"Maghiwalay na tayo!", sigaw ni Mama habang hinahagis niya yung mga baso. Si Erika naman ay takot na takot lalo na sa bawat bagsak baso sa sahig. Nagliliparan yung mga bubog kaya naman hindi makalapit yung kapatid ko para awatin sila. Si Papa naman hindi siya lumalaban pero pilit niya pinipigilan si Mama sa pagwawala. Napansin ko rin na may mga sugat siya sa braso. Siguro dahil yun sa mga bubog na nagliliparan habang patuloy inuubos ni Mama yung mga baso namin sa kusina.
Noong dinampot na ni Mama yung mga pinggan para isunod na ihagis ay pinilit siyang pigilin ni Papa pero sa sobrang pagwawala ni Mama ay hindi niya ito napigilan. Bago pa maihagis ni Mama yung mga plato ay umamba si Papa na parang sasampalin niya si Mama. Nang makita ko yun ay para bang kumulo yung dugo ko at kumaripas ako ng takbo papunta sa kanila. Hindi ko na pinansin yung bubog na nadudurog sa ilalim ng mga sapatos ko.
"Hindi ba kayo titigil?! Hindi ba kayo nahihiya sa pinaggagawa niyo?!", sigaw ko.
Tumingin sila sa akin at tumugil sa pag-aaway. Nang makita nila akong umiiyak ay napahagulgol rin si Mama at umupo sa kinatatayuan niya. Si Papa naman ay lumapit sa akin para yakapin ako habang paulit-ulit siyang humihingi ng tawad. Pero bago pa man siya makalapit ay tinulak ko siya dahil muntik niya nang sinaktan ang Mama ko o sinaktan niya na? Hindi ko masabi dahil hindi ko pa alam ang lahat ng nangyari. Magulo ang utak ko, kaya naman pinili ko na lang umakyat sa kuwarto ko kasama si Erika. Pero bago kami umakyat ay dinala ko muna si Mama sa kuwarto niya at dinalhan ng tubig. Si Papa naman ay naiwan sa kusina mag-isa at nakita kong nililinis niya lahat ng mga baso at pinggan na binasag ni Mama noong nagwawala siya.
May halos isang oras din bago kumalma at tumahan si Erika. Ngayon niya lang kasi nakita sila Mama at Papa na nag-away ng ganito. Natatandaan ko pa na nag-away din nang ganito si Mama at Papa noong 8 years old pa lang ako dahil laging ginagagabi ng uwi si Papa galing ng beer house noon.
"Okay ka na?", tanong ko kay Erika habang inaayos ang makalat kong study table.
Hindi siya sumagot agad, kaya naman lumingon ako at nakita kong nangingilid na naman ang luha ni Erika kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya sa kama ko.
"Oh umiiyak ka na naman. Tahan ka na", sabi ko sa kanya habang pinipilit ko rin pigiling tumulo ang mga luha ko.
Humihikbi-hikbi si Erika pero pinilit niyang magsalita at nagulat na lang ako sa tinanong niya. "Maghihiwalay na ba sila Mama at Papa?"
"Hindi. Ano ka ba?! Normal na away lang yan", sabi ko habang pinipilit kong hindi maiyak sa mga sinasabi ng kapatid ko.
Hindi siya nagsalita hanggang ginulantang na lang ako ng mga sumunod niyang binitiwang salita.
"May kabit daw si Papa sabi ni Mama. Kaya maghihiwalay na daw sila."
■■■
First day of examination. And obviously tuliro ako dahil sa mga nangyari at sinabi sa akin kagabi ng kapatid. Parang normal na ulit sa bahay. Hindi nga lang sila nag-uusap. Kami naman ng kapatid ko pumasok na at pinipilit ring umakto ng normal sa kabila ng mga nangyari kagabi.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...