Fifteen minutes after my first class this morning, I decided to listen to some music to lighten up my mood dahil medyo kanina pa ako naiinis at nabuburyong since naiwan ako sa discussion ng Theory I namin. Mr. Kupido came in shuffle habang nakatulala ako. The next thing I know ay nakatitig na ako sa kanya. With all the things happening inside the classroom, the music playing in my head, and the world seems to move in slow motion, nakatitig lang ako sa kanya. Tinitignan ko bawat detalye ng mukha niya. Mula sa wavy and black niyang buhok, singkit niyang mata, matangos na ilong, haggang sa red lips niya. At nung biglang tumingin siya sakin na para bang ramdam niyang tinitigan ko siya, siyempre inalis ko agad tingin ko sa kanya. Ayun! Patay na. Matalim siya tumingin, at muntik na ako malusaw.
Mag-aapat na taon na ako may crush sa kanya, eversince nung first year college. Sabi naman dun sa nabasa kong article online, pag lagpas na daw sa three months ang crush or infatuation, love na daw yun. Hindi ko alam at hindi ko na dapat pang isipin dahil hindi ko naman ito aaminin kaya hanggang ngayon panay sulyap lang ako. Ito yata yung tinatawag nilang "unrequited love".
"Anya! Anya! Nakatulala ka na naman. Kanina pa kita tinatawag."
Inalis ko yung earphones ko at lumingon, "Oh bakit ba? Papaload ka na naman? Di ka pa nga magbabayad nung utang mo eh." Eto pala ang mini bussiness ko. Pero soon hihinto na rin ako dahil napakahirap maningil. Isang buwan na ayaw pa nila magbayad. Hanep!
"Masyado ka naman. Magbabayad lang naman sana ako. Grabe siya oh", sagot ni Toni.
Kaibigan ko tong si Toni pero marami siyang kasalanan sakin na di ko malilimutan. Minsan di ko alam kung enemy or friend ko siya. Kaya di ko alam minsan kung mapagkakatiwalaan ko siya.
"Ayun naman pala. Ganyan sana lagi." Sabay ngiti at irap sa ko sa kanya.
"Psst! Pssst!" Merong sumusutsut sakin kaya hinanap ko naman agad kung nasaan yung gagong sumusutsut sakin. Ang ayoko sa lahat sinusutsutan or kina-cat call ako. Hindi deserve ng mga kababaihan ang i-treat na parang bang we're less than men. Pwede naman akong tawagin diba? AT nung paglingon ko, napa-Emeged na lang ako. Di naman pala gago yung sumusutsut sakin. Gwapo pala. Si Jason pala yun.
"Oh ano yun?" Pinilit kong itago ang mini-kilig kong naramdaman at nagsungit sa kanya.
"Pwedeng paload?", sabi niya.
Tumalikod naman ako agad para kunin yung phone na pang-load ko na nakalagay sa aking favorite red jansport backpack at inabot sa kanya.
"Thank you", sabi niya pagtapos i-input yung number niya sa phone ko. Dito lang naman kami nakakapag-usap. Kapag nagpapaload siya sakin. Kaya din hindi pa ako siguro makahinto kasi baka mawalan nako ng dahilan para kausapin siya in the future kasi di naman kami magkaibigan. Para ngang di kami magkaklase eh. Hindi ko alam. Suplado siya tapos masungit ako. So paano kami magiging close? Oh help me God.
YOU ARE READING
Last Christmas You Broke My Heart
RomanceAnya is just an ordinary pseudo-feminist until one day lumapit si Jason para magpaload sa kanya. And that one moment changed everything. But as soon as the ball started rolling and her life gets more exciting, heartbreaks came knocking on her door...