CHAPTER FIVE: What Did You Say?!

84 6 1
                                    

Pagdating ko sa bahay namin agad ako umakyat sa kuwarto ko para magbihis. Pagtapat ko sa salamin hindi ko napigilan na i-appreciate yung beauty ko. Honestly, hindi naman ako sobrang ganda. Sabi nga nila babalina ako pero no matter what they say they won't make me feel less about myself. I think its all about confidence and how you carry yourself and sana marealize din yun ng ibang babae. At bago pa ako maging feminist activist bumaba na ako para kumain ng lunch.

"Mama, anong ulam?", tanong ko sa Mama pagkakita na pagkakita ko pa lang sa kanya.

"Menudo," sagot niya sa akin. "Kumain ka na dyan at kayayari ko lang kumain", tuloy niya.

"Kaaga mo naman kumain Mama", sabi ko naman habang binubuklat ang food cover at kumukuha ng plato.

"May pupuntahan kasi ako. Mayroon business na inaalok si kumare sakin."

Langhap ko naman agad yung aroma yung nilutong menudo ni Mama at lalo tuloy akong nagutom. "Anong klaseng business naman yan? Baka networking yan ah", pag-uusisa ko.

"Sa mga food supplements daw, vitamins na maraming nagagamot na sakit", sagot ni Mama sa pag-uusisa ko sa kanya.

"Ay yun na nga, networking yan Mama", sagot ko naman habang kumukuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator namin na kalahati ng laman ay tubig.

"Maganda daw to. Nung umaattend ako ng seminar maganda naman. Marami kang matutunan. Ita-try lang naman, malay mo dito pa tayo yumaman", excited na sagot ni Mama sa akin.

"Bahala ka. Mamaya pasisigawin lang kayo ng POWER! diyan eh", pang-iinis ko kay Mama.

Lumapit siya at nilagay sa mesa yung eco bag niyang bitbit na may lamang mga prutas sabay bilin na, "Yung pinya hiwain mo, tapos hugasan mo yung grapes tapos ilagay mo lahat sa ref."

"Okay." sagot ko pagkatapos lumunok.

"May apple din pala dyan". Pumunta si Mama sa tabi ng ref para kunin yung susi ng kotse. "Tapos urungan mo na rin yang pinag-kainan mo pagkayari mong kumain at baka itambak mo pa yan. Nilinis ko na yang lababo", dagdag niya.

"Opo." naiinis ko namang sabi. Para naman kasing ang tamad tamad ko.

Isinukbit na ni Mama yung bag niya sa balikat niya at tumayo sa harapan ko. "Oh aalis na ako. May pasok ka pa ba?" tanong ni Mama.

"Wala na. Half day lang kami today, diba sinabi ko na sa'yo kagabi?", sagot habang nire-refill ko yung tubig ko sa baso.

"Hay naku di ko na naaalala. Sige aalis na ako Anya, yung bahay ikaw na bahala", bilin niya sa akin.

"Okay, bye!" pagpapalam ko.


Pagkatapos kong kumain ay umupo muna ako sa sala at binuksan ang TV para manuod. Showtime na pala. Absent naman si Vice Ganda, hindi tuloy masyado nakakatawa. At after few minutes naalala ko, marami pala ako gagawin. Mag-oautocad pa pala ako ng 2 storey building na due next week. OMG! Pero bago lahat may inuutos pa nga pala si mudra, so kailangan ko muna gawin yun at siguro pagagalitan niya na naman ako pag-uwi 'nun kapag inabutan niya na hindi ko pa nasusunod yung mga utos niya.

Nahiwa ko na yung pinya, nahugasan yung mga grapes, nailagay ko na sa refrigerator yung mga prutas, at nakapag-urong na rin ako kaya agad ko nang sinimulan yung mga nakabinbin na school works ko. Inuna ko na yung residential plan ng two storey building dahil matagal-tagal gawin yun at panigurado medyo mangangapa pa ako sa mga tools nun dahil kaka-install ko lang ng latest version ng autocad. And while looking at it, yung mga basic tools niya ay yun pa rin naman pero naparaming nadagdag na bagong features at naloloka ako sa dami.

Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now