehow that felt satisfying.



■■■



I wanted to cry for the longest time in my life. Kailan ba ako huling umiyak? Noong 14 years old ako? I can't really remember. But right now walang tumutulong luha dahil puro galit at inis ang nararamdaman ko. So before I explode, umuwi na lang ako.

Pagka-uwi ko sa bahay agad akong umakyat sa kwarto ko. Nasa baba pareho sila Mama at Erika. Si Mama nag-hihimay ng mga gulay habang kausap si Papa sa phone at si Erika naman, busy sa pag-nunuod ng TV habang kinukutingting yung phone niya. In short, busy sila. Good for me, dahil di nila ko tatanungin kung bakit ganito itsura. Besides I don't have the energy to deal and explain lahat ng nangyari at ayoko na ring isipin pa.

Napakabigat ng ulo ko. Parang may nakapatong na isang bultong bigas. Kaya naman nagbihis na ako agad at naglinis ng mukha ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako agad sa kama ko para humiga. Gustong gusto ko na matulog dahil sa sama ng pakiramdam ko kaya pumikit ako agad pero dahil nag-umpisa nang kumirot yung ulo ko, mukhang mahihirapan ako nito kaya bumaba ako saglit para kumuha ng pain reliever na malamang ay halos walang magiging epekto sakin dahil nga ang taas na ng tolerance ko. Noon kasi basta may sumakit sa akin ay iinom ako agad ng gamot kaya eto ngayon, halos wala ng epekto. Kulang ang isang tablet sa akin. Pagkainom ko ng gamot, humiga na ulit ako at pinilit makatulog. Pagkalipas ng ilang minuto, nagbilang nako tupa dahil hindi ko na kaya, gusto ko na matulog.

One. Two. Three. Four. Five. Six. Seven. Eight. Nine. Ten. Eleven. Twelve. Thirteen... Thirty-six. Thirty-seven. Thirty-eight. Thirty-n...


Pagdilat ko ng mata ko umaga na. Pumikit ulit ako dahil masakit ang mga mata ko. Few minutes later, bumangon na ako para mag-hilamos. Para akong may hangover. Ganun yung pakiramdam ko ang bigat na rin ng katawan ko pero di naman ako nilalagnat. Pagbaba ko sa kusina namin, nadoon na si Mama at naghahanda ng pagkain. Nakabihis siya ng pang-alis. She was wearing her regular Nanay blouse and fitted pants. Marami nagsasabi na kamukha ko daw si Mama pero di ako naniniwala.

Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now