Walang katapusang dilim ang nakikita ko. Wala akong maramdaman kundi lamig na para bang sinusugatan ako habang dumadampi ang hangin sa balat ko. Sobrang sakit ng katawan ko. At the same time napakabigat ng pakiramdam ko. You know that feeling when you're hot inside but shivering from cold. Ganun ang nararamdaman ko.
Maya-maya ay may naramdaman akong haplos sa aking leeg papunta sa noo ko kaya pinilit ko idilat ang mga mata ko at pagdilat ko ay nakita ko si Mama.
"Mataas pa rin lagnat mo? Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain? Pagluluto kita ng soup?", tanong niya.
And before I could form an answer ay bigla na lang nangilid yung mga luha ko mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako umuiiyak basta masaya ako na kasama ko si Mama ngayon.
"Oh bakit ka umiiyak? Anong masakit sa'yo?", tanong ulit niya.
Umiling lang ako dahil hindi pa rin ako makapagsalita. Masama ang pakiramdam ko pero masaya ako na inaalagaan ako ni Mama na para bang bata ulit ako.
"Dyan ka muna, at ipagluluto kita ng soup para may mainit kang sabaw na mahigop. Kagabi ka pa hindi kumakain", sabay hipo niya ulit sa noon ko para i-check yung init ko. Pagkatapos ay tumayo na siya at lumabas ng kwarto ko.
Few minutes later ay bumalik na si Mama dala-dala yung mainit na soup na kakaluto niya lang. Papasok pa lang siya ng pinto ay naaamoy ko na yung mabangong amoy na nanggagaling sa mainit na sabaw.
Umupo si Mama sa tabi ko at inalis ang unan ko. Pinatong niya sa table malapit sa kama ko yung tray na may lamang baso, gamot at kinuha yung soup. Sinusubuan niya ako ng sabaw pero pagkatapos ng ilang higop ay pinatigil ko muna siya dahil ang pait ng panlasa ko.
"Kumain ka pa para maginhawaan ka", sabi ni Mama habang dinikit niya yung palad niya sa noo ko. "Mataas pa rin lagnat mo. Mag-thermometer ka nga", tuloy niya.
Kinuha ko yung mainit na soup at pinilit na humigop ng ilang kutsarang sabaw. Habang si Mama kinuha niya thermometer at pinaipit niya ito sa kili-kili ko.
"Nag-alala kami sa'yo kagabi. Nakita ka ni Erika sa kusina, hinimatay ka daw at basang-basa ka nung nakita ka niya."
"Inabutan kasi ako ng ulan sa bayan, tapos wala pang masakyan na jeep kaya nabasa ako", sagot ko kay Mama.
"Ano ba nararamdaman mo ngayon? Baka naman kung ano na yan. Ipapa-check up kita kapag bumaba na lagnat mo", sabi ni Mama sa akin habang kinukuha niya yung thermometer.
"Ilan?", tanong ko sa kanya.
"Ang taas 39.7", sabi ni Mama. "Nagdilim na nga lang paningin ko kagabi. Sa pagod ko lang siguro to Mama tapos nasabayan nung ulan", sabi ko kay Mama.
"Sana nga at mahirap magkasakit sa panahon ngayon", sagot ni Mama.
Pinilit kong ubusin yung nilutong soup ni Mama at pagkatapos ay pinainom na niya ako ng gamot at tubig. Inilagay niya yung bowl na may lamang pang sabaw sa tray kasama yung baso. At habang inaayos niya yung kumot ko ay pumasok si Erika sa kuwarto.
"Ma, si Tita Debbie andyan sa baba", sabi ni Erika.
"Ay andyan na ba siya? Oh dito ka muna. Tapos ikaw na kaya mag-sponge bath sa ate mo para guminhawa naman pakiramdam niya. Inaapoy pa rin ng lagnat yan eh", utos ni Mama kay Erika. Kinuha na niya yung tray at naglakad na palabas ng kuwarto ko.
"Sure. Eh nasan yung pamumunas ko sa kanya?", sagot at tanong ni Erika kay Mama.
Huminto si Mama sa pinto katabi nung poster ng Backstreet Boys na nakakabit sa dingding ng kuwarto ko. "Sumama ka sa baba at ako na nga mag-hahanda basta ikaw na bahala mag-asikaso sa ate mo at naghihintay na pala ang Tita Debbie mo dun sa baba", sagot ni Mama kay Erika.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...