CHAPTER THIRTY-ONE : I Don't Deserved This

45 3 0
                                    


"Di pa rin ba gising Ate mo?", tanong ni Tita Debbie.

"Hindi pa Tita eh", sagot ni Erika.


Narinig kong nagbuntong hininga si Tita Debbie. Akala siguro nila hindi ko sila naririnig.

"Lagi na lang tulog ang Ate mo, nag-aalala na ako."


Hindi sumagot si Erika. Matagal bago sila muling nagsalita at wala rin naman akong interest pa para pakinggan pa ang pag-aalala nila sa akin, kaya hinatak ko yung kumot ko na nakalaylay sa dulo ng aking kama at sa ilalim nito ako'y namluktot at muling pinikit ang aking mga mata.

Lumipas ang araw hindi ko pa rin magawang lumabas sa aming bahay. Malapit na ang pasukan at hindi ako nakakaramdam ng anumang excitement. Gusto ko lang magkulong dito sa kuwarto ko. Umaasa na masamang panaginip lang 'to at pamaya-maya ay magigising na rin ako at makikita ko ulit si Papa at Mama na okay. Pagkatapos susunduin ako ni Jason para sa date namin. Susuotin ko ulit yung little black dress ko at maglalayag kami sa kadiliman na ang tanging ilaw namin sa daan ay ang mga butuin at maliwanag na buwan.

Pero nung tumunog ang phone ko, bigla na lang ako nito hinatak pabalik sa realidad. Tapos na nga pala ang lahat sa amin. Si Papa may anak sa iba at si Jason ayaw na sa akin or maybe the better word is hindi na kayang pilitin ng sarili niya na mahalin ako.

Part of me ay umaasa na babalikan pa ako ni Jason kaya bago ko tignan yung message sa akin ay napapikit pa ako. At nang makita ko kung sino ang nagtext sa akin ay kamuntik ko nang maibagsak ang cellphone ko.


Si Papa. Andito siya.

Hindi ko siya nireplayan. Kunwari tulog ako. Ayaw na gumalaw ng katawan ko. Parang wala na akong gustong gawin, parang wala akong kayang gawin. Gusto ko lumabas pero ayaw ng katawan ko. Napakabigat ng pakiramdam ko.

May kumakatok sa pinto. Hindi ako sumagot dahil baka si Papa yun at nung biglang bumukas ito ay agad akong pumikit para magkunwaring tulog.

Isang bungtong hininga ang tanging narinig ko. Si Tita Debbie ulit. Mukhang nag-aalala na si Tita sakin pero wala naman ako magawa dahil ako mismo ay 'di ko matulungan ang sarili ko.



Kinagabihan ay tinawag ako ni Erika para maghapunan. Hinang-hina ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa kakahiga maghapon. Malapit na matapos ang bakasyon, pero feeling ko pagod na pagod pa rin ang katawan ko.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay naamoy ko na yung mabangong aroma ng pagkain na nakahain sa mesa. Something to look forward at nang nakarating na ako sa mesa ay nandun ang taong pinaka-ayokong makita sa ngayon.


"Anong ginagawa mo dito?!", tanong ko as I took the final step in the stairs.

Hindi umimik ang tatay ko habang maingat siyang nag-iisip nang kanyang sasabihin. As if may paniniwalaan pa ako sa mga salitang bibitawan niya.

"Bakit pinapasok niyo yan dito?!", tanong ko habang nanggagalaiti ako.

Tumayo si Papa at unti-unting lumapit sa akin. Pero hindi ko na hinayaang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Huwag kang lumapit sakin!", sigaw ko.

Nangingilid ang luha niya. "Anya, anak. Hayaan mo muna akong magpaliwanag", pakiusap niya.


Nang marinig kong sabihin niyang sabihin na gusto niyang magpaliwanag ay bigla na lang nagpanting ang aking tenga at para bang sasabog ako sa galit.

Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now