CHAPTER TWENTY-EIGHT : With Tears In My Eyes

47 4 0
                                    


Exactly 1:00PM ay nakapagland na kami sa airport. After namin sa airport ay diretso kami sa kainan dahil pareho-parehong kumakalam na ang mga sikmura namin kahit may "sky treats" kaming mineryenda kanina sa plane.

Matapos namin magtanghalian ay bumayahe na kami papunta sa tutuluyan namin. Estimate ni Donny ay about 2 hours mula sa airport ang lugar ng Tita niya.


"Wow!" Yan lang ang nasabi ko nung nakita namin kung gaano kalaki yung resort nung Tita ni Donny. Gate pa lang nung resort ay mala 4 star hotel na'to. Nagtinginan kaming lahat at pagkatapos ay tumingin kay Donny na para bang we are waiting for an explanation. Sabi niya samin – maliit na resort daw, tandang-tanda ko na sinabi ni Donny.


"Ano?", sabi niya with that clueless look in his face.


Tinapik siya ni Cassie sa braso niya. "Hindi mo naman na ganito kasosyal yung resort niyo. Nakakahiya sa Tita mo."

"Hindi lang naman sa akin 'to. Partners kami ng Mama niya. So technically sa kanya rin to", sabi ng isang short hair na babae sa likod nila Donny at Cassie.

"Oh Tita!", excited na bati ni Donny sa tita niya at niyakap niya ito.


After ng short catching up ng mag-tita ay pinakilala kami ni Donny isa-isa at pinagpahinga muna kami ng Tita niya sa mga rooms namin. (Sabi pa ni Donny, magsisiksikan daw kami sa room. Talk about beng humble.)


Matapos magpahinga ay nagready na kami for early dinner. Around 6PM ay kumain na kami dahil gusto nila mag-night swimming.

Since hindi ko talaga gusto magswimming dahil malamig ang tubig. Umupo na lang ako sa poolside at pinanuod silang magtampisaw sa tubig na parang may yelo.

Maya-maya lang lumapit sakin si Jason. Inaaya niya ako na magswim but I really can't stand the cold, so I refuse. Bumalik siya and later on he went out of the water and disappeared.


I actually didn't mind at all since I'm starting to move by my plans. Kinuha ko yung phone ko at nag-text kay Erika.

To: Erika

Erika, makakauwi daw ba ng bisperas ng Pasko si Papa?

Hindi nagtagal at nag-ring yung phone ko. It was Erika.

Oo dito naman daw magpa-pasko si Papa.

I let a sigh of relief. Maybe just maybe I can rest my thoughts now and focus in this vacation.







■■■







12:30PM ay ready na ang lahat. Our bags are packed and we are ready to go hiking. Mga 30 minutes away ang resort/hotel ng Tita ni Donny sa Mt. Dulang Dulang. We will be climbing that mountain and hopefully before sunrise ay nasa peak na kami to witness the beauty of the mountains and hill as the sun rays ilumminate them.

Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now