DECEMBER
Fast forward. Six months after my graduation, a lot of things happened. Right after graduation ay diretso kami sa pagrereview for the board examination. Mahirap, puno ng uncertainties kasi hindi siguro kung papasa kami. Pero sa awa at habag naman ng Diyos, pumasa kaming magkakaibigan. Now I finally have a job and the good thing is I'm with Tina.
Magda-dalawang buwan na rin kaming nagtatrabaho at so far, chill pa naman sa workplace namin. Wala pa masyadong mabigat na task at mukhang naka-adjust naman na kami.
"Anya, pinapupunta ka pala ni Sir Nick sa office niya", bungad ni Tina sa akin pagdating niya sa cubicle namin. And yes, magkacubicle pa kami kaya naman kahit papaano ay hindi kami ma-oOP dito sa office.
I arched my eyebrows while wondering what could be the reason I'm being summoned. Bakit kaya ako pinapupunta sa office? "Bakit daw?", tanong ko kay Tina na nagbubukas na naman ng meryenda.
"Ewan", sagot niya habang ngumunguya ng Piattos.
Bago pa man ako makapagsalita ay dumungaw sa cubicle namin and isang babae at sinagot ang tanong ko.
"Ikaw yata ang isasama niya sa training", sagot ni Toni.
Oh yes. Toni is here too. Dito kasi nagwowork Tita niya, so yeah, madali siyang nakapasok dito. And yes, bati na rin kami and occassionally sumasabay din siyang kumain samin kapag wala yung mga ka-close niya. Di ko inakala na ganun kadali ko siya mapapatawad pero okay na rin siguro dahil mas magaan na and dibdib ko ngayon.
■■■
I took a deep breath before I enter the office of my supervisor. At nung ready na ako ay kumatok ako sa pinto at agad niya akong pinapasok.
Pagpasok ko sa loob ay amoy na amoy ko yung humidifier niya na kung hindi ako nagkakamali ay amoy lavander. Malinis at mabango ang paligid at mukhang maayos ang mga files. Siguro ang sarap mag-office dito. I told myself.
"Anya? Anya!", tawag sakin ni Sir.
When I snapped out it, I answered: "Yes, Sir?!"
Confused. He asked me again the question that he was asking while I'm dozing off.
"Ang sabi ko, ikaw na isasama ko sa training", he repeated.
"Ah. Ako po? Bakit ako Sir?", tanong ko kay Sir Nick.
"Bakit hindi ikaw?", sagot niya sa tanong ko, which apparently a question too.
Sasagot pa sana ako para magdahilan dahil ayokong sumama lalo na kung kaming dalawa lang pero agad siyang nagsalita. Mukhang naramdaman niya na magdadahilan pa ako.
"The training will be 2 days and 1 night. So magprepare ka. Sunduin na lang kita sa apartment niyo?", tanong niya ulit.
Napailing na lang ako. So wala akong kawala sa mokong na'to? I clenched my wet palm, accepting defeat in this battle. Supervisor ko siya, newbie lang ako. So paano nga?
"Wala pong official dispatch?", pag-uusisa ko.
"Wala", sagot niya pagkatapos niya humigop ng kape.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...