We continued to walk at nung malapit na kami sa sakayan ay may dalawang lalaki na nakatayo sa waiting area. Waiting area na wala man lang silong. Habang papalapit kami parang familiar yung mga mukha nila. At noong mas malapit na kami ay namukaan ko na sila. Si TJ at Greg!
Bago ko pa man sila batiin ay nakita na nila kami at agad bumati.
"Yo! Musta pre", sabi nila kay Jason. "At Anya", dagdag naman ni TJ na ngumiti ng napaka-cute. Gwapo rin pala 'tong si TJ. Ngayon alam ko na kung bakit dead na dead si Tina sa kanya.
"Hi", agad ko namang bati pabalik sa dalawang kaibigan ni Jason.
Hinihintay ko bumati si Jason pero hindi siya umuiimik. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin lang siya sa dalawa niyang kaibigan.
Siniko si Jason sa tagliran niya at napayuko na lang siya at inis na tumingin sakin.
"Hindi mo ba babatiin yung mga kaibigan mo?", mahinang tanong ko sa kanya.
He rolled his eyes as a reply to me. Pero tumingin siya kila Greg/TJ at tumango.
"Jason...", sabi ko with that warning tone in my voice.
He cleared his throat and said: "Hi".
Natawa naman yung dalawa. "Okay lang Anya. Sanay na kami kay Jason", sabi ni Greg.
At bigla kong naalala yung sinabi nila sakin nung nasa Enchanted Kingdom kami nung field trip. 'Yun kaya yung kinayayamot nitong si Jason? Pero as far as I remember nagbati rin sila nung araw na yun. Para ngang walang nangyari. Hay, boys! Their minds is truly a mystery that is yet to be solved.
Out of the blue ay hinatak ako ni Jason at ramdam ko yung mahigpit na hawak niya sakin. Para bang kanina pa siya nagtitimpi.
"Mga pare, mauna na kami sa inyo. Ihahatid ko pa si Anya", sabi ni Jason.
Gusto kong sabihin na huwag niya na ako ihatid at mag-usap muna sila ng mga kaibigan niya but my guts told me not no say a thing. Jason is now squeezing my right wrist really hard.
Umakyat kami sa jeep at sumakay sa bandang gitna sa kanang side nito. Dalawang middle-aged na babae lang yung sakay nung jeep. Pagka-upo namin ay tumingin ako kay Jason.
"Masakit", sabi ko sa kanya.
Confused. Tumingin siya sa akin. "Huh?", tanong niya.
I raise my right hand with his hand still tightly holding my wrist. "Masakit na", sabi ko.
Agad niyang binitawan yung kamay ko then he cleared his throat. "I'm sorry", sabi niya.
Nakatingin pa rin ako sa kanya. Carefully stuying his face and behavior.
"Ano bang nangyayari sa'yo?, tanong ko.
Still looking at him. Waiting for an answer, i did not blinked my eyes and kept my focus on him.
Impatient. I pressured him with another question. "Okay ka naman kanina? So what's the deal?", dagdag ko.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...