Today was one of the most nerve-racking day of my life. Magpapacheck-up kasi ako today. Kasama ko si Mama. Pagpasok pa lang sa entrance ng Sacred Heart of Mary Hospital sa bayan ay kinakabahan na ako. Hindi ko maiwasan hawakan yung metal handrails sa pader habang naglalakad kami sa hallway. Pagpasok namin sa office ni Kuya Hanz, yung kapitbahay naming General Physician, ay amoy na amoy ko na yung antiseptic at air cleaners/freshener na palagi nila ini-spray. Typical hospital setting. Nakaupo siya sa kanyang table at may kausap na pasyente.
Ngayon ko lang napasin, cute din pala itong si Kuya Hanz. Lalo na at nakasuot siya ng lab gown or doctor's gown? Di ko sure kung anong tawag dun. Nahinto ang ako sa pagtitig sa kanya nung dumating ang isang nurse na pina-upo kami ni Mama sa waiting area.
I keep on looking to Kuya Hanz. Kausap niya yung isang matandang lalaki. At ang hinahinahon niya at very gentle magsalita. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. At sa buong pag-uusap nila ng pasyente napansin kong lagi niyang pinipindot yung di-click na ballpen niya. Ang cute niya.
Napansin ko rin na malinis ang office niya kumpara sa ibang doctor. Masinop. Walang masyadong kalat at malamig sa mata. Dala na rin siguro ng motif ng office niya na shades of blue ang kulay. May halaman din sa loob na mukhang totoo at hindi plastic. Katabi nung halaman ay tatlong malaking metal drawers na pinaglalagyan siguro ng mga documents at records. Sa likod ng table niya andun naman ang mga apparatus at ilang medical equipments. Medyo nasisilip ko dahil hindi completely nakasara yung kurtina.
"Ms. Anya Lopez?", tawag ng nurse sa akin. Actually di ko sure kong nurse siya or some sort of secretary. Basta nakawhite uniform siya.
Lumingon ako sa kanya.
"Kayo na po ang susunod", nakangiting sabi sa akin ng nurse/secretary. In fairness maganda si ate. Bagay sila ni Kuya Hanz.
"Oh kamusta na pakiramdam mo?", nakangiting tanong sa akin ni Kuya Hanz, or should I call him Doctor Hanz.
"Okay naman na po. Over-fatigue lang po siguro", sgaot ko naman.
Pagkatapos kong magsalita ay bigla na lang tinapik ni Mama yung kamay ko. "Over-fatigue?! Kaya nga tayo nagpapacheck-up para malaman kung ano yang sakit mo eh. Huwag mo pangunahan si Hanz".
Napairap na lang ako kay Mama at sinabing, "Mama shouldn't we call him Doctor Hanz, nasa ospital tayo oh".
Napatawa na lang si Kuya Hanz sa amin ni Mama habang kinuha ang stethoscope na nakasabit sa parang coat rack sa tabi ng table niya.
Pinapunta niya ako sa matress sa likod ng table niya at pinaangat yung damit ko ng kaunti. Nag-hesitate ako dahil lalaki siya pero naisip ko, this is just part of his job. Professional 'to, so walang arte-arte ay nililis ko ang t-shirt ko.
"Okay. Breathe in Anya, breathe out. Hingang malalim. Continue mo lang", he said.
After few seconds ay pinababa niya na ang damit ko at tumingin sa relo niya. Umupo siya sa stool na katabi ng matress. "Kukunin natin heart rate mo Anya. Please relax huwag ka kakabahan.", sabi ni Kuya/Doctor Hanz.
"Okay", matipid kong sagot. Pinanganga niya rin ako to inspect my mouth. Ininspect niya ang bibig ko with a mini flashlight and I just hope na hindi mabaho ang hininga ko dahil nakakahiya if ever.
Bumalik na ako sa kinauupuan namin ni Mama and si Kuya/Doctor Hanz naman ay may pinifill-upan na papers. I think nagrerecord niya dun base sa initial check-up ko? I have no idea.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...