CHAPTER THIRTY-FOUR : Congratulations to You!

46 5 0
                                    


Hindi ako tinigilan nung tatlo hanggang hindi ko kinukwento ng buo lahat ng nangyari 'nung gabing iyon. Simula sa pagbabasakali kong magkabalikan kami ni Jason, sa paulit-ulit niyang paghingi ng tawad sa akin, pag-alis ko, hanggang pagsugod sa akin ni Trish ay kinuwento ko.

Siyempre doon sila tuwang-tuwa sa part na sinuntok ko sa tyan si Trish.

"We are so proud of you dear", sabi ni Cassie habang pumapalakpak ng mabagal.


Very anti-climatic naman si Tina na nagtanong, "Paano kung magdemanda siya?"


Oo nga. Di ko naisip yun. Paano kung idemanda ako nung babae na yun? Eotekke!


To the rescue. Biglang nagsalita si Sophie, "Wag ka mag-alala Anya, kapag nagdemanda siya, lalaban tayo. Attorney yung Tito ko. Sasabihin natin self-defense yung ginawa mo."

Pagkatapos nang reaasuring statement ni Sophie, we looked into each other then laughed in unison.



■■■



Araw ng Sabado. 8AM na ako nakaalis ng bahay at hanggang di ako nakaka-alis ay hindi ako tinigilan ni Mama ko sa kapapagalit. Nakalimutan ko kasing igayak yung pinababalot niyang package sa akin. Maaga pa naman at bukas pa talaga kukunin sakin yung package pero mukhang hobby niya lang pagalitan ako.

Maganda ang panahon. Katamtaman ang sikat ng araw. Tamang-tama lang init, hindi masyado masakit sa balat.

Mabilis akong nakasakay ng tricycle papunta sa bus terminal.


"Magandang umaga Anya!", bati nang tricycle driver.

Sinilip ko mula sa loob ng tricycle yung driver para aking kilalanin pero di ko maalala pangalan ni Manong.

"Ah. Good morning din po!", sagot ko kay Manong habang iniisip kung ano pangalan niya.


Habang binabaybay namin ang highway napukaw nang amoy ng barbeque na iniihaw nung tindera sa nadaanan naming tindahan ang aking atensyon. Bigla tuloy akong nagutom at binalak kong ipahinto kay Manong ang tricycle dahil traffic din naman kaso bigla siyang nagtanong.

"Saan punta mo niyan Anya?", tanong ni Manong Driver na sumilip pa sa loob ng tricycle.

"Sa terminal po ng bus", sagot ko.


Sumilip ulit si Manong Driver. "Hindi. Saan nga after ng terminal?", pangungulit niya.

Lumingon ako sa ihaw-ihaw at malayo na ito para ipahinto ko pa ang tricycle.

"Manila, Manong. Bakit sasama po kayo?", naiinis kong tanong.

Natawa siya at di na ako kinulit. Mukhang nakahalata si Manong. Maganda ring magfocus na lang siya sa pagda-drive dahil baka mamaya mabangga na kami sa kakasilip niya sakin sa loob ng tricycle.


Maya-maya lang ay nasa terminal na kami at shocks! Tama si Mama, marami nang tao, kaya naman pag-abot ko ng bayad sa tricycle ay agad kong hinanap yung bus na may signboard pa-Cubao.

Mabilis ko namang nahanap yung bus na sasakyan ko and just to be sure, tinanong ko pa yung kundoktor.


Last Christmas You Broke My HeartWhere stories live. Discover now