CHAPTER THIRTY : Christmas Day You Broke My Heart

52 4 1
                                    

"Anya, saan ka bang nanggaling bata ka?! Di ka ba nag-iisip? Di mo man lang sinagot mga tawag ko. At si Debbie naman kunsintidor! Hinayaan ka niya at tinulungan pa sa mga kalokohan mo. Saan ka ba nagpunta ha? Mapapatay niyo ako!", sabi ni Mama habang galiiting-galiiti sakin. Nagsisisgaw siya nakatayo sa harap ko pero kagit anong galit niya di ko magawang tignan siya sa mata.

Ayoko dahil sa oras na ginawa ko yun panigurado papatak ang luha ko at hindi pa ako handang sabihin ka Mama. Natatakot ako.

Nakaupo ako sa mesa. Di alam kung paano sasabihin na may pamilya si Papa sa Bukidnon. Kahit anong pilit ko ibuka bibig ko, para bang pinipigilan ako ng utak ko.

Pero nung tumahimik si Mama. Umupo siya hinawakan yung kamay ko. "Anak na ba talagang nangyari?", mahinahong tanong niya. Sa oras na iyon, para bang nakaramdam ako ng kurot sa puso ko at sense of relief. Sa oras na iyon, naramdaman kong dapat na namin putulin yung sakit na nagpapahirap sa kalooban namin. Dapat ko nang sabihin kay Mama.

"Ma", sabi ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin na siya sa akin na para bang hinihintay niya at handa na siya sa ano mang sasabihin ko.


As soon as I started speaking, tears, bucket full of tear came pouring from my eyes.


"Mama...."


"...may pamilya na si Papa sa Bukidnon", sabi ko habang humahagulgol.


Pagkapunas ko ng mga luha ko. Pinilit kong tignan si Mama at gaya ng inaasahan ko umiiyak siya. Kagat-kagat niya yung labi niya. Pinipilit itago yung sakit na alam kong hundi maikukumpara sa sakit na nararamdaman ko bilang anak.

Agad kong niyakap si Mama at sa balikat naming dalawa ay sabay naming hinayaang papakawalan lahat ng sakit, kirot, at mga hinanakit na matagal rin naming pilit itinago, pinilit lunukin. Kasabay ng mga luhang papatak, lahat ng sakit sana ay mapawi. May all that pain go away. Kung hindi sa akin, kahit yung kay Mama na lang.

Hindi ko alam kung paano namin haharapin yung bukas pero ang alam ko kailangan ako ngayon ng pamilya ko kaya kailangan kong maging malakas, para kay Mama at para kay Erika.



■■■



Nangyari man ang lahat ng nangyari. Natuklasan man lahat ng dapat mabulgar. Hindi yun naging dahilan para hindi kami mag-celebrate ng Pasko.

Hindi man ganun karami ang naging handa namin ay sinigurado ni Mama na kakain kami ng masarap ngayong Noche Buena. Pinuno namin ang hapag-kainan ng mga masasarap na pagkain. Para naman sumaya kami, kahit yung tyan lang namin.

Bago kami kumaing tatlo ay nanalangin kami sa pangunguna ni Mama. Nagpasalamat sa Diyos para sa mga pagkain na pagsasaluhan namin ngayon gabi. Nagpasalamat kami sa mga biyaya at pagsubok na pinagdadaanan namin. At noong moment na 'yun, doon ko nakita kung gaano kalakas si Mama. Nagpasalamat pa rin siya sa Diyos kahit sobrang sakit na. Kahit sobrang pasakit na yung ginawa ni Papa. And I aspire to be that strong. I want to be that strong so whatever heartache comes my way, kakayanin ko. At yun yung akala ko.




■■■





Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now