CHAPTER TWELVE: I'll Scream My Heart Out For You!

63 5 1
                                    

"Ayoko nga sabing sumakay! Hihimatayin ako sa takot dun!", sigaw ko habang hawak-hawak ni Tina at Sophie yung magkabilang balikat ko.

"Lakad Anya, Lakad!", sabi ni Sophie habang lalong humigpit yung kapit niya sa akin.

Lumapit naman si Gilbert sa akin para palakasin yung loob ko and it will never work dahil ayoko talaga sa mga rides like roller coaster.

"Kaya mo yan, Anya! Pumikit ka na lang", sabi naman ni Cassie.

"Oo nga. Saka yung Ekstreme Tower nga kinaya mo. Kaya mo rin 'to", sabi naman ni Gilbert sa akin.

Patuloy pa rin ako nagpupumiglas at hindi pa rin ako makawala kila Tina at Sophie. Hanggang nakarating na kami sa Space Shuttle ay nagpupumiglas pa rin ako. Gusto ko nang umiyak dahil natatakot na talaga ako.


"Oy pare! Sasakay din kayo Space Shuttle", sabi ni Donny pagkatapos ay nakipag-apir siya.

Tinignan kong mabuti kung sino yung kausap niya at tumibok naman ng 130 beats per minute yung puso ko. Yung kausap ni Donny ay si Jason na may kasamang dalawang lalaki.

"Hi Jason!", bati ng mga kaibigan ko.

"And friends...", sabi naman ni Tina.

"Guys, si Greg and TJ nga pala. Tropa ko", sabi ni Jason. Pagtapos tumingin siya sa friends niya at ipinakilala kami. "Mga classmates ko", tuloy niya.

"Hi, nice to meet you!", sabi ni Sophie na mukhang may balak magkajowa.

"Hello", sabi naman ng napakacute na si Gilbert with his eyeglasses. And they exchanged their "Hi and hellos" habang ako ay natatakot pa ring sumakay sa Space Shuttle.

Napansin ko naman si Donny na biglang pumulupot na lang kay Cassie dahil mukhang kursunada ni Greg yung girlfriend niya. Sa ganda ba naman ni Cassie, kung ako rin siguro mabibighani sa kanya but I'm so over with boys being so overprotective. Hindi naman siguro ipagpapalit ni Cassie si Donny nang ganun ganun lang. Pero kung makapalupot si Donny kay Cassie. I just can't! I rolled my eyes and I speaked inside my head, Boys...!


"Sasakay ba kayo? Sabay na kayo samin", paanyaya ni Tina. And OMG! Tina is flirting. Nagpapacute siya kay TJ at habang pinaiikot-ikot niya yung buhok niya sa daliri. Seriously? She's using that very cliché tactic. And from the looks of it TJ is not very pleased. Totoo nga ang sabi nila Tina is babaeng bakla. I can't help but chuckle.

"Okay", sabi naman ni Jason.

"Oh tara na! Basta sa unahan kami ng baby ko", sabi Cassie at nagtinginan naman sila ni Donny nang malagkit. I can see in the way Donny and Cassie looks at each other na mahal na mahal nila ang isa't isa.

So ang ending magkatabi si TJ at Tina, Sophie at Greg, ako at Jason, at si Gilbert naiwang mag-isa. That was the case until may isang babaeng with bangs at nakasalamin din ang umupo sa tabi ni Gilbert.

Nagtinginan kaming lahat at agad na inasar si Gilbert sa cute na katabi niya.

"Uy bagay sila", pangaasar ni Greg.

Hindi naman nagsasalita si Gilbert na halatang hiyang-hiya na dahil nagba-blush na siya.

"Oo nga. Pareho pa silang naka-glasses oh", sabi naman ni Sophie.

Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now