CHAPTER NINE: Trip to Your Heart

79 4 0
                                    

"Okay that's all for today. Get your payments ready na nga pala sa field trip natin sa Mak-Ban Geothermal Plant saka sa isang construction site sa Batangas, sa mga hindi pa bayad. Deadline bukas dahil sa Thursday na alis natin. Understood?", sabi ni Sir Marco.

Maingay na maingay ang buong klase. Tuwang-tuwa halos lahat habang ako hindi man lang na-inform na may pafieldtrip pala si Sir.

"Yes Sir!", sagot ng buong klase with feelings. "Okay! Dismiss!", sabi naman ni Sir at pagkatapos ay um-exit na siya agad.

Lumingon ako sa new tropa ko. "Wait! Anong field trip 'to? Hindi ako nainform", tanong ko kila Gilbert at Sophie.

"Kaka-announce lang din yan nung absent ka last week", sagot ni Gilbert.

"Tsaka may incentives daw. May plus tayo sa exam kapag sumama. Dagdag points din yan", excited na sagot ni Cassie.

"Huh? Eh wala pa akong pambayad. Di ko pa nga nasasabi kay Mama", sabi ko while thinking if I should join the field trip.

"Don't worry! Bayad ka na. Nagawan na namin ng paraan", sabi naman ni Cassie sa akin.

"Teka lang ah. Ano? Bayad na ako?", pagtataka ko.

"OO nga!", sagot nilang dalawa sa akin.

May babae na lang na biglang lumapit sa amin at si Tina pala yun. May hawak-hawak siyang papel at iniabot niya ito sa akin.

"Oh ayan na yung seating arrangement sa bus. Pumirma ka na", sabi ni Tina.

"Seat 41 ako? Sino katabi ko?" tanong ko sa kanila.

Bigla na lang sumulpot si Sophie sa likuran ko at sumagot habang may ngininguyang bubble gum.

"Wala", sabi niya.

Nagtinginan silang lahat at pagkalipas ng hindi ko mabilang kung minutes or seconds, ay sumagot na rin sila.

"What Sophie meant is wala kasi nagulo yung plano", sagot ni Cassie.

"Ano? Alam niyo kayo magulo. Ano namang plano ngayon?" sagot ko while trying to hide the fact na I'm starting to get pissed.

Umupo si Gilbert sa armdesk niya at nagsalita.

"Ganito kasi yan Anya. Seat 10, 11, and 12 kami ni Sophie at Tina. Tapos yung sila Cassie at Donny, seat 43 and 44 kasi alam mo na. Ikaw sa seat 41, katapat ng seat naming tatlo yun", nakangiting pag-eexplain ni Gilbert na napaka-cute sa kanyang eyeglasses.

"Tapos...", dagdag niya na para bang hindi niya matuloy yung sasabihin niya.

"Tapos?", I ask him to pressure him.

"Tapos..."

"Katabi mo sana si Jason kaya lang sa ibang bus daw siya sasakay", biglang bulalas ni Tina.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa gulat at napatawa. Natawa na rin tuloy silang lahat.

"Grabe naman. Intense!", sabi ko habang natatawa pa rin. "Hindi niyo naman kailangan pagtabihin kami ni Jason. Nekekeines keyo!", maarte kong sagot.

Hindi sila sumasagot at nagtitinginan lang sila.

"Bakit?", tanong ko.

Nagtitinginan pa rin sila.

"Seriously! Wala akong gusto kay Jason ah. Bakit ba parang sini-set up niyo ako sa tao", dagdag ko.

Nagtitinginan pa rin sila haggang dumating si Donny at nagsalita.

Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now