Hindi ko namalayan ang oras at maliwanag na pala. Nakahinto na yung bus na sinasakyan namin at kakaunti na lang ang estudyante sa bus. Nasaan na ba kami? Tanong ko sa sarili ko. Pagtingin ko sa gilid ko, wala na si Jason. Papatayo pa lang sana ako ay saktong pagdating nila Tina sa bus.
"Saan na tayo?", tanong ko kay Tina.
Nagse-cellphone siya habang naglalakad dala-dala ang isang bote ng Tropicana na mukhang bagong bili lang. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "NLEX na tayo", sabi ni Tina sa akin sabay ngiti.
"Ow. Okay", yun na lang ang nasabi ko while studying my friends. And I think something is off. They have this grin on their face that's putting me off. "Oh ano na? Alam ko yang mga ngiting yan, sabihin niyo na sakin kung ano pinagkakatuwaan niyo", I insisted.
Before answering my request, nagtinginan muna silang lima at nagtawanan. To my dismay parang ayaw pa nilang sabihin sa akin kaya sumimangot na ako sa kanila. A few minutes later ay kinalabit na lang ako ni Cassie my showing me a picture.
"Shocks!", sabi ko agad upon realizing kung sino yung nasa picture na pinapakita ni Cassie sa akin. Yung taong nasa picture lang naman ay ako. Ako na natutulog at nakasandal kay Jason na natutulog din.
"Hala nakakahiya!", sabi ko habang tinitignan ko yung picture. "Medyo nakanganga pa ako! Nakita kaya niya ako?", dagdag ko.
"Malamang. Nauna siyang nagising sa'yo eh", sabi naman ni Sophie. "Pero teka nga! Ano bang inaarte mo Anya? Akala pa man din namin kikiligin ka at magkasandal kayo oh", Sophie continued.
"Kikiligin sana ako kung hindi ganyan itsura ko. Baka tumulo pa laway ko sa balikat niya. Shocks!", naiirata kong sagot kay Sophie.
Nag-uumpisa nang magsidatingan ang mga estudyante at bigla na lang ako inabutan ni Gilbert ng bottled water.
"Anya alam mo huwag mo na isipin kung tumulo man ang laway mo kanina ang mahalaga unti-unti na kayong nagkakalapit ni Jason", sabi ni Gilbert habang natatawa ang mga kasama niya. "Isa pa ang dapat mong isipin ngayon kung paano kayo magkakalapit ni Jason sa buong trip na ito. Diba mag-eEnchanted tayo later this trip? Dapat pinagpa-planuhan na natin kung saan kayo sasakay at paano kayo magkakatabi", dagdag ni Gilbert na parang proud na proud sa sarili niya sa sinabi niya.
Naiirita ako sa kanila and I'm not even trying to hide it from the way I stare to them. "Plano? Natin? Bakit ba binubugaw niyo ako?", tanong ko sa kanila.
Naririnig ko si Donny sa likod ko while Cassie is standing by my side. Di pa rin ba niya alam? Parang ganun yung sinabi niya pero I'm not sure if I heard it right which makes me more anxious about sa kung ano yung hindi ko pa rin alam.
Before I was able to say another word ay pinatayo na ako ni Tina. "Bumaba ka muna kaya ng bus at mag-CR ka muna. Bahala ka kapag umandar na'tong bus, matagal bago mag-stop over ulit", sabi niya habang nagkakalkal sa bag niya ng pagkain.
"Oo nga. Go freshen up! Pagbalik mo kain na tayo ng breakfast. Excited na'ko tikman yung adobo mo", sabi naman ni Sophie.
"Teka nasaan na nga pala yung niluto mo Anya? Sana masarap", excited na tanong ni Gilbert.
"Masarap talaga yan. Makakalimutan mo pangalan mo kapag natikman mo na yung adobo ko", sagot ko while tying my loose shoelaces.
"Talaga lang ha? Go na friend, dito lang kami", sabi ni Cassie as she go back beside Donny and they started cuddling again. So bumaba na ako ng bus as I roll my eyes.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...